Napakunot ang noo kong nakatingin sa doorknob. Pinagmasdan ko ang paligid, ini-expect na may nakatingin sa akin pero wala akong maramdaman kahit ni isa. Napabuntong hininga ako upang pakalmahin ang sarili ko na gusto ng tumakas dahil sa takot at kaba.
Kung hindi ako mag iingat, malaking chansa na mapatay ako sa lalaking nakatira dito sa palasyong 'to. Hinubad ko ang tsinelas ko para hindi ako makagawa ng ingay. Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang mamangha sa paligid and at the same time matakot na din.
Alam kong maraming namamatay dito at ang killer na 'yon ay walang iba kundi si Idan. Pero bakit ganun? Malungkot siya?
Napahinto ako sa paglalakad ng namalayan kong nandito na ako sa pinto kung saan nakakulong si Lucien. Akmang bubuksan ko ito pero nakalock. Kumatok ako pero walang sumagot.
“Lucien! Can you hear me?!” Biglang nag echo ang boses ko dahilan para makaramdam ako ng kaba.
“Verity! Verity!” Parang nababaliw na siya ng marinig niya ang boses ko.
Napakagat ako ng labi. Mali siguro na bumisita ako sa kanya. Bumuga ako ng hangin. Gusto ko ng sumuko at tumakas nalang pero bwesit kasi ang lalaking 'yon! Aalis na sana ako pero napahinto ako ng bigla na naman siya nagsalita.
“Please don't leave me! Verity!” Narinig kong humikbi ito. “I need you! I'm scared! I don't want to be alone!”
“Lucien,” malungkot kong banggit sa pangalan niya.
This is not the right time. Hindi na ako nag aksaya ng oras at umalis nalang. Naawa ako sa kanya pero mas importante ang sarili ko.
Napahinto ako sa paglakad ng makita si Idan na nakatingin sa kawalan. Halata sa kanyang mukha na ang lalim ng iniisip niya. Wala akong nakikitang litrato sa totoong magulang niya. I wonder kung anong nangyari sa parents niya.
Natigilan ako ng bigla niya nalang hinubad ang damit niya pang itaas at namilog ang aking mata ng makita siyang maraming peklat. Anong nangyari sa katawan niya?
Napalingon siya sa direksyon ko kaya agad ako napatago.
“Wag ka na magtago, Nakita na kita.” Napabuga nalang ako ng hangin. Napapikit nalang ako dahil sa pilit pinapakalma ang sarili. Pinakita ko ang sarili ko at napakunot siya ng noo habang hindi pa rin nawawala ang peke niyang ngiti. “What are you doing here, Verity?”
“I was just... looking for you,” mahina kong sabi dahilan para tumawa siya.
Lumapit siya sa akin at ganoon din kalakas ang pintig ng puso ko.
“Looking for me? Na fall ka na ba sa akin?” natatawa niyang tanong.
Magsasalita na sana ako pero walang lumalabas sa bibig ko. Nagdadalawang isip kung magsisinungaling ba ako o hindi. Nawala ang ngiti niya ng makita ang inaasal ko.
“Go back to your room now,” seryoso niyang saad.
“Ayaw ko,” taas kilay kong sabi sa kanya. Hindi lang siya nagsalita at seryoso lang nakatingin sa akin. The way he looked at me as if he was looking at my soul. “Sayang effort ko na pumunta dito tapos papaalisin mo lang ako. I want to see you, Idan.”
“Why do you want to see me?” Binaba niya ang espada niya at umupo sa sahig habang nakatingin sa akin.
Ang gwapo niya talaga! Napailing ako. Ano ba 'tong iniisip ko?
“Why can't you tell me the truth?! Katotohanan lang naman ang gusto kong malaman!” Hindi lang siya nagsalita at seryoso lang nakatingin sa akin. Inis akong lumapit sa kanya at tumalungko.
“Are you really going to leave me?” He touch my cheeks reason for me not to move. Nakatingin lang ako sa mata niyang puno ng kalungkutan. “Without trying to love me? I want you, Verity.”
“What do you know about true love, Idan?” seryoso kong tanong sa kanya.
Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yong sinasabi nilang mahal ka nila kahit hindi naman talaga totoo. Nung binasaa ko ang kwento hindi ako naniwala na mahal ni Idan si Maren. Ayaw niya lang talagang mapag isa.
“Hindi ka naniniwala sa akin.” Nawalan ito ng pag asa dahil sa inasta ko.
“Hindi ako ganoon ka tanga para maniwala sa patibong mo, Idan.” Tumayo na ako at nilibot ang paningin ko sa paligid. Tumayo na rin siya.
“Pero sigurado ako sa nararamdaman ko, Verity. I love—”
“It's useless. Hindi pa rin ako maniniwala sa'yo.” Napabuntong hininga ako. “I'm just wasting my time here.” Bago paman siya makapagsalita ay agad ko siya inunahan. “Hindi ako tatakas. Matutulog lang ako.”
“Bakit? Umaasa ka pa rin ba na malalaman mo ang totoo?” Tinaasan niya ako ng isang kilay.
“As long as I'm here. Naniniwala akong sasabihin niyo sa akin ang totoo, Idan.” Hindi nagbago ang ekspresyon ko. Seryoso akong nakatingin sa kanya para ipakita sa kanya na hindi ako nagbibiro.
“As if.”
I smiled at tumalikod na. Napakuyom ako ng kamao, pilit tinatago ang inis na nararamdaman ko sa lalaking 'yon.
•••
“Maren.”
Kahit anong banggit ko sa pangalan niya hindi na talaga magbabago ang katotohanan na patay na siya. I heavily sighed. Bakit ba kasi ako tumakas in the first place?
“Ryu!” Walang emosyon siyang napalingon sa akin dahilan para mapahinto ako. What's with that look? Kumaway ako sa kanya ngunit umiwas siya ng tingin at patuloy lang sa paglakad.
Kunot noo ko kang siyang sinundan ng tingin na parang wala siya sa sarili niya.
“Better if you don't call him.” Napatingin ako sa likod ko at nagulat ako ng makita si Phoenix.
“Buhay ka?!” hindi makapaniwalang sabi ko.
Agad ako lumapit sa kanya at niyakap siya. Alam kong nagulat siya pero wala na akong pake. Masaya na ako na buhay siya.
I heard him chuckled kaya kakalas na sana ako sa pagkakayakap pero nagulat ako ng hindi niya ako binitawan.
“I miss this,” mahinahon niyang sabi. Kumalas na ako sa pagkakayakap at nagulat ako ng hinila niya ako.
“Where are we going?!”
“Kailangan na kitang maitakas dito!” Buong lakas kong binawi ang kamay ko kay Phoenix at inis na napatingin sa kanya.
“Hindi ako sasama sa'yo!”
“What?!”
“I said hindi ako sasama sa'yo!” Kitang-kita ang lungkot sa kanyang mata dahil sa sinabi ko.
I'm sorry, Phoenix. Pero may kailangan pa akong tapusin dito.
BINABASA MO ANG
Twist Of Fate
Romance(Completed) Verity Diaz ay isang babaeng makasarili. Hindi niya masyadong naintindihan kung ano nga ba talaga ang pag ibig. She hated her sister dahil mas pinili pa ng kapatid niya ang boyfriend niya kaysa kay Verity. Hanggang sa naaksidente siya...