“Wag ka mag alala. Hindi ako kagaya ni ate Amaris.” Pa blind-blind lang. Alam niyang niloloko siya pero hala sige pa rin siya.
•••
Minulat ko ang mata ko ng maramdaman na may humawak sa pisnge ko. Wala namang tao? Naprapraning lang 'yata ako. Pinikit ko ang mata ko ulit pero tangina! Hindi ako makatulog—feeling ko may nakatingin sa akin.
Minulat ko ulit ang mata ko at lumabas ng kwarto. Wala ng tao kasi natutulog na sila.
Pero imbes natakot ako mas gusto ko pang ako nalang 'yong mag isa, mas peaceful eh. Nag stretching ako at napatingin sa paligid. Wala talagang tao.
Pero may nakatitig talaga sa akin. Rinig ko pa nga 'yong yapak ng paa niya na nakasunod sa akin. Ganoon na ba ako kaganda para sundan niya?
“Ang sabihin mo may crush ka lang talaga sa akin?” Humarap ako sa kanya kahit hindi ko siya nakikita dahil nakatalikod siya. “Diba Travis?”
Mga ilang segundo pa ay lumabas na siya sa pinagtataguan niya. He looked at me with a cold eyes at ganun rin ako sa kanya.
“Alam mo bang pwedeng matakot mo ako sa ginagawa mong 'yan?” Hindi ito nagsalita na parang may binabalak itong masama. “Pero mas gusto mo 'yatang matakot ako?”
Nagulat ako ng tinulak niya ako at nabangga ako sa pader. Kinorner niya ako sa pader at hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya.
“Who are you exactly? Walang kapatid si Amaris. She's the only child of the Abellana family. Walang Violet Abellana?!” Muntik pa akong mapasigaw ng suntukin niya ang pader. “Wag na wag mo akong paglalaruan babae. Bakit ka nakamask? Ano ang tinatago mo?”
Putangina! Kailangan ko ang lalaking 'yon! Hindi niya ba ako tutulungan na makatakas sa lalaking 'to?! Pilit ko siyang tinutulak pero ang lakas niya talaga.
“Bakit ba interesado ka?! Mag focus ka nalang kay Maren?!”
“Hindi mo ba alam? May nakatakas na prinsesa sa palasyo at hanggang ngayon hinahanap pa rin namin siya.” Hinawakan niya ang buhok ko dahilan para manindig ang balahibo ko. “You have the same color. Ngayon ko lang ito napansin. Black is unique in our world. Minsan lang kami makakita ng color black dito.”
“So? Normal lang—” Nagulat ako ng tinanggal niya ang mask ko.
Pati siya ay natigilan nang makita ang mukha ko. Lagot na talaga ako! Hindi ba naman ako tinulungan ng lalaking 'yon?!
“I-it's you...”
Wala na... Tapos na. Agad ko siya tinulak at sinampal.
“Hindi ako babalik sa palasyo! Sinasabi ko sa'yo! Travis! Tanging si Amaris lang ang pwedeng kumalaban kay Maren! I am not supposed to be here!” inis kong sigaw sa kanya.
Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita at umalis nalang ako. Naiinis na talaga ako. Nasaan na kasi ang lalaking 'yon?! Kung kailan ko siya kailangan, doon din siya nawawala.
“Idan! Akala ko ba mahal mo ako?! Bakit hindi ka makasagot ngayon?!” inis na tanong sa kanya ni Maren.
Nagtago ako sa malaking pader. Ano na naman chismis 'to? Kunot noo ko lang silang pinagmasdan. Bakit sa tuwing nakikita ko silang dalawa? Palagi lang silang nag aaway?
“Pwede ba matulog ka nalang Maren.” Aalis na sana si Idan pero hinawakan siya sa wrist ni Maren.
“Ang unfair mo! Ngayon na minahal na kita! Ngayon mo ako iiwan?! Aminin mo sa akin! Hinahanap mo pa rin ba siya?! Iyong prinsesa na 'yon?! Am I not enough for you?!” Kulang nalang ay tumulo na 'yong luha niya dahil sa sakit na naramdaman niya.
“Baka nakakalimutan mo, Maren? Pinatay mo siya.” Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Idan.
“Hindi ko sinasadya! Hindi ko alam na mamamatay siya!” Hinawakan niya ang braso ni Idan at tumulo na ang luha niya. “Ginawa ko lang naman 'yon ng dahil sa'yo! Dahil takot ako na mawala ka! Mahal kita, Idan! Sobra! So please! Wag mo ng hanapin ang prinsesa na 'yon! Hindi ko makakaya kapag wala ka!”
Hindi ko inaakalang ganyan pala si Maren. Iba kasi siya sa libro, hindi kaya dahil 'yon sa akin?
Kung sa pagpunta ko dito ay nagbabago ang kwento? Does this mean may malaking chance na ako ang maging female lead?
“Imposible.”
“Anong imposible?” Nagulat ako at napatingin sa lalaki sa likod ko.
“Lucien? What are you doing here?”
“Hindi ako makatulog kaya naglakad lakad ako.” Walang gana siyang napatingin kay Idan at Maren. “Nakikinig ka ba sa usapan nila?”
Namilog ang aking mata sa kanyang tanong, “Ako?! Nakikinig?! No! Hindi no!”
Napalakas 'ata boses ko dahilan para marinig ako ni Maren at Idan. Napapikit nalang ako at niyakap ang braso ni Lucien.
“Verity, baka nakakalimutan mo? Wala kang mask na suot.” Namilog ang aking mata sa kanyang sinabi.
Oh shit!
“Who's there?” tanong ni Idan.
Lalapit na sana sila pero agad ako hinila ni Lucien. Ang bilis niya tumakbo, muntik pa nga ako matumba.
“Pre! Hinay hinay lang! Matutumba ako!” Pero mukhang hindi niya ako narinig at patuloy lang siya sa pagtakbo.
Minsan talaga mapapaisip nalang ako na may tinatago sa akin ang lalaking 'to na ayaw niyang malaman ko. Pilit kong tinatawag ang pangalan niya pero ini-ignore niya lang ako.
“Lucien!”
“Tumahimik ka! Maririnig ka talaga nila!” Pumasok kami sa isang kwarto na parang hindi na magagamit at hinabol ko na ang hininga ko.
Grabe naman tumakbo 'to! Siguro kapag hinabol ka niya, wala ka talagang takas. Napailing na lamang ako. Bakit ang dilim dito? Tanging liwanag ng buwan lang ang nagsisilbing ilaw namin.
“Siguro wala na sila. Umalis na tayo.” Aalis na sana ako pero hinarang niya ang pinto.
“Why?”
“Huh?”
“Walang babaeng hindi nagkakagusto sa akin? Pero bakit parang wala lang ako sa'yo? Bakit hindi mo ako nagugustuhan?” Nagulat ako sa sinabi niya pero dahan-dahan rin ako napangiti.
Napa cross arm ako at napatawa, “Buti alam mo. At isa pa, wag mo akong utuin, Lucien. Alam kong si Maren ang gusto mo at hindi ako.”
“Huh? Sino nagsabi niyan?”
“Alam ko lang.”
“Kahit kailan hindi ko nagustuhan si Maren. Akala mo ba nagbibiro ako? Gusto kita. Seryoso ako, Verity.”
BINABASA MO ANG
Twist Of Fate
Romance(Completed) Verity Diaz ay isang babaeng makasarili. Hindi niya masyadong naintindihan kung ano nga ba talaga ang pag ibig. She hated her sister dahil mas pinili pa ng kapatid niya ang boyfriend niya kaysa kay Verity. Hanggang sa naaksidente siya...