Chapter 17

6K 219 49
                                    

Chapter 17
"Parameter"


Sa isang katamtamang laking kahon, naroon ang iilang bagay na may kinalaman kay Ham na dinala ko pa rito sa Manila. Sumimangot ako nang hindi ko man lang magawang gamitin ang hawak na gunting para pagpirapirasuhin ang mga photocards na pinagawa ko pa. I also have some photos of Him, had them developed.

Dinampot ko ang pinakamalaking litrato niya. Naalala ko pa kung paano ako nagkaroon nito. Patago ko itong kinuhanan sa mga frames sa kanilang ancestral house nang mayroong party sa kanila. Ang totoo, lahat naman ng kuha ko sa kanya ay kuha sa kung saan.

Tinangka kong punitin pero hindi ko maituloy. Dama ko ang panghihinayang. He looks so fine in this picture. Nakasuot siya ng barong. Gaya ng palaging porma, maayos at malinis ang pagkakagupit ng kanyang buhok. Seryoso ang mga mata niya at blanko ang ekspresyon.

I rolled my eyes. Kahit sa litrato ramdam mong masungit at suplado. Hindi siya puwedeng kumandidato. Walang boboto sa kanya. Mmm... pero baka meron din iilan dahil may itsura siya.

Bumuntonghininga ako nang wala talagang lakas para punitin 'yon. I put it down, kinuha ko naman ang keychain. Ito iyong nakita niyang nakasabit sa pitaka kong nahulog sa simbahan. Mali ang paraan ng pagkuha ko nito, pero hindi naman ako nagsisisi. Sa school library kasi may kopya ng mga yearbook. Kaya naman nang mahanap ko siya sa mga pahina, maingat kong pinilas ang picture niya. I had it resize nang kakasya sa acrylic frame saka ginawang pansabit sa pitaka.

Sumimangot ako nang tumagal ang titig ko roon. He looks so cute here. Pero matalas naman pala ang dila. Kinuyom ko at may gigil na piniga. Bakit ko pa ba siya pinupuri? Kapag pangit ugali, pangit narin physically.

Nanghihinayang talaga akong itapon ang mga ito. It's like my whole life memory. Ham is my capsulated childhood and teenage. Soon... soon... I will be over him as I grow older and leave this phase behind.

I stood up para kumuha ng sharpie sa desk. Bumalik din ako agad sa dating puwesto. Kinuha ko ang malaking picture niya. I smirked while drawing fangs and horn sa litrato. 'Yan, ganyan ang bagay sa'yo.

I felt so satisfied. Napaismid din nang hindi man lang iyon nakakabawas sa kakisigan niya. Kung ganito ang demonyo, marami talagang mauuto.

In the middle of that mini revenge may kumatok naman sa pinto. I was rattled.

"Polka, this is Tita Dennis. Can I come in?"

Nag-panic ako at hindi makakilos para itabi ang kahon. It's like my heart's about to jump off my chest sa pagkakatarantang ipasok ang kahon sa ilalim ng kama.

"Y-Yes, Tita."

I swallowed sharply. Napatayo ako ng tuwid sa pagbukas ng pinto.

Tita smiled at me.

"Are you alright?"

"Uh, opo."

Dahan dahan kong kinalma ang sarili. Palagay ko kaya ako kinakausap ni Tita dahil hindi ako sumabay sa kanilang kumain buong araw. Hindi rin ako lumalabas ng kuwarto magmula kagabi.

"Do you feel sick?" may concern sa malambot niyang titig. "May dinaramdam ka ba?"

Ngumiti ako at umiling. "Wala naman po."

She nodded lightly. She looked around the room a bit.

"You can always talk to me about anything, Polka. You're no stranger to me and this family. You can consider me as your mom, too."

May kirot sa puso ko dala ng saya. I felt something warm caressing my heart. I can feel sincerity in Tita's words. Most of my life, my mother's away from home. I rarely see her and barely talk to her. Kapag kasi umuuwi siya iniisip ko ring kailangan niyang magpahinga. At hindi rin naman siya nagtatagal, umaalis din agad.

As Cold as the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon