Chapter 12

8.5K 275 80
                                        

Chapter 12
"Portrait"

I stared at the mirror, then my gaze shifted on my white, soft and comfortable brassiere on my hand. It's non-wire and has thinner foam. I have the same types of bra I wear every day. Napasimangot ako.

When I thought of something after a while, I got my phone and dialed Mommy's number immediately. Sa pangalawang tawag na siya sumagot.

"Polka, it's past twelve," she said in a drowsy and annoyed tone. "Why are you still awake? You don't really listen to your doctor."

Napangiwi ako at huli na nang matanto iyon. Maling oras na nga ang pagtawag ko nalaman pang gising pa ako sa ganitong oras.

"What is it?" ani Mommy na alam na agad na may hihingin ako.

"I'm sorry, Mommy, I wake you up." May narinig akong ibang boses sa kabilang linya. "May kasama po kayo?"

"Your Tita Antonette is here with me. Ano na ang kailangan mo so you can go to sleep now."

"Ah, My, can you buy me new bras?"

"What? You have new ones at marami naman iyan."

"Gusto ko po kasi ng iba. Iyon po sanang may wire and push up na klase po. Then medyo makapal po sana ang foam. Please, My."

Naghikab siya. "I thought you don't want those types?"

Ayaw ko naman talaga ng gano'n. Dati iyon. It's very uncomfortable at masakit sa ibaba ng dibdib ang wire.

"Gusto ko na po no'n... ngayon."

"Fine. Fine," she dismissed instantly. "I will have it delivered if I have time para asikasuhin iyan."

"Thank you, Mommy. Can you have it this week po?"

"Alright. Go to bed already."

Malawak ang ngiti ko.

Natulog na nga ako. Hindi na agad ako makapaghintay na dumating ang mga iyon.

Bihis na ako at handa ng bumaba. Pero nakatayo pa ako sa harap ng salamin. Oo, iyong sinabi ni Ham pa rin ang nasa isip ko kahit nag-umaga na. Napahawak ako sa dibdib ko. May umbok naman pero hindi halata sa blouse ko. Parang wala. Magpagawa kaya ulit ko ng bagong uniform? Iyong mas masikip konti sa bandang dibdib?

I shook my head. I groaned and left the mirror. Dinampot ko na ang bag ko at sinukbit sa likod. Matamlay ako lumabas ng kwarto. Mabagal din ang paglalakad ko.

Natanaw ko sa unahan bago ang grandstaircase si Ham kaya binilisan ko ang hakbang.

"Ham, may activity kayo?" sabi ko nang mapunang hindi siya naka uniform.

Nagtagal ang titig ko sa kanya. He is wearing a suit. Itim ang coat at pants niya. Puti ang dress shirt sa loob ng coat at navy blue naman ang necktie niya. He's hair is neatly combed. Seryoso at malalim ang kanyang mga tingin. You can mistaken him as a mature businessman.

He raised his brow.

"Naka suit ka kasi."

"I'm attending a meeting."

I walked beside him. Hindi ko matanggal ang tingin sa kanya.

"A-absent ka?"

Of course! Bakit ko pa kailangan itanong iyon.

As Cold as the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon