Chapter 32

7.5K 272 88
                                    

Chapter 32
"Cunning"

"Lola, lalabas po ako." I interrupted her quiet hour.

"Sa'n ka pupunta?"

"Poblacion po, gagala lang."

Kumunot ang noo niya pero pumayag din naman. I left her room and hurried to leave. Pinuntahan ko sa may dirty kitchen si Kuya Pit na driver namin para magpahatid.

Binuksan ko ang pinto ng Pajero at sumakay na. Sinusubukan ko pang tawagan si Carmi. Hindi sumasagot. Hinintay ko lang kanina na kusang mag-end ang tawag ni Ham. Hindi na ulit siya tumawag. Wala ring message. Ngayong araw kasi ang performance niya iyong kasama si Marthiela. Baka abala na siya. Hindi naman ako makakanuod.

"Polka, sa'n kita ihahatid?"

"Double M po, Kuya."

Tumango siya at pinausad na ang kotse palabas ng gate.

Apparently, Carmi is unreachable. She's not picking up my call. Naka-ilang message na rin ako pero hindi siya nagri-reply. Binuksan ko ang pinto.

"Thank you po."

"Hihintayin ba kita?"

"Hindi na po."

"O, sige."

Bumaba na ako ng sasakyan. Inayos ko pa ang suot kong peplum top bago pumunta sa entrance. The guard opened the door for me at binati ako. I smiled and greeted him back.

Katapat ng mismong entrance ang couch ng lounge at naroon nga si Millard prenteng nakaupo. Nakahalukipkip pa. Nakataas ang suot niyang Ray Ban.

"What are you doing here?" Pinandilatan ko siya ng mga pagkalapit ko.

Tumayo siya at mabilis akong inakbayan.

"Magbabayad ako ng utang sa'yo."

Siniko ko ang tiyan niya at lumayo sa kanya. He chuckled and tried to reach me again.

"Magbabayad lang ng utang susunod ka pa rito?"

"So where should we go?" aniya.

"I-I don't know with you." Isa pa ang hirap kayang gumala na walang dalang kotse!

He stared at my face kaya nailang ako.

"Pumunta punta ka pa rito wala ka naman palang plano."

"Hmm..."

"Pa'no 'yan? At isa pa, ayaw kong mag-commute nakakapagod at mainit pa."

"Arte, ah."

"Hindi rin ako sanay at hindi ako pinapa-commute masyado." Totoo naman 'yon. Walang taxi rito. Motorela ang main transportation at sa medyo liblib naman habal-habal na o jeep.

"Don't worry, I rented a car... Wait." Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng cargo shorts niya. "Oh, andito na pala."

Napailing na lang ako. Lumabas kami at may itim na Vios na kaka-park pa lang. Lumabas ang driver. Nilapitan namin.

"Millard Castroverde?" pagkokompirma no'ng nagdala ng sasakyan.

"Yup. That's me."

They shook hands. Nasa tabi naman ako at nakikinig lang sa usapan nila. Pagkatapos nilang mag-usap binigay na kay Millard ang susi. Binuksan niya ang passenger seat at pinapasok ako bago siya umikot para pumasok sa kabila.

"Mag-lake apo na lang tayo," sabi ko habang kinakabit sa'kin ang seatbelt.

"Alam mo ba ang direksyon?"

As Cold as the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon