“Verity, tama na.” Niyugyog niya pa ako pero hindi ako nakinig sa kanya. Nakatingin lang ako kay Idan.
“Who are you?” he asked.
“Violet. Amaris sister.” Napakunot ang noo niya.
“Ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala si Amaris.” Naramdaman kong nanlamig ang kamay ni Amaris. Alam kong kinakabahan siya but I know how to handle this.
“Ano ba kasi ang nangyari dito, Maren?”
“How dare you-”
“How dare you too?! Baka nakakalimutan mo?! Pinili si Amaris bilang prinsesa! But you didn't treat her right! Ang kapal ng pagmumukha niyong sabihin na mabait kayo! Pero ang sasama ng mga ugali niyo?!”
Natahimik sila and I rolled my eyes.
“You don't know the whole story-”
“Neither do you,” I seriously said dahilan para matigilan siya. Napatingin ako kay Maren. “Anong nangyari? Sabihin mo sa akin ang totoo.”
“I-it was just an accident. Nabangga ko kasi siya kaya natapon ang tubig sa baso tapos nadulas ako sa sahig. Hindi ko naman sinasadya.” I raised my eyebrow. Agad ko sinampal si Maren dahilan para matahimik silang lahat.
“Don't use justice if you only protect the suspect,” seryoso kong sabi. Hinawakan ko ang wrist ni Amaris at hinila siya palabas.
Nakakainis talaga ang mga tao dito.
“Verity! What are you doing?! Alam mong mapapahamak ka sa ginawa mo?! What if malaman nila identity mo?! I'm sure hindi ka na makakabalik sa inyo!” I heavily sighed.
Ganun niya talaga kamahal ang prinsepe na 'yon para sabihan ako ng ganyan.
“Bakit natatakot ka bang makuha ko ang posisyon mo?” Natigilan siya sa sinabi ko. I just smiled.
Ano bang nakita niya sa lalaking 'yon? Kung ako ang villainess, hindi talaga ako magkakagusto sa lalaking 'yon. Hindi siya worth it pag awayan at hindi rin siya karapat-dapat maging male lead ng story.
Duh!
“Hindi naman sa ganun...”
“It's normal to protect you, Amaris. I am your supposed to be sister.” Napatampal ako ng noo. “You know what, aabsent na muna ako ngayon. Na i-istress ako sa'yo, bahala ka sa buhay mo.”
Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at lumabas nalang ako ng school. Hindi naman ako pinigilan ng guard kasi wala naman siyang pake sa akin.
Napatingin ako sa lalaking nagsasanay. Kawawang kahoy, ginawang kalaban. May 8 packs abs pa siya. Sarap naman ng pandesal.
Napalingon siya sa akin at biglang nag slowmo ang paligid. Violet hair and black eyes.
Ryu Ignacio 19 year old. Ang gwapo niya, lakas maka koreano vibes.
“You are?” Napatingin ako sa paligid ko at tinuro ang sarili ko dahil ako lang ang tao ang nandito. “Sino pa ba?”
Ay suplado.
Lumapit ako sa kanya at napatingin sa espada niya at syempre palihim ako nakatingin sa yummy niyang katawan.
Knight siya ng dalawang prinsepe. Kaya wala siyang pake kay Maren o kay Amaris pero matagal-tagal ay magkakagusto din siya kay Maren.
“Gusto ko lang matuto paano gumamit ng espada?” May papatayin lang akong gago.
“Nasaan ba 'yong knight mo?” Napakunot ako ng noo.
“Knight?”
“Yes. Diba kapatid ka ni Amaris?”
“Hindi ko alam na updated ka pala.” Umiwas ako ng tingin at nilibot ang paningin ko sa paligid. “Can you teach me how to kill a white snake?”
Natigilan siya sa sinabi ko dahilan para tignan ko siya sa mata. He smiled warmly. Alam kong hindi niya naintindihan ang sinabi ko.
“White Snake? Maren?” I giggled dahil sa sinabi niya.
“So sa tingin mo white snake si Maren?” Napaisip siya sa sinabi ko.
“Kinda.” Napailing nalang ako.
Ito talagang lalaking 'to, hindi marunong magsinungaling. Kaso nakakatakot siya kalabanin. Hinawakan ko ang espada niya at nagulat ako ng nabitawan ko 'to dahil sa sobrang bigat.
“Mag iingat ka, mabigat 'yan. Kailangan mong masanay humawak ng mabigat na bagay para masanay kang humawak ng sandata.” Napabuntong hininga ako.
“Wala bang espada na magaan diyan?” walang gana kong tanong.
Umiling ito at napatampal nalang ako ng noo. Umupo ako sa harap niya.
“Manonood lang ako. Don't worry.”
Nag sanay na siya at habang ako ay nag e-enjoy sa view-este sa pagsasanay niya. Ang sarap sa eyes!
Nang matapos na siya magsanay ay pumalakpak ako.
“Waah! Ready ka na yanigin ang buhay ko!” Napatawa ito dahil sa sinabi ko at ganun din ako. “Syempre joke lang!”
“Hindi ka talaga nawawalan ng energy eh no.” Napailing ito.
“Nandito ka ba para protektahan 'yong dalawang prinsepe?” He nodded ng tanungin ko siya. “Kailangan pa ba sila protektahan? Mukhang malalakas naman sila ah.”
“Of course and I am willing to sacrifice myself just to save them both.” Napatango naman ako sa sinabi niya.
Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa likod at tumingin sa ulap. Niramdaman ko ang masariwang hangin.
“But what if may darating na hindi mo inaasahan?” I looked into his eyes, hindi maintindihan ang aking sinabi. “She will change you.”
“Nobody can change me for who I am, young lady.” I chuckled.
“Hindi ka nakakasigurado, Ryu.” Natigilan siya sa sinabi ko.
“Sabi ng ate mo, galing ka daw sa australia at bago ka lang nakarating dito. How come you remember my name?” he asked.
“Matalino ako.” Napatango ito halatang hindi naniniwala sa akin. I rolled my eyes and flip my hair. “Mukha ba akong bobo para sa paningin mo?!”
Umiwas siya ng tingin dahilan para samaan ko siya ng tingin. Sinasadya ba 'tong lalaki na 'to na inisin ako.
“Ikaw na nagsabi niyan.” Hindi na ito napigilan at tinawanan na ako.
Kung hindi lang siya gwapo kanina ko pa 'to pinatay.
BINABASA MO ANG
Twist Of Fate
Romance(Completed) Verity Diaz ay isang babaeng makasarili. Hindi niya masyadong naintindihan kung ano nga ba talaga ang pag ibig. She hated her sister dahil mas pinili pa ng kapatid niya ang boyfriend niya kaysa kay Verity. Hanggang sa naaksidente siya...