17th~Chapter : Lake of Musing

3 2 0
                                    

17th~Chapter : Lake of Musing (EleMagica)

~~~~

Ah so ito pala yung kinukuwento ni Professor Zhang. Na pagnilagay mo ng isang patak ng potion of gale ang robin's feather may lalabas na itim na usok at magmomodify ito sa iba't ibang figures hanggang mareplicate ang shadow ng orihinal na anyo nito bilang isang ibon.

Lumipad lipad ito paikot ikot sa kuwarto ko. Ngunit mga ilang segundo lang ay bumalik ito sa pagiging usok at naglaho. Ang balahibo na kanina'y itim ay dahan dahan naging puti.

Siguro kailangan ko maghanap talaga ng powder of timely dust at clay of flown na nakasulat dun sa librong binigay sakin dati ni Headmistress. Baka sakaling mas magaya nito ang totoong ibon at maaring magtaas sa affinity ng illusion magic. Kaso ang hirap hanapin yung dalawang ingredients na yun.

Hm? Puwede din kayang kahit anong hayop? Well baka depende din sa mga sangkap. Kailangan ko din pala ng spell book para sa illusion magic kung sakali kailangan ko itong i-test run sa sarili ko. Siguro kaya mabilis na nawala yung magic dahil hindi naman ako illusionist. Kay Caroline sana kaso bawal...

Habang nagiisip ako ay may naamoy ako na sanhi ng pagkulo ng aking tyan.

Wait, huh? Nakakapagtaka bakit ako nakakaamoy ng pagkain? Eh di pa naman ako nagluluto dahil medyo maaga pa. Wala din kaming malapit na kapitbahay at nagiisa lamang ako ngayon dito sa bahay.

Hindi din nagalarm yung bahay, so ibigsabihin nito ay walang pumasok ng bahay na galing sa labas kundi may galing sa kabilang bahay sa Technolia.

Nangbinuksan ko yung pinto ay bumungad sakin ang amoy ng mga paborito kong pagkain. Nagsimula ako bumaba ng hagdan, naririnig ko din ang ingay ng radio sa kusina.

"Ma, mukhang masarap po yan, ah?" Sumandal ako sa may arch-way ng kusina, pinapanood si Mama ihalo yung fruit salad bago ilagay ito sa ref upang lumamig.

"Syempre naman ako gumawa nito, eh." Ningitian niya muna ako bago kumuha ng spoon at sumandok ng kaunting mixed rice. Nagsenyas siya na lumapit ako. "Oh ito tikman mo, kung ok na."

Hinipan ko muna bago tikman. "Hmmm okay na, lasang mixed rice naman po."

"Lasa lang pero hindi masarap?" Tanong nito habang nagkibit-balikat.

"Syempre naman po masarap. May niluto ka na po bang hindi?" Sabay yakap sa kanya. "Kahit nga po hindi ko kinakain na luto mo, eh masarap pa din eh."

"Ewan ko ba sayo bat ayaw mo amoy ng ulam na yun eh paborito nga yun ng mga kapatid mo." Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at kumuha na ng mga pinggan at utensils.

"Di po kinakaya ng ilong ko yung amoy, buti nga po di nagiging uling bigla eh." Lagi ko kaseng sinasabi sa kanila na ilayo nila sakin yung ulam na yun at baka di ko mapigilan masunog ko yun gamit ng fire element ko.

Nangyare na yun one time nung mga bata pa kami, pati yung laylayan ng buhok ni Liesse nasunog nung nilapit niya yung pinggan niyan na punong puno nung ulam na yun para lang asarin ako. Simula nun di na niya sinubukang ulitin pa.

"Subukan mo lang at handang paliguan ka ni Liesse ng wala sa oras." Pagbabanta nito habang hinahain lahat ng niluto niya. Kumuha ako ng mixed-rice bago sandukan si Mama ng sa kanya. Nilagyan niya naman ako ng fried tempura at stir-fry vegetables. "Kumain ka ng madami dahil pumapayat ka na."

Nagkunot noo naman ako sa kanya bago tignan ang mga braso ko. Sa pagkakaalala ko hindi naman nagbago timbang ko ah. Kakameasure lang namin nung isang araw ng mga physical attributes namin sa Technolia.

"Okay Ma, sabi mo yan ah!" Di nalang ako tumutol at nagsimula na kaming kumain. "Bat ka po pala nandito? Linggo po bukas ah, pahinga niyo po ni Papa."

"Gusto sana kita dalhin sa Lake of Musing." Sabi nito. "Nagaalala kase ako sa nangyare sayo nung nakaraan, anak."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Girl with Two LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon