16th~Chapter : Abilities (Technolia)
~~~~
Habang nakaelevate ako, tumingin ako dun sa hologram ng training section. Nakalagay ang pangalan ko at ng makakalaban ko.
~Battle 7:
Student # : 329
Name : Heins Loki Elicit
Section : Class 9 - D : Gemini
Level : 5Versus
Student # : 905
Name : Fione Tale Freed
Section : Class 9 - A : Libra
Level : 3.5Heins? Hindi ko siya kilala personally dahil hindi naman ako napapadpad sa section nila pero diba siya yung main brawl fighter ng section D? At level 5 siya...
Ang taas naman masyado ng level ng ipapalaban nila sakin, hindi ba magtataka mga kaklase ko at ibang section sa laban na mangyayare? Hindi ko alam kung dapat ba ko magpatalo o manalo.
Hayst~ bahala na nga...
Hindi ko na narinig ang mga bulong at boses ng mga kaklase namin at ibang section dahil dinala na kami sa loob at pagmay labanang nagaganap, nagiging soundproof ang training sections. Upang di ma-overwhelm ang lahat sa ingay at makapagconcentrate sila sa sarili sariling labanan.
Nang lumapag kami sa training section ay sabay naming nilabas ang mga weapons namin. Kinumpas ko ang kanang kamay ko, naputol ang aking singsing at lumabas ang spear ko. Hinawakan ko ito at tinayo sa tabi ko. Si Heins naman ay kinuha yung baton sa may belt niya at pinatong ito sa balikat niya habang nagbabago ng itsura hanggang sa maging full-blown axe ito.
"No hard feelings, Freed. Grades lang." Nakangiti pa din siya at tinuro niya sakin ang Axe niya at nagbattle stance.
"Same goes for you, Elicit." Reply ko.
Nagliwanag ang kinatatayuan namin upang senyales na parehas na kaming handa. Mga ilang segundo na lamang at magiilaw ang buong training section para magsimula ang laban.
Battle begins in..
3..
2..
Hinigpitan ko ang hawak sa spear ko at nagsimulang magbattle stance ng biglang
*Weapons dismissed* tunog ng system.
Bumalik sa papaging singsing yung spear ko habang naging baton muli ang axe ni Heins. May glass podium na nagemerge sa pinakagitna ng training section at may holographic words na nakalagay dito.
*Weapons surrender here*
Napatingin ako kay Mr. Beam. Makikita sa mga mata niya na pati siya ay nagtataka ngunit hindi niya ito pinahalata sa mga estudyante na nagbubulungan sa isa't isa. Pero ni-isa walang nagbakasakali na kuwestiyunin siya.
Tumingin siya sakin at sabay kaming tumingin sa gitnang bintana, naghahanap ng kasagutan ngunit alam namin parehas na wala, sa ngayon.
Nagsimula na ko maglakad sa glass podium at tinanggal ang sising sa daliri ko para ipatong ito dito bago bumalik sa orihinal na kinakatayuan ko.
Kahit nalilito ay ginaya din ni Heins ang aking mga aksyon at sinurrender niya ang baton niya sa tabi ng aking sising.
Nang lumayo siya sa glass podium ay dahan dahang bumaba nito sa sahig at naglaho. Nagpakita naman ito kaagad sa control table ni Mr. Beam. Mukhang di nga talaga kami puwedeng gumamit ng mga ito.
Pagkabalik ni Heins sa puwesto niya ay nagsimula na muling magcount down ng training section 5 at hinanda na namin parehas ang sarili namin.
Battle begins in..
BINABASA MO ANG
The Girl with Two Lives
AdventureAko si Natalia pero ako din si Fione dalawang magkaibang pagkatao pero parehas na ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan ako ang naatasan na magkaroon ng dalawang pakatao. Hindi ko man ginusto pero sana maganda ang idudulot. Bilang Fione masaya...