Minulat ko ang mata ko dahil hindi ako makatulog. Hindi ako makatulog kasi trip ko lang. Kinuha ko ang alarm clock ko at 12:00 am pa.
“Jusko! Bakit ba hindi ako makatulog?” Lumapit ako sa pinto at binuksan ito.
Anong ginagawa ni Ash dito? Nakita ko kasi siya sa labas ng kwarto ko na natutulog sa sahig. Hayst! Ang lamig dito jusko!
Eh diba dapat nasa tabi siya ni Amaris ngayon? Napailing nalang ako at kinuha ang kumot sa kwarto ko at nilagay sa kanya.
Naglibot-libot ako sa paligid ng mapahinto ako dahil may nakita akong lalaki na nasa garden. Black hair and black eyes.
Lucien Castro 16 year old. Ang second male lead. Lahat naman sila obsessive at kapatid siya ni Idan. What is he doing here?!
Napalingon siya sa akin and our eyes met pero mas lalo akong nagulat ng marealize kong wala akong mask na suot.
“Y-you...” Halata sa kanyang mukha ang pagkagulat.
I just smiled at him at tumakbo na papalayo. Nagtataka nga ako dahil hindi niya ako hinabol.
•••
“May crush ka ba kay prince Lucien?” Namilog ang aking mata sa tanong ni Amaris.
“What kind of question is that?” natatawa kong tanong.
“Well, bagay naman kayo.”
“No, Amaris. He's not my type.” Napailing nalang ako at napatawa naman siya.
“So sinong type mo?” nakangiti niyang tanong.
“Si Idan.” Nawala ang ngiti sa kanyang labi dahilan para mapatawa ako. “Masyado ka namang halata, Amaris. Chill, wala akong gusto kay Idan... Ang type ko ay si Phoenix. I like his appearance.”
Nakita kong napabuga ito ng hangin at tumawa lang ako. Alam kong manenerbyos siya kasi hindi niya ako kayang talunin if ever na maging kalaban kami.
“Ano bang nagustuhan mo sa Idan na 'yan?” Halata sa aking boses na naiirita ako. “He's a jerk!”
“Magkaiba tayo. For me, he's an angel, Verity.” I rolled my eyes.
Bahala ka sa buhay mo, Amaris. Magpakatanga ka. Diyan ka namamatay eh masyado ka kasing nagthi-think na may pag asa ka kahit alam mong wala.
•••
“Why don't you join your brother, prince Lucien?” Napatingin ito sa akin at bumaling ulit ang tingin niya kay Maren at Idan na ngayon ay sumasayaw na.
“I'm not allowed to.” Napa 'o' nalang ako ng bibig.
“So you mean, you're not allowed to dance princess Maren?” Napatango siya. Aalis na sana siya pero I giggled. “Then will you take my hand and dance with me?”
Nagdadalawang isip pa ito pero tinanggap din ang kamay ko dahilan para mapangiti ako. Sumabay kami sa musika, we dance and dance hanggang sa pinagtitinginan na kami ng lahat.
Napakunot ang kanyang noo, “Bakit ang saya ko?”
I chuckled, “Ikaw lang mismo ang nakakaalam 'yan sa sarili mo, prince Lucien. Don't just focus on one person. Many people out there can make you happy.”
“What do you mean?”
“If you know your worth, hindi mo na kailangan habulin pa si Maren.” Hindi lang siya nagsalita at nakatingin lang siya sa akin.
Naaksidenteng nagtama ang mata namin ni Tiernan. Nakita ko siyang gulat na gulat. Anong ginagawa niya dito?
Nang matapos ang sayaw ay agad ko hinanap si Tiernan pero hindi ko siya makita kahit saan. Saan na ba 'yon nagpunta?
“Young lady, what's your name?” he asked. Pero hindi pa rin nagbago ang ekspresyon sa mukha niya.
“Verity.” Mukhang nagulat siya dahil sa sinabi ko.
Anong nangyari sa kanya?
“Watch out!” Agad kami napatingin sa itaas at bigla nalang nahulog ang chandelier, mabuti nalang at nahila ko siya kundi pareho kaming dalawang patay.
“Are you okay?” Napatingin ako sa kanya at doon ko lang namalayan na ang lapit na pala namin sa isa't-isa. Umatras na ako at inis na napatingin sa itaas.
May gustong pumatay sa amin? Bakit ganun? What did I do wrong?
“Protect the prince, now!” sigaw ni Idan.
Nagbow na ako at umalis na. Tinawag niya ako pero hindi ko na siya pinansin. Sino 'yong taong gumawa nun?—or buhay ko lang talaga ang gusto niyang kunin.
“Are you okay?” Maren asked. Inabot niya sa akin ang tubig.
“I'm fine.” Nilagay ko naman ito sa lamesa. Tumabi ito sa akin at bumuntong hininga.
“I'm sorry dahil nangyari ito sa'yo.” Hinawakan niya ang kamay ko. Ewan ko ba pero hindi ako komportable sa kanya. “Mas mabuti pang lumayo ka kay Prince Lucien.”
“Huh? Bakit naman?”
“You know he was born to be the unlucky prince, right? Kapag nakadikit ka sa kanya, pwede kang mapahamak.”
“Wala akong pake.” Natigilan siya sa sinabi ko. “No one deserve to be treated that way. Sa pagkakaalam ko, ang taong walang puso lang ang nag iisip ng ganyan, Maren.”
“P-pasensya na.” Tumayo na ako at umalis.
Habang naglalakad ako sa pasilyo ay napahinto ako ng makita siyang nakatingin sa buwan. Walang kabuhay-buhay ang kanyang mata na parang nawawalan na ito ng pag asa.
Lumapit ako sa kanya, “Kung ano man 'yang iniisip mo, hindi 'yan totoo.”
“But it's the truth. Bakit hindi ka pa lumalayo? Nagbibigay lang ako ng kamalasan sa'yo,” cold niyang saad.
Umupo ako sa tabi niya at tinignan ang buwan.
“Hindi ka malas.” He chuckled na para bang nagbibiro ako sa sinabi ko.
“Wala kang alam.”
“Pero walang taong malas, Lucien. We live in this world, binigyan tayo ng sarili nating kalayaan. At na sa'yo ang desisyon kung magpapaalipin ka sa mga tao.” Tumayo na ako at pumunta sa harap niya. “Ikaw lang ang makakapagpabago sa future mo, Lucien.”
Nagulat ako ng hilahin niya ako at yakapin. Narinig kong humikbi ito. Ewan ko ba pero kabaliktaran si Lucien at Idan.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko ng mamatay. Gusto ko ng tapusin ang paghihirap ko. Wala na akong dahilan para mabuhay pa.” Trabaho ito ni Maren, bakit ako 'yong nandito?
I rolled my eyes pero natigilan ako ng may naramdaman akong matalim na mata na nakatingin sa akin. Nararamdaman ko ang kanyang galit.
Bakit ba galit na galit siya sa akin?
“Don't leave me, Please don't leave me.”
Ha?
BINABASA MO ANG
Twist Of Fate
Romance(Completed) Verity Diaz ay isang babaeng makasarili. Hindi niya masyadong naintindihan kung ano nga ba talaga ang pag ibig. She hated her sister dahil mas pinili pa ng kapatid niya ang boyfriend niya kaysa kay Verity. Hanggang sa naaksidente siya...