Chapter 25

573 26 0
                                    

“Don't you dare touch me!” Agad ko sinapak ang kamay niya dahilan para mas lalo siyang mapangiti. “Anong nakakatawa?!”

“Bakit pilit mong lumalayo sa akin, Verity?” Natigilan ako sa sinabi niya.

“What?”

“Stop pretending you're Amaris sister. Kilala ko si Amaris. She is the only child of Abellana family.” Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. “Bakit ka ba tumatakas? Bakit hindi mo tanggapin ang kapalaran mo, Verity?”

“What are you talking about? Nababaliw ka na ba?!” Napaatras na ako.

Kailan pa? Kailan niya pa alam ang pangalan ko? Napakagat ako ng labi. Gusto ko nalang tumakbo.

“Ano? Tatakas ka na naman ulit? Are you going to leave me here?”

“You're nothing to me! Idan! At kahit pa makipaglaban ako kay Maren! You're destined to marry Maren! Hinding-hindi magbabago ang nakatadhana sainyo! You don't know anything! I am not supposed to be here!” Nandito lang ako dahil naaksidente ako!

Kung hindi lang ako patanga-tanga sa totoong mundo ko. Hindi ako paglalaruan ng lalaking 'yon.

“But you're here. Nakatadhana pa rin sa'yo na nandito ka. You have a mission.” I stop when I heard what he said. “And that is to marry me.”

“Mas mabuti pang mamatay ako kaysa sa mapakasal sa isang katulad mo.” Gosh! Bakit ba kung makapagsalita sila parang pagmamay ari nila ako?! I don't want to marry them! Kahit pa gwapo sila!

Si Cesar nalang-payag pa ako, char!

“Mas gusto mo ba 'yong kapatid ko kaysa sa akin?”

“What about Maren? Hindi mo ba naisip ang nararamdaman niya sa'yo?! She loves you so much, Idan!” inis kong sabi sa kanya.

Biglang nagbago ang reaksyon niya na para bang nabobored ito. Naiinis na talaga ako sa lalaking 'to. Hindi man lang siya naaawa sa babaeng nagkagusto sa kanya.

“Ah Maren.” Nilagay niya ang kamay niya sa bulsa at sumandal sa lamesa. “What about her?”

“Wala lang ba siya sa'yo?” Pilit kong hindi madala sa emosyon ko. But feeling ko hindi ko makakaya kapag naabutan ng ilang minuto. “How heartless of you-”

“Same to you, miss Verity.” He calls my real name again. “Hindi mo man lang inisip ang nararamdaman ng kapatid ko sa'yo.”

“What?”

“I know, aware ka sa nararamdaman ng kapatid ko. And you still choose to ignore it. Hindi lang siya ang nasasaktan.” Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at hinawakan ang panga ko. “Ako din.”

“Pardon?”

“I love you, Verity. You caught my attention and now you have to take responsibility for what you did.” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Hindi 'yan ang pinunta ko dito, Idan. Alam mo 'yan.” Hindi nagbago ang ekspresyon niya. Nakatitig pa din ito sa akin na para bang hindi nakikinig sa sinasabi ko at naka focus lang sa mukha ko. Nagulat ako ng tinanggal niya ang mask ko. “What are you doing?! Give it back!”

Kukunin ko na sana ang mask pero tinaas niya lang ang kamay niya dahilan para mas lalo akong mainis. Napatawa ito ng kunti dahilan para mamula na ako sa galit.

Is he making fun of me?!

“Why are you hiding your face? Hindi ka ba natutuwa sa taglay mong ganda?” he asked.

“Ako? Hindi matutuwa? Nagpapasalamat nga ako na hindi ko pinossesed ang katawan ni Amaris. Because I prefer my body than someone else.” Proud ako sa sarili ko at mahal ko ang sarili ko. Napahinto ako ng he looked at me up and down. “Manyak ka talaga.”

“I know you know me, Verity. Ikaw lang 'yong taong alam kung ano ako. That's why, you're trying to avoid me.” Imbes mainis siya mas lalong natuwa pa siya kasi alam niyang alam ko na halimaw siya.

“Nagkakamali ka. I don't really know you, Idan. Ikaw lang ang nakakakilala sa sarili mo.” He smiled playfully.

“Please Verity, stay with me. Hindi ko kayang mawala ka sa tabi ko.” Liar! Kahit nakangiti ito alam kong nagsisinungaling siya.

Alam kong hindi niya ako gusto. Ano bang binabalak ng lalaking 'to?

“I'm not going to fall for your lies, Idan.” Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang wrist ko.

“Hindi kita pinayagan umalis. I know hindi ka galing dito. Pero nandito ka sa mundo namin. In this world, ako ang prinsepe. The prince of luck.” He pulled me closer to his body. “If I say you're mine, akin ka lang.”

“Oh please! I am not supposed to be here! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?! There was an accident!” Sinapak ko ang kamay niya dahil sa inis na ikinagulat niya. I heavily sighed pilit pinapakalma ang sarili ko. “Naaksidente ako! My ate created this world! At napunta ako dito! This is my punishment dahil ang tigas ng ulo ko! You see! You're meant to fall in love with Maren kung hindi lang ako dumating dito!” Hindi siya nagsalita at gulat lang na nakatingin sa akin. “I'm telling the truth, Idan.”

Napatawa ito ng pinakamalakas dahilan para taasan ko siya ng kilay. Useless din naman pala mag explain sa kanya dahil hindi niya naman ako papaniwalaan. I rolled my eyes at ng mapansin niya ang mood ko ay tumigil na ito sa kakatawa.

“I'm sorry, you're just so funny, miss Verity.” Inakbayan niya ako dahilan para magulat ako. “Bakit hindi mo hubarin 'yong damit mo?”

Agad ko siya tinulak at niyakap ang sarili ko. He look at me innocently.

“What are you planning to do, jerk?!” Napangiti ito ng marealize ang iniisip ko.

“As I said wala akong gagawin na masama sa'yo.” Hindi ako naniniwala beh. Wag ako beh!

“Ha?! Do you think maniniwala ako sa'yo?! Mas pipiliin ko pang mag stay kay Lucien kaysa sa'yo!” Nawala ang ngiti niya dahil sa sinabi ko.

Napalunok ako ng laway. Mukhang mamamatay ako nito ah. Gagi! Wag! Napaatras ako kunti and he smiled again but this time iba na 'yong aura niya.

“Walang makakatalo sa akin, Ngayon lang may pumili kay Lucien.” Walang gana siyang napatingin sa itaas dahilan para tumingin din ako.

Halos gusto ko ng lamunin ng lupa dahil sa nakita ko. I saw Lucien looking at us with his cold eyes.

“Are you happy now, brother?”

Twist Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon