Chapter 3

6K 210 37
                                    

Chapters 3
"Gitna"


Unti-unti akong napanguso habang inililibot ang mga mata sa buong silid. Then I released a deep breath. I suddenly missed the plain white walls of my room, my wood window frame, my waxed floor, my huge TV and surround speakers at lahat-lahat ng naroon.

Sa mga ganitong pagkakataon it's easy to find something to do habang naghihintay na antukin. Pero ngayon, I sat on the edge of the bed while a pillow was on my lap. Nakatukod ang mga siko ko sa unan habang salo ng dalawang palad ko ang mukha ko. Pwede naman akong mag social media or grab my laptop and watch something. Pero wala akong gana.

Maganda at elegante ang kwarto. Tita Dennis is very thoughtful. She prepared the whole room well. There's even a designated study area na may computer at study tools gaya na lang ng sets of highlighters, pens and note pads, lahat-lahat na. Pero hindi ko naman magagamit lahat 'yon. I don't like making notes and studying. Hindi rin ako palabasa.

I have been so sure of my decision to come here, pero may pagkakataon talagang mapapaisip ka. Una na roon dahil sa lungkot.

Kanina, habang kausap si Lola sa telepono, I can't help but think na baka nagpadalos dalos lang ako. Tinanong niya kasi ako if I am comfortable here. Parang kapag sinabi kong nagbago na pala ang isip ko at gusto ko ng umuwi sa'min, hindi naman siya magagalit. She would even be glad about it. Ipapasundo pa ako.

Tumayo na ako nang wala talagang antok na maramdaman. I tried looking outside the window, na madalas kong gawin, but seeing a different view made me sad.

Out of the blue, I thought of going out. Lumabas nga ako. The hallway is lit by dim lights. Hawak hawak ko ang cellphone ko. Hindi naman siguro masamang tumingin-tingin. Hindi naman ako magnanakaw. At nasa mga silid naman na ang mga tao ngayon, maliban na lang sa mga guard na naka-duty.

Maingat pa rin ang bawat hakbang ko. I don't know where exactly I am going. Pero marami namang mapupuntahan sa laki ng mansyon na 'to.

While trying to figure out where exactly I am heading, I can hear faint sound of the piano. May tumutugtog! My curiosity was immediately triggered. Pinakinggan kung mabuti saan banda. Sinubukan kong tuntunin. Sa palagay ko may music room sila or a similar area. Tumutugtog din kasi si Chiz. He plays the violin. At siguradong si Pepper din. Hindi ko lang alam anong instrumento.

Nagbakasakali ako at tinahak ang mahabang pasilyo. I wasn't even crept out sa sobrang tahimik nito.

Sa tagal kong naghanap, inabot na ako nang pagtatapos ng tugtog. And worse, I can't figure out which way I am already.

"Who's there?"

Napaigtad ako, my shoulder stiffening sa pagkakarinig sa boses ni Ham. Nalito ako kung magpapakita ba. Hindi ko rin siya makita dahil nasa madilim na bahagi siya. I tensed even more. I think my anxiety just kicked in.

Napalunok ako at pinandigan ang pananahimik. I was holding my breath. Nakinig akong mabuti para marinig ang kilos niya. Hindi na muli siya nagsalita.

Nagpapaantok ako, pero parang mauuwi lang sa pagpupuyat dahil dito. If only Ham's a little bit friendlier, hindi naman gaya ni Chiz na halos parang flirt na. Ang hirap niyang lapitan. Ang hirap niyang kausapin.

When I am finally convinced na wala na si Ham, magaan kong hinakbang ang paa. I was looking left and right just to make sure na mag-isa na nga ulit ako rito. Wala naman akong intensyong masama, pero heto, daig ko pa ang may krimeng ginawa sa pag-iingat. Ang bilis na ng tahip ng puso ko.

Napatili ako nang may humablot sa akin. Mabilis na natakpan ng palad ang bibig ko. My screams turned to muffles. Iyong puso ko kumakawala sa gulat at kaba.

As Cold as the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon