Chapter 24

54 1 0
                                    

After reading the message, I was scared and worried at the same time. I was thinking if who might possibly do those things to Elise that made me unable to sleep properly. I really don't have any idea who can do that since I didn't offend anyone because I usually distance myself from other people and as far as I know, wala din namang nababanggit si Elise saakin na kaaway niya pero may hinala ako. Hindi ako sure kaya ayaw ko munang mag conclude ng kahit ano kaya all I need to do right now is to make sure that my sister is going to be safe.

Maaga akong nagising kinabukasan kaya napagpasyahan kong bumili ng agahan namin sa malapit na fast food chain. Hindi ko na ginising si Simon dahil ang himbing ng tulog niya. Habang nasa byahe ako pabalik ay naisipan kong tawagan si Amanda at balitaan ito sa nangyari dahil nakailang tawag din siya na hindi ko nasagot.

Hello Eli! Kamusta? Anong nangyari sayo? Nagaalala ako. Sunud- Sunod na sabi nito saakin pagkasagot niya ng tawag ko.
Ayos naman ako Amanda. Pasensya ka na at hindi na ako nakapagpaalam kahapon, si Elise kase... Sabi ko sa kaniya at hindi naman ako nito pinatapos.
Anong nangyari kay Elise? Kamusta siya? Okay lang ba siya? Magkasunod na tanong na naman nito. Alam kong nagaalala siya.
Maagang umuwi si Elise kahapon dahil may lagnat siya ang kaso lang ay may humarang na dalawang lalake sa ka... hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay hindi na naman niya ako pinatapos.
What? May humarang? Tanong niya saakin.
Yes may humarang sa kaniya and then... Sabi ko sa kaniya at hindi niya ako pinatapos.
Wala man lang bang tumulong sa kaniya? Tanong nito saakin.
Dahil maaga ngang umuwi si Elise ay konti lang ang tao doon sa lugar kaya walang sumubok tumulong sa kaniya pero may mga tumawag naman sa guard ng school ang kaso ay nakalayo na ng kaunti sa school niya si Elise kaya medyo natagalan ang tulong. Naitaboy na ni Elise yung mga humarang sa kaniya pagkarating nung guard ang kaso nga lang ay nahimatay siya pagkatapos non dahil sa pagod at taas ng lagnat niya kaya sinugod siya sa hospital... Paliwanag ko dito.
Kamusta na siya ngayon? Tanong nito saakin.
Ayos na naman ang lagay niya, ang sabi ng doctor ay kailangan lang talaga niyang magpahinga. Baka mamayang hapon ay makakauwi na rin kame. Sabi ko dito.
Salamat naman kung ganon. Tungkol doon sa mga humarang sa kaniya, nakapag file na ba kayo complains about it? Tanong nito saakin.
Nakapag file na naman yung mga nagdala dito kay Elise sa hospital kahapon. Nakausap ko na naman ang mga pulis at nakuhanan na din ng statements yung witness, si Elise na lang ang kukuhanan ng statement mamaya pag gising niya. Sagot ko dito.
Sino naman ang gagawa nito kay Elise? May idea ka ba? Tanong nito saakin.
Wala akong kilalang pwedeng gumawa nito kay Elise since wala namang nababanggit si Elise na kaaway niya at alam mo namang umiiwas ako sa mga tao Amanda. Sagot ko dito.
Alam ko pero wala ka ba talagang kilala na possible na gumawa nito? Alam mo na? Tanong niya saakin. Alam kong tinutukoy niya if may nalaman ako gamit yung gift ko.
May hinala ako pero hindi ako sigurado. Wala naman kase ako nung time na yon para malaman ko. Sagot ko dito.
Sino? Tanong nito saakin.
Pagusapan natin bukas sa trabaho. Kailangan ko na ding pumasok bukas. Sagot ko dito.
Oo nga. Galit na galit pa naman si sir kahapon tapos nung nalamang bigla kang umalis ay naging aligaga at panay ang tawag sa cellphone. Sabi nito saakin.
Ang dami nga niyang missed calls saakin kahapon tapos nung nasagot ko ang tawag at nasabing nasa hospital ako ay bigla naman akong tinawag ng doctor kaya napatay ko agad ang tawag niya. Kwento ko dito.
Sobrang nagaalala siya sayo kahapon, panay nga ang tanong saakin pero wala naman akong alam tapos nagmamadali yung umalis sa opisina kahapon. Sabi nito saakin.
Nagulat nga ako ng biglang bumukas yung pinto ng room ni Elise at bumungad saakin yung pagmumukha niya tapos bigla akong niyakap ng mahigpit. Sabi ko dito.
Yieee... Tili nito. Kinikilig ako. Anong sabi niya sayo? Nakapagusap na ba kayo? Tanong nito.
Yeah nakapagusap na naman kame. Nagsorry lang siya dahil dun sa pagsigaw niya saakin kahapon at  naklaro na naman na namin yung mga issues between us. Sagot ko dito.
So ayos na kayong dalawa? Tanong nito saakin.
Ayos naman talaga kame. Naiintindihan ko naman siya at isa pa hindi ko na din kase masyadong inintindi yung mga pinagsasabi niya kase nga medyo magulo ang isip ko dahil sa paguusap namin ni  tapos biglang dumagdag yung kay Elise. Sagot ko sa kaniya.
Mabuti naman kung ganon. Baka kase kapag hindi pa kayo okay dalawa ay sa trabaho na naman ibuhos ni Sir Simon yung inis niya at magsisisigaw na naman. Natatawang biro nito. Alam kong kahit na pabiro niyang sinabi yun ay nangangamba siya.
Don't worry, I'll talk to him about that. Sabi ko sa kaniya.
Ma'am nandito na po tayo. Sabi nang driver saakin kaya napatingin ako sa labas at nasa tapat na nga kame ng hospital.
Mamaya na lang ulit tayo magusap Amanda. Nandito na ako sa hospital. Paalam na sabi ko.
Yeah! Bye and don't forget to update me. Sabi niya saakin.
I will. Bye. Sabi ko at pinatay na yung tawag.

Dahil nakapagbayad na naman ako ay nagpasalamat ako sa driver at bumaba na. Pagkapasok ko sa hospital ay medyo magulo na dahil oras na din ng rasyon ng almusal ng mga pasyente at check up na din sa kanila. Nagmadali na akong pumunta sa kwarto ni Elise.

Ate saan ka galing? Bungad na tanong ni Elise saakin. Tinaas ko naman yung paper bag ng pagkain na dala ko.
Bumili ako ng almusal. Alam ko kaseng hindi mo masyadong gusto ang mga pagkain sa hospital at para na din saamin ni Simon. Sabi ko at nilibot ang paningin sa kwarto upang hanapin si Simon pero wala akong nakitang Simon. Saan nga pala siya? Tanong ko kay Elise.
Pagkagising kase niya kanina ay wala ka kaya ayun nagalala siya at hinahanap ka saakin pero wala din naman akong alam kun nasaan ka ate kase hindi ka naman nagpaalam saakin. Sinusubukan ka niyang tawagan kaso busy yung line mo kaya ayun hinahanap ka niya ngayon. Sabi nito saakin. Oh shoot! Hindi nga pala ako nakapagpaalam at hindi na din ko nagiwan ng message sa kanila dahil saglit lang naman ako.
Kausap ko kase si Amanda kanina kaya busy ang line ko. Wait lang tawagan ko muna. Sabi ko sa kaniya at agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Simon.

Hel... hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay nagsalita na agad siya.
Where are you? Bakas ang pagaalaa sa boses na sabi niya.
Nasa room na ni Elise. Sagot ko at magsasalita pa sana ako pero agad na niyang pinatay ang tawag.

Ano daw sabi ate? Tanong ni Elise saakin.
Tinanong lang kung nasaan ako tapos pagkasabi kong andito ako ay binabaan na agad ako. Sagot ko dito at tumango lang ito saakin.

Ewan ko ba sa lalakeng yun at pinatayan agad ako ng tawag. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto ng kwarto ni Elise at bumungad ang hinihingal pang si Simon. Nilapitan niya ako at agad na niyakap.

Saan ka galing? Alam mo bang pinagalala mo ako? Bulong niyang tanong saakin at bumitaw sa yakap.
Bumili lang ako ng almusal natin. Hindi ko na kayo ginising kase mahimbing yung tulog niyong dalawa. Hindi na din ako nagiwan ng message sa inyo dahil saglit lang naman din ako. Paliwanag ko sa kaniya.
Tinatawagan kita kanina pero busy yung line mo. Akala ko tuloy kung ano nang nangyari sayo. Nagaalala pa ring sabi niya.
Kausap ko kase si Amanda kanina. Hindi ko kase siya nakausap kahapon at nakailang tawag din siya saakin kaya alam kong  nagaalala siya kaya tinawagan ko para masabihan siya sa mga nangyari. Paliwanag ko ulit sa kaniya.
Wag mo nang gagawin ulit to okay? Pag aalis ka dapat nagpapaalam ka o magiiwan ka ng message o note para hindi kame magalala sayo. Bakas ang pagaalaa pa ring sabi niya.
I understand. Pasensya na at pinagalala ko kayong dalawa. Paumanhin ko sa kanila.
Wala namang kaso saamin kapag aalis ka ate, ang saamin lang ni kuya Simon is dapat alam namin kase hindi namin maiiwasang hindi magalala sayo. Sabi naman ni Elise.
I know that. I just thought na saglit lang naman ako kaya hindi ko na naisip na magpaalam o magiwan ng message o note sainyo. Paliwanag ko ulit.
Everything is fine now. Just make sure next time, you will let us know. Sabi ni Simon kaya tumango at ngumiti ako sa kaniya.

Kumain kame ng almusal pagkatapos at dumating na din yung doctor ni Elise para sa last check up sa kaniya and dumating din yung mga pulis para kuhanan ng statement si Elise. Si Simon na din ang nagpresenta na magayos ng discharge papers ni Elise kaya hinayaan ko na. Bandang hapon ay na discharge na rin si Elise. Si Simon ang naghatid saamin sa bahay at nag stay siya hanggang dinner. Kailangan na din kase niyang umuwi since hinahanap na din siya sa bahay nila. Maagang nagpahinga si Elise kaya naisipan ko munang tignan kung may mga importanteng messages o emails ako.

Unknown

Don't you dare tell anyone about the message you are receiving or something related to it or else, your sisters life is going to be in danger again 😏

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Girl With An Extra Ordinary Gift ( A Simon Marcos Fanfiction Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon