I need to move faster. Hindi na ako mag aaksaya ng oras pa kahit anong gawin ko hindi niya sinasabi sa akin ang totoo. Bumuntong hininga ako at pilit binubuksan ang pinto kung saan nakakulong si Lucien.
“Hindi ko alam na papahirapan pala ako nito,” mahina kong sabi sa sarili ko.
Akala ko kasi madali lang mission ko dati, marami pa pala akong hindi alam. Nang mabukas na ang pinto ay napangiti ako. Tagumpay! Mabuti nalang talaga at may wifi dito nakapanuod pa ako ng tutorial sa youtube.
Napahinto ako ng makita si Lucien na walang malay at nakatali pa rin ang katawan niya habang naliligo sa sariling dugo. Agad ako lumapit sa kanya at hindi man lang siya gumalaw dahilan para mas lalo akong makaramdam ng kaba. Mahina kong sinampal ang mukha niya para gisingin siya pero hindi man lang niya maimulat ang kanyang mata.
“Lucien... A-anong ginawa sa'yo ng kapatid mo?” alala kong tanong.
Ngunit hindi ito sumagot. Napakagat nalang ako ng labi. Naalala kong may sinabi siya dati pero hindi niya tinuloy dahil pinigilan siya ni Idan. Bakit ba ganun nalang si Idan makaasta? Ano bang hindi niya gustong malaman ko?
“I need you to get out of here.”
Pilit kong tinatanggal ang tali ngunit ang higpit ng pagkakatali sa kanya. Halos maubusan na ako ng lakas.
“Gosh! Paano ba 'to?!” Kinuha ko ang bag ko at hinanap ang kutsilyo ng makita ko na ay agad ko pinutol ang tali niya at hinila siya.
Ang bigat niya pero laban lang.
Hanggang sa makarating na kami sa basement ay kinuha ko ang bandage at tinakpan ito sa sugat na natamo niya. He's still breathing. Mabuti naman. Hindi ko inaakalang mabubuhay pa siya sa natamo niyang sugat.
Hindi kami dapat manatili dito siguradong mahahanap kami ni Idan.
“Lucien.”
Kinuha ko ang sanina at kahit pinapawisan na ako at nanginginig na ang kamay ko dahil sa dugo ay siniwalang bahala ko lang 'to.
Kailangan ko siyang mailigtas. Siya lang siguro ang paraan para makauwi ako sa amin.
Sinuot sa kanya ang t-shirt na kinuha ko sa kabinet ni Idan. Alam kong hindi niya magugustuhan pero no choice siya.
•••
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nagulat nalang ako ng nakaupo na siya sa harap ko at seryosong nakatingin sa akin.
“Lucien! Are you okay?! May masakit ba sa'yo?!” Tinignan ko ang mga pasa na natamo niya pero hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya sa mukha ko.
“What are you doing here? Bakit ka pa nandito?” walang emosyon na tanong niya sa akin. Hindi niya sinagot ang tanong ko, sa halip ay tinanong niya pa ang tungkol sa akin.
“That doesn't matter,” seryoso kong sabi.
“It does matter to me, Verity.” Gosh! Hindi naman ako mamamatay dito eh! Ikaw ang mamamatay dahil sa pinaggagawa mo.
“Look! Lucien! If you want me to be save you need to tell me ang nalalaman mo tungkol dito!” Hinawakan ko ang braso niya at alam kong naintindihan niya ang gusto kong sabihin. “I want you to tell me a secret that you should never tell.” Hindi ito nagsalita dahilan para mapakunot ang noo ko. Tinaasan ko siya ng isang kilay dahil sa inasta niya. “Bakit ka nagdadalawang isip? Don't tell me ayaw mong malaman ko ang sekreto na tinatago niyo?”
Umiwas ito ng tingin dahilan para mapakuyom ko ang kamao ko.
“Hindi mo talaga ako mahal.” Nawawalan na ako ng pag asa.
Muntik ng maniwala si Idan sa akin pero hindi niya pa rin sinasabi sa akin kung ano talaga siya. Tumayo ako at walang emosyon lang siyang pinagmasdan. Hindi siya makatingin sa akin.
He is guilty.
“You know that's not true!” Hinila niya ako at niyakap dahilan ng ikagulat ko. I can feel his warm body touch mine. “Kahit kailan hindi ka nawala sa isip ko, Verity. I'm so fucking inlove with you! I wish you know that!”
“In order for me to survive, kailangan kong makaalis sa lugar na 'to,” cold kong saad. “You need to let me go.”
Umiling ito at kumalas na sa pagkakayakap. Ganoon pa din ang ekspresyon ko, hindi ko magawang maawa or ngumiti para lang pagaanin ang loob niya. I need to get out of here or else... Mamamatay ang katawan ko sa mundo na 'yon.
“No! Hindi ko kayang mawala ka! Don't leave me!” Ah kaya pala. Dahil takot siyang mawala ako.
Palihim akong napangiti ng nakakaloko. I'm sorry if I have to do this pero kailangan ko itong gawin para makatakas na ako.
Hinawakan ko ang pisnge niya dahilan para huminto siya.
“Pwede kang sumama sa akin if you want?” Natigilan siya sa sinabi ko. “Sa mundo na walang taong gugulo sa buhay natin.”
Uto-uto ka talaga kahit kailan, Lucien. Napangiti ito pero napakunot ang noo ko ng bigla nalang itong tumawa at mapaglarong pinagmasdan ako.
“Do you really think na maniniwala ako sa'yo, Verity?”
“What?”
Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang baywang ko dahilan para mapatigil ako. Ibang Lucien ang nakilala ko ngayon.
“Nagseselos na tuloy ako. Kilala mo si Idan pero hindi mo ako masyadong kilala?” Sumeryoso ang kanyang titig sa akin rason para mapalunok ako ng laway. “That really hurts my feelings, Verity.”
“Bitawan mo ako.” Ngunit hindi niya pa rin ako binibitawan dahilan para makaramdam ako ng inis. “I said bitawan mo ako!”
“Hindi iyan mangyayari.” Mas lalo niyang nilapit ang mukha niya sa akin. “Kahit pa mamatay ako, hinding-hindi pa rin kita bibitawan.”
Agad ko siya tinulak dahilan para mapahiga siya sa sahig. Alam kong nasaktan siya pero wala na akong pake. Kahit siya wala din siyang silbi. Hindi ko na dapat siya niligtas in the first place?!
Napabuntong hininga ako at napamewang. Hindi alam ang gagawin.
“And kahit pa ipilit mo ako o anong gawin mo! Hinding-hindi mo ako mapapa sa'yo, Lucien! I will hate you until my last breath!” inis kong sigaw sa kanya.
Aalis na sana ako pero nagulat ako ng hinila niya ako at sa isang iglap nakahiga na ako sa sahig habang siya ay nakapatong sa akin. Nilapit niya ang mukha niya sa akin habang hindi pa rin nawawala ang nakakaloko niyang ngiti.
“Hindi mo alam ang kaya kong gawin, Verity.”
BINABASA MO ANG
Twist Of Fate
Romance(Completed) Verity Diaz ay isang babaeng makasarili. Hindi niya masyadong naintindihan kung ano nga ba talaga ang pag ibig. She hated her sister dahil mas pinili pa ng kapatid niya ang boyfriend niya kaysa kay Verity. Hanggang sa naaksidente siya...