“Wow! Wala kang balak tulungan ako?!” Grabe din 'tong lalaki na 'to! Walang puso!
“Problema mo na 'yan, hindi ko 'yan problema.” Hindi pa ako nakapagsalita ay umalis na siya.
Aba't loko talaga ang lalaking 'yon, “Ang sama mo!”
•••
“Kailangan mo na talagang pumasok ng school, Verity. Madami ka ng absent,” alalang sabi ni Amaris sa akin.
“Pwede ba hindi nalang ako pumasok sa school?” Napa cross arm ako. “Hindi naman ako galing dito at isa pa alam ko na lahat ang lesson ng school niyo.”
“You need to para hindi magduda sila sa'yo.” Well, it's too late for that alam na ni Idan.
Pero hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Amaris kasi baka ma heart attack siya, ako pa ang magiging cause of death niya.
“Opo.” Napatingin ako kay Tiernan na ngayon ay alalang nakatingin sa akin.
Niyakap ko ang braso niya dahilan para mamula ang kanyang pisnge. Napailing nalang si Amaris at nag walk out.
“Hindi ka ba pwedeng sumabay sa akin pumasok ng school?” Narinig kong napabuntong hininga ito.
“Gagawa ako ng paraan para makasama at maprotektahan kita, Verity. Maghintay ka lang.” Napatango nalang ako.
“Sana naging kuya nalang kita. The best ka kasi,” pout kong sabi.
“Kuya?” Napatango ako.
“Alam mo kasi pangarap ko na talaga na magkaroon ng kuya pero ate 'yong binigay sa akin. Don't get me wrong! Mahal ko 'yong ate ko.” Kumalas ako sa pagkakayakap. “Pero I wonder kung anong feeling na may kuya ka?”
Napangiti ito sa sinabi ko, “I can be your kuya sa ngayon.”
Kunot noo ko naman siyang tinignan. Anong ibig sabihin ng sa ngayon? Hindi ko nalang siya pinansin at bumaling nalang ang tingin ko sa lalaking nakatingin sa akin sa labas.
“He's here again. Hindi talaga ako tinatantanan ng lalaking 'yan,” irita kong sabi.
“Do you want me to kill him?” Namilog ang aking mata dahil sa sinabi ni Tiernan.
“Alam mo namang bawal 'yan. Mapapahamak ka lang.” Napailing nalang ako.
“Kailangan ko siyang puntahan. Kalokang 'to! Sino ba kasi naglagay ng rule na bawal balewalain ang prinsepe?!” Inis akong bumaba ng mala palasyo naming bahay at humarap sa kanya.
“What are you doing here?”
“Ganyan agad ang bungad mo sa akin? I miss you.” Yayakapin niya na sana ako pero agad humarang si Tiernan.
He looked at Lucien coldly at ganun na rin si Lucien. Anong nangyayari sa dalawa? Bakit parang nasa maling sitwasyon ako?
“Hindi ba tinuruan ang mga knight niyo ng magandang asal?” taas kilay na tanong ni Lucien.
Hinawakan ko ang wrist ni Tiernan at napatingin si Lucien sa kamay naming dalawa. Why is he acting like this?
“Tiernan, kung gusto mo hindi mapahamak ang buhay mo, control your emotion,” seryoso kong saad sa kanya.
Napabuntong hininga si Tiernan at umatras siya. Nagbow ako ng kunti upang magbigay galang sa prinsepe.
“Pasensya na sa inasal ng knight ko, prinsepe Lucien.” Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin, which makes me feel uncomfortable.
“Bakit hindi ka na bumibisita sa palasyo namin?” he asked.
I heavily sighed, “I'm quite busy your highness-”
“Oh you're here!” Napatakip ng bibig si Amaris ng makita si Lucien. Nagbigay galang naman si Amaris. “Bakit hindi ka tumuloy sa palasyo namin, mahal na prinsepe?”
“Maraming salamat, princess Amaris.” Mapaglaro na napatingin sa akin si Lucien dahilan para mapairap ako. “Tunay ngang mabait ka na prinsepe-hindi gaya ng iba diyan.”
•••
“Umalis ka na,” cold kong sabi sa kanya.
“Bakit naman? Kakarating ko lang dito?” natatawa niyang sabi.
“I said! Umalis ka na! 4 hours ka na dito! Ano bang kailangan mo?!” Sumimsim siya ng kape bago ako hinarap.
“It's rude to say that to your future husband.” I rolled my eyes. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
“Seriously, Lucien?! Naniniwala ka ba do'n?! As I said! I am not supposed to be here?! You know what, kahit pa mag explain ako hindi mo naman ako pakikinggan!” inis kong sabi.
“You're the only who cannot accept your destiny. You're supposed to be here. Ikaw ang blessing na binigay sa akin ni bathala. You're mine. Nakatadhana kang maging akin, Verity.” Hindi ako makagalaw ng lumapit siya sa akin.
Bumaba ang kanyang tingin at huminto sa aking labi. Para itong nababaliw na pinagmamasdan ako.
“You don't understand! Ako lang ang nakakaalam sa totoong nangyayari, Lucien! So if I were you-”
“Wag mong ubusin ang pasensya ko, Verity.” Tumayo ito at napalunok ako ng laway. Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot. “Kung ayaw mong maging kagaya ng ibon ni Idan.”
Huh? Wala namang ibon si Idan... Natigilan ako ng marealize ko kung ano ang ibig niya sabihin.
Ibon? Si Maren?
“Wag mong sabihin ikukulong mo ako?” Hindi lang ito nagsalita at hinawakan ang kamay ko.
“Igala mo naman ako sa palasyo mo, Verity. Gusto ko makita ang mga lugar na napuntahan mo na.”
Napatingin ako kay Amaris sa itaas na ngayon ay nakangiti ng nakatingin sa amin. Halatang gusto niya si Lucien para sa akin. Sus! Amaris! Kung alam mo lang kung ano ang ugali nitong si Lucien sigurado akong hindi mo na magugustuhan pang makita siya ulit!
Ngumiti ako ng peke at alam niya 'yon. Hindi naman siya bobo para hindi niya mahalata na hindi ko siya gusto.
“Sige po, kamahalan!” Umuna na akong naglakad at naramdaman kong nakasunod ito sa akin.
I also heard him chuckled dahilan para mapairap ako. Iiwan talaga kita kapag mabagal kang maglakad.
Nang makalabas na siya sa palasyo ay agad ako bumuga ng hangin. Mabuti naman at lumabas na ang asungot na 'to. Akala niya ba hindi ko napapansin na gusto niya akong halikan.
“Hanggang sa muli nating pagkikita kamahalan,” mahinahon kong sabi.
“Hanggang sa muli.” Lumuhod ito at kinuha ang kamay ko dahilan para mapataas ang kilay ko.
Nagulat na lamang ako ng hinalikan niya ito at malanding nakatingin sa akin. Agad ako umatras dahilan para mapatawa siya. Tumayo na siya at sinenyasan niya akong aalis na siya.
Napatango nalang ako kahit hindi ako komportable bago tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Hinawakan ko ang dibdib ko at bumuntong hininga. Pagtalikod ko, nagulat ako ng makita ang lalaking kanina pa nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Twist Of Fate
عاطفية(Completed) Verity Diaz ay isang babaeng makasarili. Hindi niya masyadong naintindihan kung ano nga ba talaga ang pag ibig. She hated her sister dahil mas pinili pa ng kapatid niya ang boyfriend niya kaysa kay Verity. Hanggang sa naaksidente siya...