14th~Chapter : Past Lullaby (EleMagica)
~~~
"Grabe naman yung assignment ni Liesse! Late tuloy ako!" Nagmamadali akong lumipad papuntang chamber ng Herbal Studies dahil late ako at ngayon lang ako nalate. Si Liesse kase nagpaturo ng assignment niya na sobrang hirap para sa grade niya at lalo akong natagalang turuan siya kase ang tigas ng ulo, ayaw makinig sakin!
"Sorry Professor Rosegood!" Sabi ko ng mabuksan ko yung pintuan at lumapag sa sahig sabay yuko.
"Yan kase absent pa..."
"Diba, absent siya kahapon? Bat pumasok pa siya...?"
"Matalino naman siya dapat hindi na siya pumasok..."
Yan nanaman sila...
"Take a seat Ms. Firewood." Tumango naman ako at pumunta sa desk ko na sa sahig lang nakatingin ayokong makita yung mga mata nila na tila mga kutsilyo sa talas. Hindi din sila tumigil sa pagbubulungan kahit na naka-upo na ko at nilabas yung notebook't libro ko sa Herbal Studies.
Nagsimula akong magsulat habang nakikinig sa mga sinasabi ni Professor Rosegood. Kahit alam ko na kung ano yung mga sinasabi niya ay nakikinig parin ako at lagi din naman akong may nalalaman na hindi ko pa nababasa sa libro.
Kahit naman matalino ako ay hindi naman ibigsabihin nun, alam ko na ang lahat. Gusto ko nag-aaral at pumasok dahil pagnasa loob ako ng classroom ay parang ordinaryo lang din akong estudyante. Sa board at sa professor lang ako nakafocus, hindi sumasadya sa utak ko ang mga responsibilidad na pinataw ng lahat sakin.
"Magalit ka na.. Ipakita mo sa kanila gano sila kahina..."
Napatayo ako ng hindi inaasahan at tumingin sa paligid nagbabakasakali na makita ko yung nagsalita. Nakatingin silang lahat sakin pero ni-isa wala akong naramdaman na kakaiba. Saan nang galing yung boses na yun?
"Ms. Firewood? May problema ba?" Napatingin ako kay Professor Rosegood at halata sa muka niya ang pagaalala kaya nagmadali akong umupo at umiling bilang sagot sa tanong niya.
So ako lang ang nakarinig nun. Kahit si Professor na mataas ang hearing amplitude sakin ay nagtataka sa aksyon ko.
"Oh nagpapapansin nanaman siya..."
"Di na dapat siya pumasok kung aarte-arte siya..."
Akala ng lahat nagpapansin ako? Yun nalang ba lagi nasa isip nilang lahat simula't simula? Pano pagmay panganib nga, edi tamang 'I told you so' nalang?
Huminga ka Natalia at baka ikaw ang magsanhi nun...
Sinubsob ko nalang yung muka ko sa libro ko ng ipinagpatuloy ni Professor Rosegood yung lecture niya.
"Pasalamat ka at hindi sobrang strict ni Professor, Unknown."
"Kung sino ka man, sana naman tigilan mo na ko dahil wala akong oras patulan ka..." Bulong ko sa hangin ng dadalhin palabas ng bintana na katabi ng desk ko.
"Nagkita na tayo at magkikita olit tayo..."
~
Hindi ko nalang pinansin kung sino yung bumubulong sakin hanggang maglunch time. Kung sino lang siguro yun na sinusubukan yung pasensiya ko. Hindi ko hahayaang sirain maigi ng isang tao ang araw ko. Hindi ko na nga din pinapansin tong mga kamag-aral ko eh.
"Oy! Alam niyo ba late si Unknown kanina?"
"Grabe nakakahiya yun..."
"Porket ba rank S siya kaya na niyang gawin yung gusto niya..?"
BINABASA MO ANG
The Girl with Two Lives
AdventureAko si Natalia pero ako din si Fione dalawang magkaibang pagkatao pero parehas na ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan ako ang naatasan na magkaroon ng dalawang pakatao. Hindi ko man ginusto pero sana maganda ang idudulot. Bilang Fione masaya...