“Ash? What are you doing here?” I asked.
“Umm... I was just gonna ask you to see Ace if you have time...” Umiwas ito ng tingin dahilan para taasan ko siya ng isang kilay. “Pero mukhang naistorbo 'yata kita.”
“Ah 'yong nakita mo kanina, kakaalis lang ni Lucien. Don't worry, nasa saktong oras ka.” I giggled at umuna ng maglakad.
“Gusto mo ba si Lucien?” Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa kanya habang nakakunot ang noo.
“Hi-”'Sabihin mo oo.'
Ayan na naman siya. Ano na naman ba 'tong kalokohan na naisip ng lalaking 'yon?
“Oo,” walang gana kong sagot. “Bakit mo natanong? Does it bother you?”
Namilog ang kanyang mata dahil sa sinabi ko. At dumistansya dahilan para taasan ko siya ng isang kilay.
“Bother me?! No! I-i was just asking.” Yumuko ito dahilan para mapabuntong hininga ako.
Wala naman akong pake kung nabobother ka. Napahilot nalang ako sa sintido ko.
•••
“May bibilhin lang muna ako. Ikaw na muna ang bahala kay Ace.” Napatango nalang ako bago siya umalis.
Wait? Bakit parang ako 'yong naging baby sitter dito? Napailing nalang ako at binuksan ang pinto. Nakakatakot ang atmosphere ng bahay nila.
“Ace! Nandito ka ba?!” Ngunit walang taong sumagot.
Sigurado ba siyang nandito ang kapatid niya? Baka trap lang 'to? I rolled my eyes at tumalikod pero muntik na ako mapasigaw ng makita ko siya.
“What the-” Napabuntong hininga ako. “Ginulat mo naman ako.”
He smiled at me at niyakap ako, “Ate! I miss you! Bakit ngayon ka lang?”
“Ah... Busy kasi ang ate mo.” Napapansin ko na, unti-unting nag iiba ang galaw ni Ace na para bang may tinatago siya sa akin? At sigurado akong hindi ko magugustuhan 'yon. “Bakit mas lalo kang pumayat?”
“Bakit ate? Mas gusto mo ba 'yong may laman?” natataranta niyang tanong.
“Huh? Hahahaha! Oo naman.” Nakita kong napapout ito dahilan para mas lalo akong mapatawa. Ang cute!
“Kagaya ni kuya Ash?” Ewan ko ba pero parang biglang nagbago ang aura.
“Ano ba 'yang iniisip mo?” Ginulo ko nalang ang buhok niya at umiling. “May dinala pala akong pagkain. Lulutuin ko lang 'to tapos hintayin mo nalang si kuya Ash mo.”
Napatango nalang siya at nagsimula na akong magluto. Ramdam ko ang titig niya sa akin pero hindi ko na pinansin 'yon dahil baka masunog ang niluto ko.
Nang matapos na ako magluto ay nilagay ko na ito sa lamesa. Napakunot ang noo ko. Bakit ang tagal ni Ash?
“Nasaan na ba ang kapatid mo? Bakit ang tagal niya?” Inosente itong napatingin sa likod niya.
“Hindi ko po alam, ate.” Napakamot nalang ako sa batok ko at hinaplos ang likod niya at binigyan ng matamis na ngiti.
“Kumain ka muna diyan ha. Hahanapin ko lang kapatid mo.” Napatango nalang siya at umalis na ako.
•••
“Anak ng-hoy!” Agad ko nilapitan ang tatlong tao na nambugbog kay Ash.
Natigilan sila ng makita nila ang mukha ko.
“Anong ginagawa niyo?! Inutusan ba kayo ni Maren?!” Napangiti ng nakakaloko ang isa at lumapit sa akin.
“Ngayon lang ako nakakita ng ganito kaganda? Saan ka nakatira?” Hahawakan na niya sana ang mukha ko pero agad humarang si Ash.
“Don't you dare touch her with your dirty hands?!” inis na sabi sa kanya ni Ash.
“Lumalaban ka na ngayon?” Mukhang nagalit ito.
Tumingin sa akin si Ash, “Tumakbo ka na.”
Tinaasan ko naman siya ng kilay. Anong akala mo sa akin? Hindi marunong makipaglaban?
“No! Hindi ako aalis dito!” Napa cross arm at bumuntong hininga nalang siya.
Nilabas niya ang espada niya at sa isang iglap ay wala ng ulo ang mga lalaking nambugbug sa kanya. Napatingin siya sa akin. May mansya ng dugo ang kanyang mukha. Napaiwas ito ng tingin, bahid sa kanyang mata ang lungkot. Hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ng panyo.
“Maligo ka pagkatapos. Ang dumi mo na.” Kunot noo niya naman akong tinignan dahilan para taasan ko siya ng kilay.
“Hindi ka ba natatakot sa akin?” he asked.
“Bakit naman ako matatakot sa'yo?” At isa pa fictional character ka lang. Hindi naman ito totoo.
Ang totoong tao dito ay ako lang. Pero infairness ang pogi ng mga lalaki dito-mga baliw nga lang.
“Umuwi na tayo.” Umuna na akong maglakad. Ramdam ko ang mga titig niya sa akin pero hindi ko nalang pinansin.
•••
Kunot noong tinignan ni Tiernan si Ash ng makita niya itong duguan. Hindi niya pinansin ang binata at lumapit sa akin dahilan para magulat ako.
“Are you okay? What happened?!” alala niyang tanong.
“A-ayos lang ako. May masama lang na mga lalaki na nanggugulo kay Ash.” Napakamot ako sa batok ko at tumingin kay Ash na ngayon ay umiwas na ng tingin. “Ayos ka lang?”
Napatango ito at sinenyasan na niya akong aalis na siya. Anong nangyari do'n?
“Gosh! Verity! Sobrang nag alala kami sa'yo, akala namin napano ka na!”
“Don't worry, nandyan naman si Ash para protektahan ako.” Napabuntong hininga na lamang si Amaris.
Hinawakan niya ang dalawang braso ko at seryoso akong tinignan dahilan para matigilan ako.
“Nagsimula na magduda 'yong ibang tao about sa'yo, Verity. You should act more careful now at isa pa. Prince Idan sent us an invitation. Pupunta tayo sa beach nila bukas for the celebration sa pagdating ni Maren.” Biglang nagbago ang tono sa kanyang boses ng banggitin niya si Maren.
She don't like Maren kasi feeling niya inaagaw ni Maren lahat sa kanya. At hindi na ako magtataka if 'yan din ang tingin niya sa akin.
“Ang weird lang bakit invited tayo?” Napakunot din ang noo ni Amaris.
“Iyon din ang pinagtataka ko. First time nila tayong inimbita. Do you think Idan realize my feelings for him?” Palihim akong napairap dahil sa tanong ni Amaris.
Ang tanga niya talaga. Minsan naiisip ko si ate sa kanya. Napabuntong hininga nalang ako and I wear a fake smile.
“I don't know.” Hinawakan ko ang balikat niya. “Buhay mo naman 'yan. Alam mo kung anong tama at mali, ate.”
Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at umalis nalang. Wala pa nga akong ginagawa pero napapagod na ako.
BINABASA MO ANG
Twist Of Fate
Romance(Completed) Verity Diaz ay isang babaeng makasarili. Hindi niya masyadong naintindihan kung ano nga ba talaga ang pag ibig. She hated her sister dahil mas pinili pa ng kapatid niya ang boyfriend niya kaysa kay Verity. Hanggang sa naaksidente siya...