5th~Chapter: Friendship as Medicine (EleMagica)
~~~
Nakakapagod naman tong assignment na binigay sakin! Ang sakit na ng ulo ko! Hay pero kaya ko toh!
Sana kaya ko pa...
Nagunat-unat ako ng braso at bigla akong napatingin sa gilid ng table ko.
Ay! Oo nga pala! Ngayon ko nga pala gagawin yung assignment ko sa Element Medicine at pupunta ng Element Magical Academy, Central Library!
Tumayo na ako at kinuha yung bag ko para mailagay yung mga files na binigay at mga kailangan ko sa school.
Bago ako lumabas ng kuwarto tinignan ko muna yung itsura ko sa salamin at napabuntong hininga nalang. Grabe ang tinde ng eye bags ko! Pangalawang araw ko na to na hindi natutulog! Hay~ ang aga naman kase ng deadline nitooooo!
Pumunta muna akong kitchen at kinuha yung gamot ko at ininom para naman hindi halata yung pagod sa muka ko. Baka lalo akong tignan ng mga tao sa school, siguradong kung ano ano nanaman iisipin, sasabihin, chismis nung mga yun.
~
Nang makapasok na ako sa gate ng Element Magical University, napansin kong napaaga ako ng pasok dahil konti lang ang estudyante na nakakalat. Dalawang oras pa pala bago magpasukan.
Pumunta muna akong Key Holder Chamber ng school para makuha yung susi sa library dahil siguradong sarado pa ito dahil wala pa ang librarian.
"Excuse me po." Sabi ko ng binuksan yung pintuan. Tumingin naman sa akin yung key holder na si Mrs. Chain at ningitian ako.
"Natanggap niyo po ba yung sulat ko?" Tanong ko ng makalapit ako dun sa table niya.
"Ahh oo naman. Sandali lang kukunin ko yung susi." Tumango naman ako at sinundan siya ng tingin.
Tumayo siya at umakyat sa ladder sa likod niya. Nagsabi siya ng spell at nagsimulang gumalaw yung ladder at tinapat siya dun sa cabinet na may nakalagay na "Central Library Key". Nang makuha niya yung susi biglang gumalaw yung ladder kahit wala siyang inuutos.
"Hala!" Napatayo ako sa kinauupuan ko at sinundan yung ladder.
Sinusubukang pigilan ni Mrs. Chain ito kaso hindi sumusunod sa kanya yun at nagsimula itong magshake, na parang pinapaalis niya si Mrs. Chain sa kanya.
"Ah!" Natanggal yung pagkakahawak ni Mrs. Chain sa ladder. Nako kailangan ko siyang tulungan!
Dahil wala ng oras para lumipad ako ay tinapat ko nalang yung kamay ko sa dereksyon niya at inutusan ang hangin na pigilan ang malakas na impact ng pagbaksak ni Mrs. Chain. Inutusan ko ding ilapag siya ng maayos nito ng dahan-dahan sa sahig.
"Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko ng makalapit ako sa kanya at tinulungan siyang tumayo. Ningitian naman niya ako at tumango.
"Vineis Claudicare (halt)" Biglang napatingin ako sa may pintuan at nakita ko si Mason na nakatayo dun at nakatapat ang kamay sa ladder na msy mga vines na pumalibot dito upang pahintuin ito.
"Ayos lang ba kayo?" Tanong niya at bakas sa muka niya ang pagaalala. Lumapit siya samin at tinulungan akong alalay si Mrs. Chain sa upuan niya.
"Ayos lang kami!" Nakangiting sagot ko naman kaya nawala yung pagaalala sa muka niya, napalitan ito ng ngiti.
"Mabuti naman. Napadaan lang ako ng may maramdaman akong mali." Sabi niya sabay tingin dun sa ladder.
"Salamat sa tulong mo, Mason!" Pagpapasalamat ko kay Mason.
"Walang anuman. Ano nga pala ang sadya mo dito, Natalia?" Napansin kong Natalia yung tinawag niya sakin. Bakit kaya? Madalas niyang tawag sakin ay Talia kaya nakakapanibago.
BINABASA MO ANG
The Girl with Two Lives
PertualanganAko si Natalia pero ako din si Fione dalawang magkaibang pagkatao pero parehas na ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan ako ang naatasan na magkaroon ng dalawang pakatao. Hindi ko man ginusto pero sana maganda ang idudulot. Bilang Fione masaya...