12th~Chapter : Hephaestus~Scroll (Technolia)
~~~
|Liesse's POV|
"Liesse nandito na si Austin hinahantay ka!" Sigaw ni Mama galing kusina.
Bumaba na ako para kunin yung bag ko para makapasok na kami ni Austin sa school.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siya nakatayo dun habang nakatingin sa kalangitan pinapanood yung mga ulap na dahan-dahang gumagalaw habang sinasabayan ang hangin.
"Mukang anghel yung ulap na yun oh."
Turo niya sabay tingin sa akin at ningitian ako. Tinignan ko naman yung tinuturo niya at napangiti din.
"Oo nga, noh!" Nabalik yung tingin ko sa kanya ng hawakan niya yung kamay ko. "Good morning, Austin~"
"Morning, princess~" Nakangiti niyang bati sakin sabay halik sa likod ng palad ko. Ok inaamin kong namumula ako ngayon at sobrang lapad ng ngiti ko. Grabe ang guwapo talaga niya, buti nagidol sayang yung itsura niya eh!
Sino ba naman hindi makakaramdam ng sobrang kaligayahan kung yung taong hinahangaan mo nasa tabi mo at pinapakilig ka ng konti nalang maiihi ka na?
Nagsimula na kaming maglakad papuntang bus stop. Tahimik kaming naglalakad pero binasag niya din yung katahimikan.
"Kamusta naman yung project ng section niyo?"
"Ayun nasisimulan na sa wakas! Ang tagal na-pending yun. Eh kayo?" Mahahalata sa boses ko ang konting pagkairita.
"Patapos na kami. Madali lang naman kase yung amin."
"Bat ba kase 'Molecule Explosion Powder' pinapagawa samin? Malay ba namin dun!" Hirap naman kase iformulate yun! Kahit ako nahirapan eh.
"Woah easy ka lang Princess, tulong gusto mo?" Ningitian niya ko. Ako naman eto, babae parin kinikilig.
Umiling ako at ngumiti sabay upo sa bus stop habang naghihintay sa bus na dumating. Napansin ko yung matandang babae na laging naghihintay din ng bus. San kaya siya pumunta ng ganito kaaga?
"Kaya na namin yun. Tiwala lang." Sana na nga kaya namin. "Matatalino naman classmates ko, tamad lang talaga...hehehe."
"Sige. Pero pagkailangan mo ng tulong nandito lang ako." Kindat niya bago tumingin sa likuran ko. "Ayun na yung bus!"
Tinuro niya yung paparating na bus kaya tumayo na ako. Pero napansin kong ang daming taong nakasakay. Kasya pa kaya kami?
"Halika!"
Sumakay na ng bus si Austin pero hindi ako sumunod at pinauna ko na yung matandang babae. Mabuti nalang at hindi napansin ni Greyson na bumitiw ako sa hawak niya at hindi ako sumabay dahil siguradong baba yun.
"Ang bait naman ni 'PRINCESS' "
Napairap ako ng marinig ko yung nagsalita sa likod ko pero hindi ko hinarap. Bahala siya dyan.
"Hindi kita inaano dyan, Dan." Mahahalata sa boses ko ang pagkainis. Umupo nalang olit ako.
"Bilis magbago ng mood ni PRINCESS. Kanina kung kiligin mapupunit na yung muka kakangiti tapos ngayon kung makabusangot parang wala ng bukas ah!" Nangiinis niyang sabe sakin sabay tabi sakin dahil naghihintay din siya ng bus.
"Manahimik ka nga, Dan!" Napatingin na ako sa kanya na handang ilabas at itutok sa kanya nung baril ko pero hindi ko nagawa dahil hinawakan niya ang kamay ko at malapit yung muka namin sa isa't isa habang nagkakatinginan.
Ang sama ng tingin ko sa kanya at sinusubukan kong tanggalin ang pagkakapit niya pero ngayon ko lang nalaman na malakas pala tong lalaking to at hindi niya binibitawan. Masama din ang tingin niya sakin dahil inis na inis siya sa mga nangyayari at alam kong pinagseselosan niya si Austin. Bat naman siya magseselos eh hindi naman kami?
BINABASA MO ANG
The Girl with Two Lives
AdventureAko si Natalia pero ako din si Fione dalawang magkaibang pagkatao pero parehas na ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan ako ang naatasan na magkaroon ng dalawang pakatao. Hindi ko man ginusto pero sana maganda ang idudulot. Bilang Fione masaya...