Chapter 41

425 20 3
                                    

Muntik na akong mapasigaw ng biglang may espada na pumunta sa harapan namin. Is he trying to kill me to?!

Mabuti nalang talaga at tinulak ni Phoenix.

“Ang kapal ng pagmumukha niyong maglandian sa harapan ko!” inis niyang sigaw sa amin.

He's out of control.

“Verity, go.”

“What?” Ngumiti ito para ipakitang hindi dapat ako mag alala sa kanya. “Why do I always have to leave you here?!”

Hahawakan ko na sana ang kamay niya pero bigla siyang umatras. Seryosong nakatingin sa akin. How dare he?! Ako na nga 'yong nag alala sa kanya tapos ganyan pa ang inasta niya sa akin. 

“Umalis ka na! Lumayo ka na bago ka pa magsisi, Verity!” Hindi ko lang siya pinansin at hinila siya.

Tumakbo na kami at nakatingin lang sa amin si Idan, wala siyang emosyon na nakatingin sa'kin na para bang alam niya ang mangyayari.

Bakit ganun? Masama pa rin ang kutob ko. 

•••

Bumuntong hininga ako at bibitawan na sana ang kamay niya pero napahinto ako ng hindi niya ako binitawan.

“I said leave me alone. Bakit hindi ka nakinig sa akin?” cold niyang tanong.

“I... I don't want you to die.” He looked directly at my eyes dahilan para matigilan ako. 

“And why is that?”

“I just...”

“Do you realize now that you're giving me mix signals?” Natigilan ako sa sinabi niya. Walang emosyon ang kanyang tingin sa akin. “Do you love me, Verity?”

Hindi ako makapagsalita. Mahal ko ba si Phoenix? Dahan-dahan akong umiling. Alam kong hindi niya nagustuhan ang sagot ko. 

“No, I only see you as a friend, as my friend.” Tinignan ko siya sa mata at halatang nasaktan ito sa sinabi ko.

“You really hurt my feelings, Yinah... Or should I say Verity.” Dahan-dahan itong lumapit sa akin at hindi ko man lang nagawang umatras. “Bakit ka pa pumasok sa buhay ko kung iiwan mo naman din ako?” Hinawakan niya ang baywang ko at mas lalong pinalapit sa katawan niya. “Habang nandito ka pa sa tabi ko, the more it's hard for me to let you go.”

“Phoenix... I-i can't stay with you. Alam mo 'yan,” mahinahon kong sabi.

Yumuko ito upang hindi ko makita ang lungkot sa kanyang mga mata habang nakahawak pa rin ito sa balikat ko.

“Because you choose not to stay... I know... I know na hindi ka magtatagal sa akin.” Naramdaman ko ang kanyang lungkot. Naawa ako sa kanya pero kailangan ko ng umalis. “Akala ko makakayanan ko...” Nagulat ako ng niyakap niya ako. “But I can't... Hindi ko kayang iwan mo ako, Verity. I need you. I love you so much. Nahihirapan akong pakawalan ka kasi mahal kita.”

“But you have to, kahit anong pilit mo. Hinding-hindi ako mapapa sa'yo.” Napatango ito at nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinalikan.

Hindi normal na halik na para bang sabik na sabik ito, Uhaw sa halik. Naramdaman ko ang kanyang dila na nilalaro ang dila ko. Namula ang kanyang pisnge habang mas lalong diniinan ang halik. Napapikit nalang ako ng kinagat niya ang labi ko habang walang emosyon na nakatingin ang kanyang mata sa akin.

Agad ko siya tinulak at sinampal. Nagulat ako sa ginawa niya hindi ko inaasahan 'yon.

“What do you think you're doing?! Have you lost your mind?!” inis kong sigaw sa kanya. “You're not even trying to move on—”

“Kasi ayaw ko!” Hindi ko na alam ang gagawin ko sa lalaking 'to. Wala naman talaga akong balak na lumapit sa kanya sadyang inutusan lang talaga ako ng lalaki na 'yon. “Gusto kitang mahalin hanggang sa mamatay ako. Ayaw kong mawala ang nararamdaman ko sa'yo. Ikaw ang rason kung bakit gusto ko pang mabuhay.”

Hinawakan ko ang likod ng ulo niya habang seryosong nakatingin sa kanya. Ramdam kong pinagmamasdan kami ngayon. I still need to stay here, may gusto pang malaman ang lalaki na 'yon.

Mas lalo kong nilapit ang mukha ko sa kanya habang diretsong nakatitig sa kanyang mata.

“Pumunta ka sa lugar kung saan ka iniwan ng mama mo.” Napakunot ang noo niya. “I know na hindi mo ako kayang pakawalan dahil ako lang ang nandiyan para sa'yo. But now, you don't need me anymore, Phoenix.”

Dumistansya na ako at binigyan siya ng matamis na ngiti.

“Hindi kita maintindihan.”

“Malalaman mo lang ang totoo kapag susundin mo ang utos ko sa'yo,” I seriously said.

Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at umalis nalang.

•••

Kumunot ang noo ko ng makita ang litrato ng totoong parents ni Idan. Magkapatid nga sila ni Amaris. How come hindi maalala ni Amaris na magkapatid sila?

“Hindi mo pa rin alam ang sagot.” Sinamaan ko siya ng tingin.

“Hindi totoong prinsepe si Idan!” inis kong sabi.

“Then?” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Meron pa?!” hindi makapaniwalang tanong ko.

“Yes, what do you think? There are 2 question na kailangan mo pang sagutan.” He giggled. “At dahil mabait ako bibigyan kita ng bunos.”

“Are you seriously kidding me right now?!” Napamewang ako. Last nalang talaga masusuntok ko na talaga ang lalaking 'to. “Ang hirap ng pinapagawa mo sa akin! Akala mo ganun lang kadali?! Hindi ako nakikipaglokohan sa'yo!”

“Akala ko ba madali lang sa'yo?”

“Madali?” Pinanliitan ko siya ng mata habang nakangiti lang siyang nakatingin sa'kin na para bang wala siyang kasalanan na ginawa. All of this is his fault! Siya ang dahilan kung bakit ako nandito?! “Do you read minds?”

“Ngayon mo lang ba napansin?” Napatampal ako ng noo. Nakalimutan ko. “Baka magkaroon ka ng amnesia niyan?”

Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi. Hindi na ako nagsalita pa at napahinto ako ng makitang parang familiar ang bata na 'to.

He looks like...

“Cesar.” Napansin kong mas lalong napangiti ang lalaki dahil sa sinabi ko.

Namilog ang aking mata na tinignan siya. He looked at me na parang ano na naman ang nakita mo look?

Napangiti ako ng nakakaloko at napa cross arm. Confident na ako sa sagot ko.

“Cesar... He is the real prince of light.” He chuckled dahilan para mapairap ako.

“Wrong. He's not.”

Twist Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon