13th~Chapter : Black Book

21 5 0
                                    

13th~Chapter : Black Book (EleMagica)

~~~

"Provolí (Show)"

"Revelare (Reveal)"

"Vulgo (Blurt)"

"Incognita (Unknown)"

"Mystikó (Secret)"

"Black or White
Paper or Pen
Word or Sentence
Reveal or Forgotten"

Ano pa? Masubukan nga itong mga toh. Sana naman gumana na! Nakailang libro na ko sa Advance Enchantments pero wala paring gumagana!

"Reserare (Unlock)"

"Apeikónisi (Display)"

"Apokalýpto (Unveil)"

"Ekthései (Expose)"

"Emfanízomai (Appear)"

"Written thy Pen
Words thy Mind
Paper thy Trees
Message thy Book"

"Ugh! Bat ayaw!? Halos lahat na ng spell nabigkas ko na para lumabas yung mga letters at words pero ayaw parin!" Kanina pa ako dito sa library ng Dragonia naghahanap ng spell. Pero ni-isa walang gumana sa kanilang lahat. Pagminamalas ka nga naman. Hay~

Nalaman ko kase nung pagkauwi ko sa bahay galing Hephaestus~Scroll na walang nakasulat na kahit ano sa itim na libro. Kaya ngayon halos mapiga ko na yung utak ko sa mga spells na alam ko o binasa ko mula sa lahat ng librong nasa harapan ko ngayon.

Wala atang balak tong libro na malaman ko o kahit sino kung anong mga nakasad dito. Pati na si Mama ay hindi alam ano ba ito.

~flashback~

"Nakauwi na ko!" Sigaw ko pagkapasok ko sa bahay namin. Baka kase wala nanamang tao at magisa nanaman ako. Pero mabuti nalang at may narinig akong sumagot.

"Welcome back, nak!" Lumabas si Mama galing studyroom na nakapormal pa din na damit. Siguradong kakadating niya lang din galing sa trabaho. Lumapit naman siya sakin at hinalikan ako sa noo. "Maayos na ba pakiramdam mo? Wala ng side effects yung spell mo kagabi?"

Umiling naman ako at napa-kunot ng noo. "Pano mo po nalaman eh tulog na po kayo?"

Hinawakan niya ang kaliwang balikat ko at pinisil ito ng mahina. "Syempre anak kita, nararamdaman namin ni Papa yung magic mo, niyo kahit malayo man kayong magkakapatid o malapit. Wala tayong magagawa, ganon talaga eh!" Tinignan ako ng maigi ni Mama. "Kaya wag niyo subukang abusuhin ang katawan niyo dahil sa magic. Lalo ka na Vanessa Natalia." Nagtatanong lang naman ako, napagalitan pa.

"Opooo pero po hindi ako gumamit ng magic kahapon dahil kakain lang naman po kami ng ice cream magkakaibigan. Di ko nga po namalayan na hinimatay ako." Pagpapaliwanag ko.

Lumambot naman yung tingin niya sakin. "Yun nga ang inaalala namin ng Papa mo baka pagod yang katawan mo. Ang dalas mo na magkasakit at ngayon ay nawawalan ka bigla ng malay pero gamit ka pa din ng gamit ng magic mo."

"Pasensiya na po, susubukan ko po kayo pagaalalahanin ng sobra." Ngitian naman ako ni Mama bago niyakap.

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo dahil kung hindi, isang linggo kitang ikukulong dito sa kuwarto mo sa Technolia at itatago sa Ministry." Pabirong sabi nito pero alam kong gagawin niya talaga yun pagnagkataon.

Mahigpit na niyakap ko siya pabalik. Mga ilang segundo ay bumitiw din kami at sumagip sa utak ko yung libro.

"Ma tignan mo toh." Nilabas ko yung itim na libro sa bag ko at binigay sa kanya. Umupo naman siya sa sofa ng sala namin, tumabi naman ako sa kanya. Baka may alam siya patungkol dito?

The Girl with Two LivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon