11th~Chapter : Two Moons

49 6 0
                                    

11th~Chapter: Two Moons (Technolia)

~~~
|Chloe's POV|

"Bilis! Labas na nagugutom na ko!"

"Lagi ka namang gutom eh." Sabe ni Mira sabay labas ng fitting room.

Nakasuot siya ng Orange and Yellow combination sundress with matching yellow headband with orange ribbon at lemon colored handbag.

"Yan bagay! Bilhin mo na yan para makaalis na tayo dito. Halos dalawang oras na tayo dito babae." Pagrereklamo ko sa kanya sabay tulak sa kanya para pumasok olit at magpalit.

"Oo na! Eto na! Bruha!"

"Ano sabe mo?"

"Wala.... Sabi ko bruha." Nagkunware nalang ako na hindi narinig yung sinabi niya at baka tagalan niya pa lalo.

Pumasok na siya at mga ilang minuto pa ay lumabas na din habang ako naman naghihintay sa counter para bayaran na niya yung pangatlong beses na niyang sinusuot.

"Bat ba hindi ka nalang bumili sa online shopping?" Tanong ko ng makalabas na kami ng shop.

"Well mahirap pumili sa online dahil baka hindi bagay or fit sakin!" Pagdadahilan niya. Parang lahat naman kakasya sa kanya, eh di naman nagbabago yung katawan niya.

"San natin sila ime-meet?" Tanong niya sabay labas ng phone at tinignan yung text ni Fione. "West Valley Ice Cream Parlor."

"Ah yung bagong ice cream parlor dun sa kabilang building na bagong gawa."

|Natalia's POV|

"Kawawang Chloe napilitang sumama kay Mira~" sabe ni Miles sabay kain ng Cress Ice Cream. Bakit may vegetarian na flavor dito?!

"Sinabi mo pa! Well wala siyang choice." Natatawa kong sabe. Kasalanan ni Chloe yan at late siya dumating.

"Nandyan na sila." Turo ni Reena sabay tayo at puntahan sila Chloe at Mira. Tatayo na din sana ako ng biglang napaupo ako olit.

"Huh?" Bakit parang nahihilo ako.

"Fione?"

"Fione!?"

*Boom!*

Asan ako!?

Pagdilat ko ng mga mata ko nasa isang open area ako at ang daming naglalabang tao. Anong nangyayare!?

"Explodere (Explode)!"

"Concursus (Clash)!"

"Ardere (Blaze)!"

Iba't ibang klaseng enchantments at spells ang naririnig ko sa bawat direksyon pero nagulat nalang ako ng biglang may dumaan sakin na grupo ng mga magicians.

Bakit!?

Paano!?

Anong nangyayare!?

"Whaaa~!" Bigla akong nakarinig ng iyak ng bata at hinanap ko kung saan nanggagaling yung iyak.

Ayun!

Yung bata natabunan ng malaking bato!

Maraming nakawhite ang malapit sa kinalalagyan niya at maraming inventions silang hawak at mukang may gagawin silang masama dun sa bata!

Kailangan ko siyang tulungan kahit hindi ko alam kung anong nangyayare!

Hahawakan ko sana yung bata kaso nagulat nalang ako ng tumagos dun sa batang lalaki yung kamay ko.

The Girl with Two LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon