Kahit hindi ko nakikita ang sa labas, alam kong gabi na. Pilit kong binubuksan ang pinto pero wala sa akin ang susi. Minsan talaga mapapaisip nalang ako na walang kwenta ang knight ni Amaris.
They let their emotion to control them. I heavily sighed.
“Idan! Pakawalan mo ako dito!” inis kong sigaw.
Ngunit parang hindi ako naririnig. Walang tao dito at super dilim pa. Para akong nakakulong dahil may ginawa akong kasalanan.
“Mygosh! Help! Cesar! Hoy lalaki! Tulong!” sigaw ko.
Ngunit hindi sila nagpakita. Saan ako kukuha ng tulong dito? Napakagat nalang ako ng labi. I can't believe this is happening to me!
Sana panaginip nalang ito.
Bumukas ang pinto dahilan para agad ako napatayo. Mas lalong napasimangot ang mukha ko ng makita ang pagmumukha niya.
“Wag ka naman masyadong pahalata na hindi ka nasasayahan makita ako.” Hindi lang ako nagsalita.
Nilagay niya sa loob ang pagkain pero tinignan ko lang ito at hindi ginalaw.
“Do you not like the food that I made for you?” he innocently asked. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Nagugutom na ako pero mas pipiliin ko pang mamatay sa gutom kaysa kainin ang mga pagkain na nilagay niya. He unlocked the door dahilan para magulat ako. “I work hard just to make this food para magustuhan mo.”
I rolled my eyes, “Busog ako. Kainin mo nalang 'yan. Alam kong wala ka pang kain.”
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Kinareer niya talaga ang pagiging baliw sa'kin. Bahala na siya sa buhay niya, malaki na siya.
“How did you know?” namamangha niyang tanong.
“Manghuhula ako.” Magsasalita na sana siya pero agad ko siya inunahan. “Hindi ko nakita ang future ko sa'yo. You will kill me in your own hands.”
Natigilan ito pero mga ilang segundo pa ay ngumiti ito. Hinaplos niya ang pisnge ko dahilan para mangunot ang noo ko.
“You can change your destiny. Mahalin mo lang ako at mabubuhay ka.” Napairap ako.
Mamamatay pa rin ako sa kamay mo kahit pa mahalin kita. Hindi magbabago ang kapalaran ko as long as I choose to stay in this f*cking world.
“No thanks.” Nawala ang ngiti sa kanyang labi.
“Then, don't blame me if one day I will lose my mind again, if I saw you trying to escape.” Kinuha niya ang pagkain at binigyan ako ng matamis na ngiti. Kinuha niya ang kutsara at susubuan na sana ako pero umiwas ako. “Kung hindi ka kakain, ikaw ang kakainin ko.”
Namilog ang aking mata dahil sa sinabi niya. Kaya agad ko kinain ang mga pagkain sinusubo niya sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin habang nasasayahan naman siya sa inasta ko. Makakatakas din ako dito lagot ka talaga sa'kin.
“You really don't like me,” natatawa niyang sabi.
“Sa tingin mo nagbibiro ako?” mataray kong tanong.
Tumawa lang siya at kinuha ang plato na wala ng pagkain. Tumayo na siya at tumalikod sa akin. Aalis na sana siya pero agad ako nagsalita.
“Hindi ka ba nalulungkot?!”
“Sad about what?” he asked pero hindi pa rin siya nakatingin sa'kin.
“Ikaw nalang mag isa dito. You already know na mahal ka ng mga tak dito. They treated you as their real son,” malungkot kong saad sa kanya.
“No.” Lumingon siya sa'kin. Walang emosyon ang kanyang mukha. “They only like what they see.” Hinawakan niya ang panga ko at mas lalong pinalapit sa kanya. “They don't like the real me.”
Hindi na ako nagsalita pa. He smirked at umalis na siya. Narinig ko ang pag lock ng pinto dahilan para mapairap ako. Umiling na lamang ako. At niyakap ang sariling tuhod ko.
Here I am again. In the dark. I heavily sighed.
•••
“Walang-wala ka talaga kung wala ako.” Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at namilog ang aking mata ng makita si Ace sa harapan ko. Magsasalita na sana ako pero agad niya ako inunahan. “Do you want to stay in here or come with me?”
Dahan-dahan akong napatingin sa white long sleeve niya na may dugo. Napatakip ako ng bibig ng marealize na may hawak siya na kutsilyo. Inosente siyang napatingin sa kutsilyo niya bago bumaling ulit ang tingin sa akin.
“Is there something wrong, ate?” Ngumiti siya at pinapakita ang cute side niya. Natigilan ako ng nilapit niya ang kutsilyo na may dugo sa aking leeg habang nakangiti ng nakakaloko. “Did I scare you?”
Buong tapang akong tinignan ang kanyang mata na puno ng kasiyahan at nanabik na makita ako.
“S-sino na naman pinatay mo, Ace?” Hindi ko pinahalata sa aking boses na kinabahan ako. Kasi alam ko the more na nakikita niyang natatakot ako, the more na mas lalo siyang nasasayahan.
“Hulaan mo,” natatawa niyang sabi. Umiwas ako ng tingin pero bumalik agad ang tingin ko sa kanya ng nilahad niya ang kamay niya. “What? Do you want to stay in the dark? Or do you want me to be your light?”
A light?! Nagbibiro ba siya?! Pareho lang sila pero mas worst si Idan. Napatampal nalang ako ng noo. Kahit hindi ko gustong sumama, no choice ako. Hindi ako pwedeng mag stay sa dilim forever—baka masanay mata ko, geez!
Kinuha ko ang kamay niya dahilan para mapangiti siya at tinulungan niya akong makatayo. Habang 'yong isa niyang kamay ay nakahawak sa kutsilyo na may dugo, iyong isa naman ay nakahawak sa kamay ko. Wala siyang balak na bitawan ako at hindi ko nakita si Idan. Pinatay ba ng bata na ito si Idan?
“Kung ako sa'yo tigilan mo na ang pag iisip.” Lumingon siya sa'kin at binigyan ako ng matamis na ngiti. Mas lalo kong naramdaman na humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. “Ayaw ko lang sumakit ang ulo mo, ate. You know how much I love you.”
May sakit itong bata na 'to, how come ang lakas na niya ngayon?
“Kailan ka pa nag alala sa akin?” walang gana kong tanong.
Lumingon na siya sa harap niya habang hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Feeling ko talaga may tinatago sa akin ang bata na 'to.
“Since the day that I met you. Hindi ka na mawala sa isip ko.”
BINABASA MO ANG
Twist Of Fate
Romance(Completed) Verity Diaz ay isang babaeng makasarili. Hindi niya masyadong naintindihan kung ano nga ba talaga ang pag ibig. She hated her sister dahil mas pinili pa ng kapatid niya ang boyfriend niya kaysa kay Verity. Hanggang sa naaksidente siya...