“Tiernan, please!” Nagpuppy eyes ako.
“No, alam mo naman na delikado lumabas.” Niyakap ko ang braso niya dahilan para mapahinto siya.
“Sige na! May fireworks kasi!”
“Hindi ka naman mahilig sa fireworks.” Natigilan ako sa sinabi niya. Pinanliitan niya ako ng mata at binigyan ko lang siya ng peke na ngiti. “May pinaplano ka no?”
“Huh? Ako? Wala no!”
Wala naman kasi akong balak pag aksayahin ka ng oras. Iyung lalaki kasi, inutusan ba naman akong igala ka sa labas. Hindi ko alam kung anong binabalak niya pero hindi ito connect sa mission ko!
Gosh! Mga boys nga naman—charot. Kung pwede lang sumuko—susuko na talaga ako.
Birthday kasi niya ngayon. Hahay, matanda na talaga ang kuya Tiernan ko pero 'yong mukha niya, mas bata pa sa akin, unfair! Napapout nalang ako sa naisip. Kulang 'ata ako sa skincare. Napailing nalang ako sa naisip ko. Mas lalong sasakit ang ulo ko eh. Pero medyo naawa ako slight—hindi niya kasi matandaan kung kailan ang birthday niya. Sa sobrang busy ba naman pero may time pa rin siya sa akin na dapat inubos niya ang oras niya kay Maren.
The plot change when I came into this world and I hope hindi lahat nagbago. Baka mapahamak pa ako nito?
“May gusto lang akong bilhin. Sige na please!” Nakita kong napabuntong hininga ito dahilan para palihim akong napangiti.
“Okay fine pero saglit lang tayo do'n.” Napatango ako at napatingin sa cellphone ko.
“Sabi ko na nga ba eh! Mahal mo ako!” Namilog ang kanyang mata dahil sa sinabi ko and I just gave a him a playful smile.
Alam ko naman na kapatid na ang turing mo sa akin. Chill lang! Ako lang 'to!
•••
It's already 8:30 ng makarating kami dito sa plaza. Malapit na ang christmas kaya marami na ang nagbebenta dito. Ayaw ko man mag stay dito ng matagal but I need to. Napatingin ako kay Tiernan na halatang nagmamasid sa paligid.
Hinawakan ko ang kamay niya dahilan para maagaw ko ang atensyon niya.
“Wag ka masyadong mag isip ng kung ano-ano. Just try to relax, okay.” I smiled at him at napabuntong hininga nalang siya.
Hinila ko siya alam kong nagulat siya but I don't have a choice. We play a game, watch the fireworks at nag wish sa lantern. Sumakay din kami sa mga rides at isa lang ang masasabi ko naenjoy namin 'to.
Ang saya kaya.
“Tiernan, gusto ko sundin mo lahat ng gusto ko.” Napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. “Gagawin mo ba lahat ng gusto ko?”
“Ano—”
“Sagutin mo muna tanong ko.” Dahan-dahan itong napatango kaya palihim akong napangiti. Tinuro ko ang malaking puno na may christmas lights. “Kita mo ang puno na 'yon. I need you to go there at hintayin ako.”
“What?! Alam mo bang delikado—”
“Shh! Amo mo ako! Susundin mo pa rin ako!” Napabuntong hininga siya.
“Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sa'yo, Verity.” I smiled at him at napatango.
“Pangako ko sa'yo na walang mangyayari sa akin.”
Nagdadalawang isip pa siyang iwan ako pero iniwan talaga niya ako. Hindi naman masakit, sino ba naman ako?—charot. Naglakad na ako pero ramdam kong may nakasunod sa akin. Kapag ako napahamak dahil sa utos ng lalaking 'yon. Mumultuhin ko talaga siya hanggang sa mamatay siya.
Wait? Mamamatay ba 'yon? Napailing nalang ako sa naisip ko at tumitingin sa paligid.
“Ano bang magandang regalo?”
“Why don't you give him a bracelet?” Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Nasa tabi ko lang siya at isa lang ang masasabi ko.
Tangina! Ang gwapo! He's totally my type! Black hair and violet eyes parang wala siyang dugo dahil sa sobrang puti ng balat niya. Mapayat siya at matangkad.
He gave me a warm smile. Hindi ako makagalaw my ghad!
“Sa boyfriend mo ba 'to ibibigay?” he asked.
Bigla akong nabalik sa realidad at napatingin sa bracelet na tinuro niya. Maganda naman 'yong bracelet.
“Kuya, magkano 'to?” I asked.
“50 pesos lang po, ma'am.” Napatango ako at inabot sa kanya ang bayad.
I really hate giving gifts. Feeling ko kasi ang panget ng gift na binigay ko at baka hindi nila magustuhan.
“No.” Napatingin ako sa kanyang mata. “Kaibigan ko lang.”
Napatango siya na parang hindi siya makapaniwala.
“Sigurado ka bang kaibigan lang talaga?” Napakunot ang noo ko.
“Oo.” Napatawa ako dahil sa naiisip niya.
Tiernan only look at me as his sister and same as me. Parang kapatid ko na si Tiernan. At isa pa, alam ko naman na gusto niya si Maren, hindi niya lang sinasabi.
“Why are you wearing a mask?” Napahinto ako sa sinabi niya.
Hindi ko namalayan na naglakad na pala ako at nakasunod lang siya sa akin.
“Because... I have to.”
“May tinatago ka ba? Napapangetan ka ba sa sarili mo?” Oh no, honey! Baka kapag nakita mo mukha ko ma fall ka pa?
“It just... Sinumpa ako.” Napakunot ang noo niya.
“Sinumpa?”
Napunta ako sa lugar na dapat hindi ako napunta! Iyan ang sumpa ko! Hindi dapat ako nandito pero hindi ko alam kung bakit ako nandito. I almost change the plot! Geez!
“Yes, kapag tinanggal ko ang mask ko mapapahamak ako. By the way I'm Violet Abellana.”
“Abellana? Ikaw ba 'yong kapatid ni Amaris Abellana?” Nagtaka akong napalingon sa mata niya.
“Kilala mo ang ate ko?”
“Of course, everyone knows your older sister,” natatawa niyang sabi.
Napatango ako. Hindi naman ako magtataka. She was destined to be the competition of Idan's wife. Pero hindi pa rin siya nananalo, useless pa rin.
I heavily sighed.
“Or baka takot lang sila na ikaw ang piliin—”
“Oh please, I would literally kill myself kaysa mapakasal sa lalaking 'yon.” Napahinto ako ng napagtanto ko ang sinabi ko. Yumuko nalang ako and I heard him chuckled.
“That's weird? Ngayon lang ako nakakita ng babaeng hindi nahuhumaling kay Prince Idan.”
Of course! Sinulat ito ng ate ko eh at isa pa! Hindi naman kasi ako galing dito. I am not supposed to be here in the first place!
Napahilot nalang ako sa sintido ko.
“Really.”
BINABASA MO ANG
Twist Of Fate
Romance(Completed) Verity Diaz ay isang babaeng makasarili. Hindi niya masyadong naintindihan kung ano nga ba talaga ang pag ibig. She hated her sister dahil mas pinili pa ng kapatid niya ang boyfriend niya kaysa kay Verity. Hanggang sa naaksidente siya...