1st~Chapter: Life in EleMagica

228 13 0
                                    

1st~Chapter: Life in (EleMagica)

~~~~

Dalawang taon na ang lumipas ng sinabi sa samin yun, pero hanggang ngayon ay may mga bagay na hindi ko parin maintindihan at sinusubukang alamin ang mga kasagutan.

Nakalimutan ko pala magpakilala. Ako si Jessie Natalia Sakura Firewood (madalas tawag sakin Natalia o kaya Jessie) pero madalas ang tawag nila sakin ay "The Unknown" ibigsabihin unknown daw ang kaya kong gawin, ewan ko ba sa kanila kung bakit yun ang katawagan nila sakin eh ang kakayahan ko lamang ay dalawang elements: air at fire, kaya ko ding mag-adapt ng mga ibat ibang gifts kaso pili lang. Yun lamang ang magic.

Tapos kinakatakutan din nila ako dahil marami "daw" akong nalalaman dahil may Gifts ko na Photographic Memory at Incredible Senses. Pero marami naman kaming ganong may kakayahan pero bakit ako ang pinakakinakatakutan??

Ewan ko sa kanila, mga weirdo....

15 years old palang ako. Meron akong white hair at violet eyes pag nandito ako sa EleMagica. (ako yung nasa Multimedia pag nasa EleMAgica) Mga 5"2' lang ang taas ko at hindi ako maganda at lalong hindi ako panget nasa gitna lang ako. May amulet din akong suot na nagiging sword pag sinasummon ko ito.

Simple lang ako manamit at magayos. Isa akong bookworm, madalas nasa library kase dun tahimik, lumalayo sa mga mataong lugar (ayoko kasing tignan ng mga tao) at walang kaibigan dahil natatakot akong maulit yung ginagamit lang ako at pina-plastic.

Kung dalawa ang lugar na tinitiran ko ay dalawa din ang school na pinagaaralan ko. Dito sa EleMagica sa Element Magical University ako nagaaral meron ditong ibat ibang section, Dragonia (rank AA,AAA,S) Ravengale (rank BB,BBB,A) at ang Spinder (rank C,B).

Pinipili muna ng Sodiac Ministry of Magic kung saan section nabibilang ang isang individual dito nakabase ang pagpipili sa mga rank. Merong C (pinakamababa, pinakamahina), B, BB,BBB (mga pangalawa sa rami at nasa gitna ang kakayahan), A,AA, AAA (kalahati ang populasyon sa C, malakas at kakaiba ang mga kapangyarihan), at ang dalawang hindi masyadong nakukuha ng iba ang S at O.

Rank S ako. Sabi nila malakas daw yun ehh hindi naman ako malakas? Hindi naman nakakamangha ang magic ko at wala naman akong ginagawa para lumakas?

Hayyyy~ Bat ganito buhay ko??

Papunta akong canteen habang nagbabasa ng bago kong libro na hiniram ko sa Section Dragonia Library ng may bigla akong nabangga.

"Sorry!" Sabay naming sabi at nagkatinginan. Si Cole Mason Maxwell Battlefield toh ah!! Ok sorry kung fullname pero ngayon ko lang nakita siya sa malapitan!

Si Cole Mason Maxwell Battlefield or Maxwell Battlefield ay ang rank AAA ibigsabihin rank 2 siya sa lahat ng bagay pero nasa Section Spinder, ewan ko kung bakit siya nandoon ehh rank AAA siya. Isa siya sa mga hinahangaan kong tao dahil sa galing at talino siya. Medyo idol ko siya hihihi...

Meron siyang brown hair at light brown(minsan nagmumukang orange) na pagtumingi ka parang gusto mong lamigin pero hindi siya cold makipagusap sa iba. 17 years old na siya, Matangkad mga 5"9', may matangos na ilong, pagkasingkit na mga mata at charming na ngiti, may itsura siya in short guwapo.

Ayokong magsinungaling, masama kaya yun!

Tila lagi niya suot yung scarf sa leeg, at simple lang din siyang manamit. Minsan naka-headphones siya na nasa tenga niya.

Meron siyang dalawang sword na nakasabit sa magkabilang gilid ng beywang niya.

Ang mga element na kaya niyang kontrolin ay water and earth. Mabilis din ang paningin niya sa mga bagay, may mga gifts din siya tulad ng telekinesis na nagagalaw ang mga bagay na gamit ang isip niya at telepathy kung saan nababasa niya ang iniisip ng iba. Nagagamit niya lang ang mga ito paggusto niya.

"Ha?" Nabalik ako ang atensiyon ko sa sitwasyon nung inulit niya ang sinabi niya.

"Sabi ko.. Ok ka lang, Natalia?" Tanong niya sakin. Wow! Bat niya ako kilala? Ngayon lang ako napadaan sa Section nila ahhh at ngayon ko lang siya nakita ng malapitan at nakausap.

"Bat mo ko kilala?" Tanong ko sa kanya sabay kunot ng noo.

"Ehhh~ Tiba ikaw lang ang rank S sa Campus? Ayan oh nasa kaliwa mong kamay nakatatak." Pagsabi niya non ay hinawakan niya yung kaliwa kong kamay at pinakita niya sakin.

Ay oo nga pala...

"Tsyaka ikaw lang walang kaibigan dito oh...." Pagsabi niya non ay hinila ko yung kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya at nilagpasan siya.

Ay grabe personalan ah! Aba!! Gusto niya ba maging abo ngayon ngayon na!? Nakow!! Pasalamat siya at.... Hay~!

"Joke lang yun... hoy!" Tawag niya sakin sabay hawak sa braso ko at pinaharap ako sa kanya. "Sorry kung na offend kita..." Tinignan ko lang siya at nagtaas ng kilay.

Malamang mao-offend ako noh?! Grabe naman siya!!

"Sorry talaga... Um gusto mo libre kita ng lunch para hindi ka na magalit?" Pagkasabi niya nun ay biglang kumulo ang tyan ko at hinatak ko siya sa canteen kahit pinagtitinginan kami ng iba.

Matalino talaga toh! Tsk tsk~

~

"Hindi ka naman gutom noh?" Tanong niya habang kinakagat yung wooden straw ng binili niyang juice.

"Pano mo naman nasabi?" Sabay ngiti at nagsimula nang kumakain. Umiling lamang ito at hinayaan ako.

Hindi naman ako kumakain na parang halimaw, excuse moi! Pero marami kasi akong pinabili sa kanya. Hindi lang kase ako kumain nung lunchbreak. Ngayon kase hindi ako nakapagbaon.

Nang matapos ako ay kinuha ko yung mga pinagkainan ko at binigay dun sa pinagbilhan ko. Tapos bumalik ako dun sa table namin. Si Maxwell naman pinapalakpakan ako.

"Grabe record time yung pagkain mo ah. Iba ka talaga, Natalia." Di ko napigilan mag-bow sa harap niya bago umupo.

"Salamat ahh~ Sa susunod ako naman manglilibre sayo..." Ningitian ko siya, akala ko magpapaalam na siya ng bigla itong tumayo at nagsalita.

"Sure ba! Ako nga pala si Cole Mason Maxwell Battlefield just call me Mason nasa Section Spinder at rank AAA." Pinakita niya sakin yung leeg niya at nandoon nakatatak ang symbol ng AAA.

"Hi! Ako si Jessie Natalia Sakura Firewood call me Talia at rank S ako" Nagpeace sign ako sa kaliwang kamay ko ng pinakita ko yung symbol ng rank S.

Nagtawanan kami at inilahad niya yung kamay siya para makipagshake hands sakin. Kinuha ko naman yun at sabay naming sinabi "Glad to meet you"

Bumitiw ako sa kamay niya ng magbell at nagpaalam na kami sa isa't isa. Bago magsimula akong tumakbo dahil malayo pa yung Section Dragonia sa canteen.

~

"Ok class pass your worksheets." Pinasa na namin yung mga worksheets namin at inayos na yung mga gamit namin. Nilagay ko na lahat ng notebooks ko ng napansin kong may kulang sa gamit ko.

Nilabas ko lahat ng gamit ko at tama nga ako may nawawala!! Yung libro kong "Elemental Destructions" yung binabasa ko kanina ng mabanga ko si Mason. Patay bawal pa naman yun makita ng ibang Section!! Kahit kelan talaga ako oh!!

Nagmamadaling binalik ko yung mga gamit ko sa bag at lumabas para makaakyat ako sa roof top upang hanapin ito.

Pagtapak ko sa pinakaitaas ay pinikit ko ang aking mga mata at nilanghap ang sariwang hangin. Sinimulan kong pakiramdaman ang mga bagay sa ibaba.

Ginagamit ko ang wind element ko para mahanap ang libro. Kaya kong gamitin o kontrolin ang hangin para mahanap ang libro. Sa sobrang laki nitong Campus nahihirapan akong maghanap!!

Mga ilang minuto pa ay naramdaman ko rin ito. Pinaikot ko ang hangin sa akin upang maging pakpak ito, na may kulay blue/violet/white. Lumipad ako papunta kung saan ko nakita ang libro.

Nang makalapag ako sa Open Field ay may biglang kumuha ng libro ko. Itong taong toh pa eh ayokong nga makita siya ngayon. Ang ayos ayos ng araw ko oh, sisirain lang niya!

Hayz~

Mapapalaban nanaman ako nito at siguradong malaking gulo ang kahihinatnan nito.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-* *-*-*-*-*
Please vote at comment~

The Girl with Two LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon