“Ash? What are you doing here-” Nagulat ako ng bigla niyang tinakpan ang bibig ko ng panyo.
What is he doing?! What's wrong?! Hindi ko mabasa ang kanyang mata dahil walang emosyon ito.
“I'm sorry.” Iyan lang ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay.
•••
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at napatingin ako kay Ace.
“Ace?” He smiled at me when I call his name. Bakit ang sakit ng ulo ko?
“Good morning ate, nakatulog ka ba ng maayos?” nakangiti niyang tanong.
“Why am I here?" nagtataka kong tanong.
“Dinala ka ni kuya dito.” Lumapit siya sa akin at nilagay ang tray na may laman na pagkain sa mini table na malapit lang sa kama.
“Bakit niya ako dinala dito?” Umupo ako at napahawak ako sa ulo ko dahil masakit talaga.
“You should rest, ate. Matagal pa bago bumalik ang kuya ko,” mahinahon niyang saad sa akin.
Aalis na sana siya pero hinawakan ko ang wrist niya dahilan para magulat siya. Nakita niyang nahihirapan ako pero imbes na maawa siya namula lang ang pisnge niya.
“I need to get out of here, Ace. May kailangan pa akong puntahan.” Tatayo na sana ako pero bigla akong nahilo.
“Take a rest, ate. Pwede naman mamaya na 'yan.” Tumayo ako kahit nahihilo pa rin ako.
“Tumatakbo ang oras, Ace. I need to go.” Nagulat ako ng hinawakan niya din ang wrist ko at tumingin sa akin ng seryoso. “Ace?”
“Are you going to leave me alone? Paano na ako, ate? Paano na kami?” Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Nagsimula ng tumulo ang luha niya dahilan para magpanic ako.
Agad ko pinunasan ang luha niya. Baka isipin ni Ash na inaway ko ang kapatid niya? Napabuntong hininga ako. How does he even know in the first place?
“What are you talking about, Ace?” Ano bang pinagsasasabi ni Ash kay Ace?! “Paano mo nalaman 'to?”
Mas lalo lang siyang umiyak ng tanungin ko siya. Oh great! I just make things worst.
“Naglasing si kuya kagabi. He knows aalis ka na. Umiyak siya, he's in pain.” Mas lalo itong umiyak. “Ate! I know kapag bumalik ka na sa mundo niyo, hindi ka na makakabalik dito.”
“What?” Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano bang trip ng lalaking 'yon? Napahinto ako sa naisip ko. Don't tell me may gusto siya sa akin? “May gusto ba ang kuya mo sa akin?”
Natigilan ito na parang may narealize.
“Kuya loves you?” Hindi makapaniwalang sabi niya. Napakunot ang noo ko.
“Hindi ako sure, Ace. Pero wala akong time sa ganyan. I have-”
“Kaya pala... Bakit hindi ko naisip 'yon?” Napatawa ito ng pinakamalakas. Ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng takot. “I thought he love me.”
“Mahal ka naman niya talaga.” Kahit nagtataka ako ay nagsalita pa rin ako. Hinawakan niya ang braso ko dahilan para magulat ako.
“Then why is he stealing you away from me?” Huh? Ano bang pinagsasabi ng batang 'to? "Kung mahal niya ako? Dapat hindi niya inaagaw ang kaligayahan ko?"
“Huh?” Ano ba?! Kailangan ko din ba sagutin ang tanong na 'yan?! “Look, Ace. Nagkakamali ka ng iniisip. Your older brother will do anything just you to be happy. Kaya imposibleng hindi ka niya mahal. Walang kapatid na hindi mahal ang kapatid nila.”
Hinaplos ko ang buhok niya at hindi niya pa rin inalis ang tingin niya sa akin.
“I'm sorry. Magpahinga ka muna, ate. Hindi ka pwedeng lumabas ng ganyan ang pakiramdam mo.” I stunned when our eyes met. He looked at me emotionless. Nababaguhan ako, did I do something wrong?
Hindi na niya ako hinayaan pang magsalita dahil umalis na siya. What's wrong with him?
Napakagat nalang ako ng labi at napasabunot ng buhok. This can't be happening! Hindi pwedeng hindi ako makapunta doon! Baka ano ng nangyari kay Maren?!
Right?! Si Maren?!
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Naghahanap ng paraan upang makatakas sa bahay na ito. Bakit ba ang tagal dumating ni Ash? Inutusan ba siya ni Tiernan na kunin ako?
I rolled my eyes at nagsimula ng maglakad. Binuksan ko ang kwarto ni Ace at nagulat ako ng halos punuin na ang kwarto ni Ace ng picture. May mga drawing pa at iba pa.
Fan niya ba ako or something? Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Bakit hindi maganda ang kutob ko dito? Kinuha ko ang isang papel at nagulat ako ng napuno ito ng sulat ng pangalan ko.
“What are you doing here, ate?” Agad ako napalingon sa kanya na gulat na gulat. “Alam mo naman na masamang mangialam ng gamit ng iba, diba ate? At alam mo rin na maling pumasok sa kwarto ng iba without his or her permission.”
“I-i'm sorry, nagkakamali lang ako.” Nagtaka ito pero alam kong nagpapanggap lang siya.
Para siyang younger version ni Idan, my gosh!
“Nagkamali? You enter my room willingly.” Dahan-dahan siyang lumalapit sa akin at dahan-dahan akong napaatras.
Yakap niya ang teddy beer na binigay ko sa kanya nuon. Kahit bata lang siya bakit ako natatakot sa kanya?
“What are you talking about? You're acting weird, Ace.” He just smiled playfully na parang nage-enjoy sa reaksyon ko.
“Natatakot ka ba, ate?”
“Ako? Natatakot? Hindi ah.” I lied. Actually, sobrang takot ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko alam kung bakit pero ramdam kong nasa peligro ako.
“Stop lying, ate. I know takot ka sa akin. You look at me like I was a monster.”
BINABASA MO ANG
Twist Of Fate
Romance(Completed) Verity Diaz ay isang babaeng makasarili. Hindi niya masyadong naintindihan kung ano nga ba talaga ang pag ibig. She hated her sister dahil mas pinili pa ng kapatid niya ang boyfriend niya kaysa kay Verity. Hanggang sa naaksidente siya...