9th~Chapter : A Dreamer's Song (EleMagica)
~~~
Lumabas ako ng Potions and Enchantments Chamber at nakita ko si Mason nakasandal sa katabing pader ng pintuan ng Chamber. Bakit kaya siya nandito? May kailangan kaya siya?
"Hi!" Nakangiti siya sabay kaway sakin at lumapit.
"Hello, bakit ka nandito?" Tanong ko sabay balik sa kanya ng ngiti.
"Puwede ba kitang yayain maglunch ng sabay?"
Tumingin tingin ako sa paligid. Muka namang hindi susulpot si Athena. Nakakapanibago ah... Ay oo nga pala! Busy nga pala yun kaya siguradong hindi siya manggugulo.
"Ayaw mo ba?" Napabalik yung tingin ko kay Mason na nagkakamot ng batok na parang nalulungkot at hindi makatingin sakin ng deretsyo.
"Hindi ah! Syempre gusto ko! Tinitignan ko lang baka bigla nanamang sumulpot yung fiance mo!" Nagliwanag naman sa saya yung muka niya at sabay hawak sa kamay ko at hila sakin.
"Imposible dahil nasa Wilson siya ngayon. May family gathering sila. Magiging tahimik ang buong linggo natin. " Sabay kindat sakin.
~~
Sa Dawn Maze niya ako hinila.
Alam niya din pala toh! Akala ko ako lang nakakaalam kung pano makapunta sa gitna nito.
"Alam mo bang ilang beses na akong naligaw dito?" Natawa naman ako dun sa sinabi niya. "Grabe naman! The best ka kase eh! Kaya di ka naliligaw...tsk." Hala! Nagalit sakin!
"Wew galit ka?" Sinamaan niya lang ako ng tingin at umupo dun sa isa sa mga bench na nakapalibot sa fountain.
Ay galit si Mr. Battlefield. Ngayon ko lang nakitang nagalit siya ah? Baka mamaya sapakin ako nito.
"Oy! Wa--" Napatigil ako ng sasabihin ko ng biglang may tumunog na piano. Ay oo nga pala may white grand piano dito. Titignan ko sana yung pinaglalagyan ng piano kaso hindi ko makita! Nasan na yun?
"Hala! Nawala nanaman yung grand piano!?" Nanaman? Anong ibigsabihin niya eh pagpumupunta ako dito hindi naman nawawala yung piano?
"Panong nanaman?" Patuloy parin yung pagtugtog yung piano ng malimanay na chords, which is super nakakatakot!
"Pagpumupunta ako ng ganitong mga oras o kaya uwian laging nawawala yung piano." Pagpapaliwanag niya habang hinahanap yung piano.
Woah! Nakakatakot yun! Pero bakit ganon pagpumupunta ako dito ng mga ganitong oras nandito naman yung piano? Tinutogtog ko pa nga yun eh. Ibigsabihin ba nito hindi lang isa yung grand piano?!
Tumayo ako at dahan dahan pumunta dun sa pinaglalagyan dapat nung grand piano. Nung malapit na ako bigla nalang nagpakita yung grand piano. Tatakbo na sana ako pabalik lara tawagin si Mason ng may makita akong babaeng nakaupo dun sa upuan ng piano. Nakapikit siya. Sino siya? Multo kaya siya?
"Sino ka?!" Nanlaki yung mata ko ng biglang nagsalita yung babae tapos ngayon nasa harapan ko na siya at nakatutok sa lalamunan ko yung dagger niya.
Ang sama nung tingin niya sakin! Bakit ba lahat ng babae galit sakin!? Ano ba problema nila!?
"Ako.... si Natalia Fi..rewood.." Ang hirap magsalita! Matagal niya ako tinignan parang may hinahanap siya sakin. Siguro kung ano man yun nahanap niya at nang mahanap niya bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit. Anyare?
"Natalia! Miss na miss na kita!" Miss? Ano daw sino ba siya? Ang gulo naman ng babaeng toh. Kanina di niya ko kilala tapos ngayon tila ayaw na ko bitawan.
BINABASA MO ANG
The Girl with Two Lives
PrzygodoweAko si Natalia pero ako din si Fione dalawang magkaibang pagkatao pero parehas na ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan ako ang naatasan na magkaroon ng dalawang pakatao. Hindi ko man ginusto pero sana maganda ang idudulot. Bilang Fione masaya...