Agad ko siya hinila at inis na nakatingin sa kanya. Parang wala lang itong pakealam sa akin, hindi man lang natakot. Of course! Hindi talaga siya matatakot sa akin, sa ganda kong 'to?
“Seryoso?! I'm sure na tama 'yong sinabi ko!” Kapag nalaman ko talagang binibiro lang ako ng lalaking 'to. Papatayin ko talaga 'to!
“He's telling the truth. I'm not the prince.” Binitawan ko na ang lalaking 'to at napatingin sa kanya.
He smirked nang magtagpo ang mata naming dalawa. Lumapit si Cesar sa kanya at inakbayan siya. Tinaasan ko sila ng isang kilay.
“Magkakilala kayo?”
“Of course,” nakangiting ani niya.
“Niloloko niyo lang talaga ako.”
“Wala kaming balak na lokohin ka, Verity. I'm his brother.” Mas lalo itong napangiti nang makita ang ekspresyon sa aking mukha.
Hindi ko inaasahan 'to.
“Hindi mo kailangan sabihin sa kanya 'yan.” Sinapak niya si Cesar dahilan para mapatawa ito.
“Hindi ko alam na may kapatid ka pala.” Bumuntong hininga ako at nilapit sa kanya ang litrato. “Then why is it kamukha mo ang lalaki na 'to.”
“Maybe it was just a coincidence.” Pinanliitan ko siya ng mata dahilan para tumawa siya.
Hindi talaga nakakatuwa. Halos mabaliw na ako dito. Kunti nalang talaga at masisiraan na ako ng bait.
“Chill, Verity.” Hinawakan ng lalaki ang balikat ko pero masama pa rin ang tingin ko sa kanila. They know the truth pero hindi nila sinasabi sa'kin. “Hindi ka pa pwede mabaliw. Hahayaan mo lang ba umiyak 'yong ate mo sa hospital?”
“Wag mo basahin ang isip ko.” Napapikit nalang ako para pigilan ang inis na nararamdaman ko. “So why do you look like the real prince of light?”
“Because we're not human, Verity. Wala kaming hitsura. We choose who we want. Kaya namin mag iba ng anyo kung gustuhin namin.” Unbelievable?!
“Weee?” Napailing nalang ako. Nadi-distract na naman ako. This is not important! Ang importante ay makauwi na ako sa totoong mundo ko. “Buhay pa ba ang totoong prinsepe?”
Ewan ko ba pero bigla kong nakita ang nakakalokong ngiti ng lalaking ito or sadyang imagination ko lang talaga.
“You have met him before, Verity.”
“Hindi lang namin alam kung buhay pa ba siya ngayon.”
Napahilot nalang ako sa sintido ko. Bakit kasi mabilis ako makalimot?!
“So you want me to find the prince in order for me to give you the answer?” paninigurado ko.
Napatango silang dalawa dahilan para mapabuntong hininga ako.
“Verity! Where are you?! Stop hiding!” Napalingon ako sa lalaking tumawag sa pangalan ko.
'be careful.'
Iyan lang ang huli kong narinig bago sila nawala sa paningin ko. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at agad pumasok sa kabinet. Binuksan niya ang pinto dahilan para takpan ko ang bibig ko.
“Verity.” Hawak niya ang kutsilyo habang nilibot ang paningin sa paligid.
I hope he wont find me.
“I thought you love me! How dare you play with my feelings?!” Naramdaman ko ang galit niya. Tumawa ito na para bang nasisiraan na siya ng bait. “Magpakita ka!”
Hindi lang ako gumalaw at pinagmasdan lang siya sa butas. Walang emosyon ang kanyang mata. Walang pagdududa, nasisiraan na nang bait si Idan.
Hindi na siya nagsalita pa at umalis nalang. Bumuga ako ng hangin para pakalmahin ang sarili ko. I'm sure he will kill me kapag nakita niya ako. I need to get out of here.
Binuksan ko na ang pinto at agad na lumabas nagulat nalang ako ng hinawakan niya ang braso ko. Shit! May dugo pa 'yong kamay niya. He smiled playfully.
“Found you.”
Shit! Paano niya nalaman nagtatago ako dito?! Manghuhula ba siya?! Napailing nalang ako.
“This time! I will not let my guard down!” Hinila niya ako papalapit sa kanya dahilan ng ikagulat ko. Ang sakit niyang makahawak sa braso ko, halatang gigil na gigil ito sa akin. Para siyang baliw. Wala na talagang chance si Idan. Tuluyan na nga siyang naging baliw. “I will not fall for your lies again!”
“Idan! Ouch! Nasasaktan ako! Ano ba?!” Pero mukhang wala siyang narinig.
Mabilis ang kanyang paglakad habang hilang-hila ang braso ko.
•••
Agad ako napaupo sa malaking birdcage. Narinig ko ang kanyang pag lock ng pinto at agad ako lumapit sa kanya.
“You can't do this to me?!” Pilit kong binubuksan ang pinto pero ayaw talaga.
Umupo siya sa upuan na kaharap ng birdcage kung saan ako nakaupo. He heavily sighed at sumeryoso ang tingin sa akin dahilan para mas lalo akong kabahan.
“I will kill you.” Halos hindi ako makagalaw dahil sa sinabi niya. “Kapag tumakas ka pa ulit.”
Hindi na ako nagsalita pa at umupo nalang sa sahig. It's useless. Walang makakatulong sa akin kahit pa tumakas ako. Hinding-hindi ko pa rin mahahanap ng ganun kadali ang totoong prinsepe.
“Have you given up?” he asked.
“Not really,” seryoso kong sagot.
“You're wasting your time, Verity.” Tumayo ito at lumapit sa birdcage. Umatras ako kunti. “Hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo? I really love you—”
“Ganyan din sinabi mo kay Maren,” cold kong sabi. “Naranasan na niya 'to! You locked her in this birdcage too! Torture her so that she can't escape!”
“Matalino ka talaga, Verity. I wonder kung ano na naman ang binabalak mo para tumakas.” Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin at tinawanan niya lang ako.
Idan! You crazy psychopath! Kaya ayaw na ayaw ko maging female lead eh!
“At isa pa, sinabi mo din kay Maren na mahal mo siya after that naniwala si Maren.” Napakuyom ako ng kamao. Kung naniwala ako at minahal ko si Idan. I'm sure, magiging kagaya ang kapalaran ko kay Maren. “At kapag naniwala ako sa'yo. I'm sure, kawawa ako.”
“But I truly love you—”
“Hindi ako naniniwala sa'yo! You're a monster!”
“Fine! I am a monster!” Nagulat ako ng hinawakan niya ang pisnge ko dahilan para mas lalo akong napaatras para hindi niya ako maabutan. Tumawa ito. “But I only want what's the best for you, my princess.”
“I am not your princess and I will never be your princess!”
BINABASA MO ANG
Twist Of Fate
Romance(Completed) Verity Diaz ay isang babaeng makasarili. Hindi niya masyadong naintindihan kung ano nga ba talaga ang pag ibig. She hated her sister dahil mas pinili pa ng kapatid niya ang boyfriend niya kaysa kay Verity. Hanggang sa naaksidente siya...