“Ilang araw ka ng absent. Kaya dapat maintindihan mo kung ba't ako narito?” Napakamot nalang ako sa batok ko.
“Tiernan, alam mo naman na bawal ang knight sa loob ng school diba? Are you going to disobey the rule just to protect me?” alala kong tanong.
“Of course, if it means to sacrifice my life just to save you, I will do it.” Ewan ko ba pero this past few days, nahahalata ko na iba ang kinikilos ni Tiernan.
At first ang cold niya pa sa akin pero araw-araw unti-unti siyang nagiging caring sa akin. Na para bang nawala na lahat ng galit niya sa side ni Amaris. Huminto na kami sa paglalakad at tumingin sa school ko.
“Make sure na mag iingat ka sa loob. Lalo na't kinalaban mo si Idan.” I rolled my eyes dahil sa sinabi niya.
“As if naman natatakot ako sa kanila,” natatawa kong sabi.
Hinaplos niya ang buhok ko. Halata sa kanyang mukha na nag alala ito at nagulat nalang ako ng niyakap niya ako.
“Kapag may nangyaring masama, tawagin mo ako agad. I will save you no matter what happen, Verity.”
“Umm...” Kumalas ako sa pagkakayakap and I gave him a warm smile. “Thanks.”
Nag wave na ako sa kanya at pumasok na sa school. Ramdam ko pa rin ang mga titig niya sa akin. Ang dapat nga niya tuonan ng pansin ay si Amaris at hindi ako. Because he was supposed to protect Amaris iyan ang trabaho niya.
Napatingin ang mga studyante na dumadaan sa akin. Iba 'yong the way na tumingin sila pero hindi ko lang sila pinansin. Pagpasok ko sa classroom ay natahimik silang lahat. Tinaasan ko sila ng isang kilay at umiwas lang sila ng tingin.
Wala naman nagbago-
“What are you doing here? Wala dito si Maren,” cold kong sabi.
Pagkatapos kasi ng klase bumungad sa akin si Idan na nakatingin sa akin. Bakit siya nandito sa classroom namin?
“Of course I know Maren isn't here.” Hindi nagbago ang ekspresyon ko at cold pa rin na nakatingin sa kanya.
Nagbow ako at aalis na sana ako pero nagulat ako ng hawakan niya ang wrist ko. Bigla siyang napabitaw at napahawak sa kamay niya.
“Bakit ako nakuryente?” Huh? Baliw ba 'to?
“Ewan ko sa'yo.” Aalis na sana ako pero agad siya nagsalita.
“I'm sorry!” Tinaasan ko siya ng isang kilay at napa cross arm. “Hayaan mong bumawi ako sa'yo.”
“Bumawi? Wala kang kasalanan sa akin, mahal na prinsepe. Pero may kasalanan ka sa ate ko?!” Napabuntong hininga ako pilit pinapakalma ang sarili ko. "Hindi ka dapat sa akin mag sorry, kundi sa ate ko."
Hindi ko na siya hinayaan pa magsalita at umalis nalang.
•••
“Hi.” Napatingin ako kay Ryu na ngayon ay nasa harapan ko.
Tumigil ako sa pagkain. Bakit siya nakapasok sa cafeteria? Diba bawal dito ang knight?
“How?” He smiled playfully at umupo sa upuan na kaharap ko. “What do you expect? I'm the knight of prince Idan, syempre makakapasok ako dito.”
“Tsk, unfair.” Ginulo niya ang buhok ko at sinamaan ko lang siya ng tingin.
“Hindi mo ba kakausapin ang mahal na prinsepe?” Napatingin ako sa prinsepe na nasa malayo.
Nakangiti ito habang kinakausap ang iba. Sinamaan ko ng tingin si Ryu. Akala ko ba kaibigan ko siya? Bakit siya gumagawa ng paraan para mapalapit ako sa prinsepe?
“Alam mo pagsisihan mo 'yan.” Natigilan siya sa sinabi ko. Pinisil ko ang kanyang pisnge dahilan para mapa 'aray' siya. “Ikaw talagang lalaki! Nanggigil ako sa'yo!”
“Alam kong gwapo ako-aray! Ang sakit!” Napahawak siya sa kamay ko at napatawa lang ako bago binitawan ang pisnge niya na ngayon ay namumula na. Napatawa ako ng pinakamalakas dahilan para tumingin sila sa akin.
“Walang silbe ang kagwapuhan mo kung hindi naman kita type.” I rolled my eyes at umiling.
•••
I looked at him at may kinuha na teddy bear sa shop. Nandito ba ako para matutunan kung paano maging creepy stalker?
Bakit ko ba siya sinusundan in the first place? Nagulat ako ng tinulak ako ng lalaki na naka sky blue hair and he giggled.
Ito talagang lalaking 'to?! Pinapahamak ako!
“Violet?” Napatingin ako sa lalaking ngayon ay gulat na gulat.
Akalain mo 'yon? Ang isang mala anghel ang mukha ay isa palang demonyo.
“Ito.” Tinuro ko ang necklace na may sun na pendant. “Siguradong magugustuhan 'yan ni Maren.”
“Thanks?” Sinenyasan niya ang babaeng bilhin ito. Aalis na sana ako pero agad siya nagsalita. “Can I have your time for a moment?”
Kunot noo ko naman siyang tinignan. Dinala niya ako sa isang hindi pamilyar na restaurant. I just ordered mine at binayaran ko na. At first, gusto niya libre niya lang daw kaso hindi talaga ako pumayag-matigas ulo ko.
“About what happened yesterday.” Napayuko ito. “Nagsorry na ako sa ate mo.”
Ewan ko ba pero para siyang aso.
“That's good to hear, prince Idan”
BINABASA MO ANG
Twist Of Fate
Romance(Completed) Verity Diaz ay isang babaeng makasarili. Hindi niya masyadong naintindihan kung ano nga ba talaga ang pag ibig. She hated her sister dahil mas pinili pa ng kapatid niya ang boyfriend niya kaysa kay Verity. Hanggang sa naaksidente siya...