Simula

21.6K 361 91
                                        

SIMULA


"Polka, hurry up!"

Boses iyon ni Lola.

Lumabas ako ng kwarto. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan. Hindi ko makita gaano ang hagdan dahil sa may kalabuang mga mata. Natanggal pa ang flats ko paghakbang. Muntik na akong matapilok. Madulas kasi dahil alaga sa lampaso ang hagdang gawa sa nara. Pinulot ko ang kaliwang pares ng sapatos ko at sinuot.

"You're going to church?" ani Daddy habang nasa tainga ang telepono. Kararating lang yata sa kung saan man siya galing.

"Yes, Dad." I kissed his cheek bago patakbong humabol. "Bye po."

Nasa loob na ng sasakyan si Lola kasama ang dalawang katulong. Lola shook her head nang makaupo ako sa tabi niya. Sinara na ng driver ang pinto ng SUV. Lumipat siya sa kabila para sa driver's seat. Pinausad niya na ang kotse. Saka pa lang ako nakapagsuklay ng buhok. Basang-basa pa at tumutulo ang buhok ko kaya nabasa na ang bahaging likod at balikat ng suot ko.

"Huwag kang matutulog ro'n. Hands off your phone," paalala ni Lola mula pa kaninang umalis kami ng bahay.

Nagtawanan sila sa likod. Nagdilat naman ako ng mga mata. Inaantok pa talaga ako. Alas dos na ako natulog kanina. I was binge watching a newly completed series nang bias kong korean actor. Mabuti na lang masaya ang ending kung hindi lalong mugto ang mga mata ko ngayon sa pag-iyak. Hindi ko naman alam na puwersahan akong isasama ni Lola ngayon.

Kalahating oras ang byahe mula sa bahay hanggang sa simbahan. Nag-park ang sasakyan namin. Umupo ako ng maayos. I fixed the hem of my beige dress. I combed my hair hastily with my fingers. Sumulyap ako sa labas ng tinted na bintana. Marami ng ibang sasakyan ang naka-park.

Binuksan ng driver ang pinto. Agad nitong inalalayan si Lola para bumaba. Tumulong naman si Ate Gemma. Si Ate Donna ang nagdala ng bag, pamaypay at tungkod ni Lola. Mahina na ang kilos niya kaya palagi dapat may nakaalalay. Ayaw naman niyang gumamit ng wheelchair.

Huli akong bumaba ng sasakyan. Tumitig ako sa simbahang gawa sa ladrilyo. Natural ang kulay nito na parang pinaghalong kalawang at lupa. May malalaking paarkong bintana na gawa sa salamin na hindi naman bukas dahil aircon ang loob.

Nilingon ako ni Lola kaya agad akong humabol at tumabi sa kanya.

"Did you bring your Bible?"

Napangiwi ako at napatingin sa maliit kong sling bag. Sa pagmamadali ko nakalimutan kong dalhin.

"Meron naman po sa loob, La."

She just blew a deep breath in disappointment. Akala ko papangaralan pa ako.

Sa bukana ay naroon na ang mga ushers at usherettes, composed of the youth members. Nakangiti nila kaming binati at kinamayan. Halos dumikit ako kay Lola. Nakatayo rin si Pastor Mark at dalawang elders sa likurang bahagi. Kaya kailangan kong bumati. At malamang na kakausapin din sila ni Lola. Nahihiya akong nagmano sa kanila. Hindi kasi ako palaging nagsisimba o uma-attend sa church activities kahit na madalas iniimbitahan.

"Kumusta, Polka?"

"Okay naman po, Pastor." Ang liit ng boses ko.

"Mabuti at nandito ka."

Hilaw akong ngumiti at gusto nang pumunta sa pews para makaupo na. Si Lola kausap pa ang elders. Mabuti na lang nakita ko si Rhea kaya nag-excuse ako para lapitan siya. Siya lang ang kaibigan kong malapit sa church. But unlike me, lagi siyang present tuwing linggo at lagi ring nagpa-participate sa church activities.

"Natapos ko na!" masaya kong balita. Alam niya kasing nanuod ako buong gabi. Umupo ako sa tabi niya.

Sumimangot siya. Nakagat ko na lang ang labi ko at ngumisi. Sinabihan niya pa ako kagabi na huwag magpuyat dahil nga linggo at araw para magsimba.

As Cold as the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon