Chapter 14

642 30 0
                                    

Walang gana naman akong umiwas ng tingin. Bakit kailangan ko pang samahan ang lalaking 'to? The teachers told us to go to the laboratory room and order us to experiment this frog.

Bakit pa kasi ako nag stem? Napatampal ako ng noo.

“If you don't mind, you can just watch and I will do the work,” mahinahon niyang sabi.

Ayan na naman siya sa bait-baitan niya. Umupo ako sa harap at napatingin siya sa akin. I gave him a warm smile. What? Sabi mo eh.

“Thanks.” Ngumiti nalang ito at ginawa na ang dapat niyang gawin.

Tinignan ko lang siya kung paano niya hiwain ang tiyan ng palaka. Mukhang sanay na talaga siya, hindi man lang siya nagdalawang isip at walang emosyon na nakatingin sa palaka.

Sinanay kasi siya ng ama niya nung bata pa siya na pumatay ng tao. So all this time he thought he was a monster. Totoo naman eh pero masakit pa rin marinig 'yon sa ibang tao.

“Pretty.” Natigilan siya at napatingin sa akin. I gave him a warm smile. “You should smile often, prince.”

“What are you talking, princess? Kailan ba ako naging malungkot?” natatawa niyang tanong.

“Everyday.” Napahinto at napabuntong hininga ako.

“Huh? Ano bang pinagsasabi mo?” I rolled my eyes at him.

“Oh come on! Stop being a two-faced! Tayo lang dalawa ang nandito!” Napatawa ito sa sinabi ko. “I won't tell anyone. If may makaalam, putulin mo dila ko.”

Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Nawala ang kanyang ngiti sa labi niya.

“How did you know?”

“Pardon?”

“Matagal mo na bang alam na nagpapanggap ako?” cold niyang tanong.

“Yes.”

“Iyan ba ang rason kung bakit ayaw mo sa akin?” Tinaasan ko siya ng isang kilay. Ano na naman sa kanya kung hindi ko siya nagustuhan?

“No, that's not the reason.” I heavily sighed. “Nakakainis ka kasi! Sino bang hindi magagalit kapag nakita mong sinaktan ang kapatid mo?!”

“Me... Na e-enjoy akong makitang sinasaktan ang kapatid ko.” Baliw talaga ang lalaking 'to.

“Pwes, hindi ako kagaya mo. Walang puso.” Hindi lang ito umimik. Minsan talaga kailangan ko din kontrolin kung ano ang sasabihin ko. “Maren is lying. Hindi siya prinsesa sa mundo niya.”

“Paano mo nalaman? Do you expect me to believe that?” Napakunot ang kanyang noo. “And by the way, are you sure kapatid mo si Amaris? Sa pagkakaalam ko, only child lang si Amaris. Are you hiding something from me?”

“Of c-course! Kapatid ko si Amaris! Hindi ba kami magkamukha?!” Shit! Kailangan ko na 'yatang umalis dito?!

“Paano ko malalaman? Eh parati ka nagsusuot ng mask.” Mas lumapit ito sa akin dahilan para mapaatras ako kunti. Hawak na hawak niya pa rin ang kutsilyo na may dugo ng palaka. “Tanggalin mo mask mo.”

“Ayaw ko.” Tinaasan niya ako ng kilay.

“Bakit naman?” Hinaplos niya ang aking pisnge dahilan ng ikahinto ko. “You're not ugly. I can feel it.”

Agad ko siya tinulak, “Nangako ako sa pamilya namin na hindi ko tatanggalin ang mask ko kahit kailan! At wala ka ng pake do'n!”

“And why not? Hindi ka ba nagtataka kung bakit ayaw nilang ipatanggal ang mask mo? Na parang may hindi sila gustong malaman ng mga Castro.”

Napalunok ako ng laway. Kapatid ba ito ni detective conan? Bakit ba naka focus siya sa akin? Hanapin niya nalang kaya si Maren.

“That's just your imagination, prince Idan. If you don't have anything to say, I have to go.” Hindi pa man ako nakakaalis ay kinuha niya ang wrist ko.

“Hindi ka na makakatakas this time, miss.” Shit! Bakit ba ang malas-malas ko ngayon?!

Kung alam ko lang mangyayari 'to! Edi sana, hindi na ako nagpunta dito!

“Ano ba?! Bitawan mo ako!” inis kong sigaw sa kanya. “Ayan ka na naman! Ano bang pagtingin mo sa amin?! Bakit parang wala kaming karapatan na magdesisyon para sa sarili namin?!”

“Ano pagtingin ko sa inyo?” Walang emosyon siyang dumiretsong tumingin sa mata ko. “You're just a doll na display lang sa earth at walang silbi. Isa kang alipin na hinahanap ang master niya.”

Tinaasan ko siya ng isang kilay. Bwesit talaga ang lalaking 'to!

“Hindi ako laruan! At hindi ako nabuhay para lang gawin mong laruan, Idan!” Agad ko siya sinampal dahilan para magulat siya.

Deserve niya 'yan! Kapal ng mukha!

“Oh really? But I'm the prince here. Ako ang masusunod, Violet—Violet ba talaga pangalan mo?” Pinanliitan ko siya ng mata.

“May pinadala kang spy no?” Napatawa ito sa sinabi ko.

“Alam mo nakakatawa ka talaga, Violet. Hindi na ako magtataka kung bakit baliw na baliw sa'yo ang kapatid ko.” Napailing pa ito at umupo sa upuan na kaharap ko.

Naka cross arm ito at cross legs. Napakunot ang noo ko.

“What do you mean?” I asked.

“Akala mo ba hindi ko alam? Nababaliw na ngayon ang kapatid ko ng dahil sa'yo, Violet.” Huh? Wait! Seryoso talaga ang lalaking 'yon?! “Ano bang meron sa'yo at sobrang baliw sa'yo ang kapatid ko? Don't tell me nakita na niya ang mukha mo? Ang sabi nila, your face is a curse.”

Sumpa mo mukha mo! Alam mo kung ano ang sumpa na natanggap ko 'yon ay ang makilala kita! Sumpa ka! Malas ka!

Nagulat ako ng tinulak niya ako sa sahig at pumatong siya sa akin.

“What do you think you're doing?!” He gave me a warm smile na mas lalo kong kinabahan.

Agad niya tinanggal ang maskara ko at pati siya ay napahinto.

“I-ikaw.” Agad ko siya tinulak at agad kinuha ang maskara ko.

“Kahit kailan talaga ang tigas ng ulo mo!” inis kong sigaw sa kanya. Tinuro ko siya habang siya ay gulat pa rin na nakatingin sa akin. “Kapag nalaman ito ng iba! Isusumpa kita!”

Pagkatapos ko sabihin ang mga katagang 'yon ay tumakbo na ako palabas. Napahinto ako sa pagtakbo ng makaramdam na ako ng pagod habang hinahabol ang hininga ko.

“What's wrong?” Agad ko hinila ang wrist niya.

“Do something! Na hanap na ako ng halimaw na prinsepe na 'yon!” inis kong sigaw sa kanya.

Napangiti ito ng nakakaloko, “Lagot ka.”

Twist Of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon