6th~Chapter : The Animal Puppeteer (EleMagica)
~~~
Bakit kaya bigla nalang gumalaw yung ladder? Dati naman hindi yun nawawalan ng control at laging sumusunod yun sa nagcast ng spell, ah?
"Talia? Hellooooooooooooo?" Biglang may nagsalita sa sarap ko kaya tumigil ako at tinigan yung nagsalita.
"Mason, ikaw pala. May kailangan ka ba?" Tanong ko sabay ngiti sa kanya.
"Ayos lang ba sayo kung maglunch tayo ng sabay?"Ningitian niya din ako sabay pakita nung lunch box niya na kinuha niya pa sa bag.
"Sige ba!" Sagot ko naman tapos bigla nalang niya akong hinila at sabay naglakad.
"Ayos ka na ba talaga?" Biglang tanong ni Mason sabay tingin sakin at halata nanaman na nagaalala siya sakin.
"Oo naman, ako pa!" Sigaw ko sabay turo sa sarili ko at nagtaas noo. Narinig kong napatawa siya ng mahina kaya napatawa na din ako.
"Bat ka nga pala nagabsent kahapon?" tanong niya na nakatingin na sa dinadaanan at hindi na sa akin.
"Nagpahinga ako sa bahay. Wala akong iniisip na kung ano at puro tulog, kain lang ako kahapon." Masayang sabi ko kaya alam kong papaniwalaan niya yun kahit kasinungalingan yon.
Ang totoo niyan, pumunta akong Technolia at doon gumawa ng research kung sino ba talaga si Grell Arthur Wreed, kung bakit niya na simulan ang digmaan na yun at bakit sobrang galit siya sa mga taga EleMagica.
Muntikan na nga malaman ng mga magulang ko na gumawa ako ng research dahil siguradong papagalitan ako ng mga yun at sabihin na dinadagdagan ko nanaman yung assignments ko. Buti nalang at hindi nila nalaman dahil pinakiusapan ko si Mr. Claus na wag paalam sa kanila.
"Ahh mabuti naman at alam mo yung word na yun!" Sabi niya sabay tingin sakin at ginulo yung buhok ko. Hala! Ginulo niya yung buhok ko! Ang hirap pa naman ayusin tong buhok ko!
"Hoy wag! Mason ano ba!" Sinusubukan kong tanggalin yung kamay ni Mason kaso patuloy lang siya sa paggulo ng buhok ko at pagtawa dahil hindi ko magawang tanggalin yung kamay niya. Natigil kami ng biglang may tumawag sa kanya.
"Maxwell! Akala ko ba sabay tayong maglu-lunch......?!" Napatingin kami sa likod namin at nakita namin si bruha--este Athena na nakataas ang isang kilay at nakacross-arms. Bruha talaga...".... at bakit kasama mo yang freak na yan?!" Sobrang sama ng tingin niya sakin habang papalapit sa amin.
"Kung ako freak, ikaw naman bruha..." mahina kong sabe pero alam kong narinig niya dahil namumula na yung tenga sa galit.
"Hoy! Hindi ako bruha!" Sasampalin niya na sana ako ng mapigilan ko siya at tinaasan ko din siya ng kilay.
"Edi kung hindi ka bruha, edi hindi din ako freak." Ningitian ko siya ng sobrang tamis at binitawan sabay layo ng konti.
Nagulat nalang ako ng tumawa siya ng malakas at tinuro ako.
"Oo nga hindi ka freak dahil snake ka pala. Inaagaw mo ang fiance ko!" Sabay nun nagsilabasan ang mga ahas sa paligid ng open field at lahat nagsilapitan kay Athena. Lahat sila namumula ang mga mata at halatang gusto ibaon ang mga makakamandag nilang matutulis na ngipin sakin.
Siguradong sinadya kong kalimutang i-kuwento kung sino si Athena. Siya si Trinity Athena Seria Wildrose pero ang madalas tawag sa kanya Athena pero ang tawag ko sa kanya bruha, tutal naman tawag niya sakin freak, babawi lang ako.
Mataas ang tingin niya sa sarili dahil pamangkin siya ng Headmistress at fiance siya ni Mason Battlefield. Nung nabalitaan ko nga yun naawa ako kay Mason dahil isang bruhang babae ang naging fiance niya.
BINABASA MO ANG
The Girl with Two Lives
AdventureAko si Natalia pero ako din si Fione dalawang magkaibang pagkatao pero parehas na ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan ako ang naatasan na magkaroon ng dalawang pakatao. Hindi ko man ginusto pero sana maganda ang idudulot. Bilang Fione masaya...