8th~Chapter : Testing Weapons

107 7 0
                                    

8th~Chapter : Testing Weapons (Technolia)

~~~

"Tulungan na kita dyan." Napatingin ako kay Ender na bigla nalang sumupot sa harap ko at kinuha yung malaking box na dala ko.

"Osige." Wala na din akong nagawa dahil kinuha na niya at nagsimula ng maglakad.

"Bakit ikaw gumagawa nito?" Napatingin ako sa kanya dahil sa tinanong niya at sinabayan siya maglakad.

"Ha? Ah kase biglang tinawag sila Mira ni Ms. Clare para magpatulong sa lower levels." Pagdadahilan ko para hindi na siya magtanong pa.

"Ah. Ano ba nakalagay sa box na toh? Ang bigat naman ata?" Tumigil siya sa paglalakad at nilapag yung malaking box sa harapan niya at binuksan.

"Mga beginners weapons yan. Pinapatest sa amin kung puwede na gamitin." Kumuha ako ng isang medium na box na may weapon sa loob at binigay sa kanya para makita niya. Tumango naman siya at kinuha sabay buksan. Isang wooden arrow and bow ang nasa loob at mukang bagong gawa lang nito.

"Mukang kailangan mo ng tulong sa pagtest ng mga weapons na toh! Ang dami sobra!" Binalik niya yung medium in size na box sa loob at binuhat niya olit iyon.

"Hindi na kailangan. Kaya ko naman magisa..." Kukunin ko na sana pabalik yung box kaso nilayo niya sakin yun at ningitian niya lang ako.

"Kahit ayaw mo, tutulungan pa rin kita!" Naglakad na siya papuntang Anti-Gravity Training Facility.

Ang Training Survival Facility or Trival-Facility ay isang malaking one floor building na open ang bubong kung saan nahahati sa 1-6 Physical and Mental Training Stages:
Stage 1 : Normal
Stage 2 : Ruins
Stage 3 : Calamity
Stage 4 : Space
Stage 5 : Illusion
Stage 6 : Nightmare

Sa Stage 1 : Normal, ang hindi gaano kalaki ang parte kaysa sa Ruins, Space at Calamity na nasasakop ang Trival Facility, simpleng training area lang ang ginagawa nito at dito nagpra-practice ng walang ka-challenge challenge pero minsan may mga nagdu-duel din dito.

Sa Stage 2 : Ruins, nasasakop ang halos kalahati ng Trival Facility. Dito naglalaban laban ang mga estudyante. Isang malaking kuwarto ito na may mga sirang bahay, matataas na building, na parang nasa isang abandoned city. Ang laban dito ay kung sino ang pinakamaraming matamaan ay siyang mananalo at puwedeng tumaas ang level.

Sa Stage 3 : Calamity, medyo maliit ito kaysa sa Ruins pero mas malaki naman ang nasasakop nito kaysa sa Normal. Sa bahagi namang ito masusubukan ang pagkakaisa at pagtutulungan para makasurvive ang buong class section. Kailangan nilang makasurvive sa mga earthquake, landslide, tsunami, hurricaine, at Lighting accidents pero kailangan din nilang matalo ang mga grupong nasa loob din ng Calamity. Ang mananalong class section ay lalaban sa Space kung saan makakalaban nila ang mga nasa ibang year/level.

Sa Stage 4 : Space, kasing laki lang ng nasasakop nito ang sa Calamity. Isa itong anti-gravity at may bubong ito kaysa sa Normal, Calamity at Ruins. Parang nasa outer space ang concept ito at ang naglalaban ay ang mga nanalo sa Calamity, kung sino mang year/level ang mananalo ay ang magiging champion ng branch namin at ipanglalaban sa iba pang branch ng Sodiac Science/Mathematics Advance Universities. Tataas din ang mga level ng mga nanalo.

Ang Stages 2-4 ay Physical Training Improvement na nangyayare lang sa 1st end of semester, which is two months from now. Kung saan isang linggo itong gaganapin.

Ang Stages 5&6 : Illusion at Nightmare ay Mental Training Improvement na nangyayare naman sa 2nd end of semester. Nasa isang malaking kuwarto ito na may bubong at may mga higaan na capsule kung saan doon matutulog ang mga estudyante at kakalabanin nila ang nasa Illusion at ang worst Nightmare nila. May gadget na isusuot nila na tinatawag na "Mind-Memory Transfer" para maipasok sa mga utak nila ang mga challenge na haharapin nila.

The Girl with Two LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon