Chapter 14
"Sampung Milyon"
"Tama ba 'to?" paninigurado ko habang nilalagay ang mga na print nang documents sa nakahandang folders na may label naman.
"Yeah."
Kaming dalawa lang ni Fatima rito sa office ng org. Abala raw kasi ang ibang officers. At kailangan na kailangan ng i-submit 'tong requirements bukas ng umaga para sa accreditation ng org.
"Dapat trabaho 'to ng secretary, eh. Naghihingalo na talaga ang org na ito."
Hindi na lang ako nagkomento dahil mukhang sa sarili niya lang sinabi iyon.
Konti lang kami sa org no'ng nagkaroon ng meeting. Iyon ang una naming assembly at hindi na nasundan. Unlike sa ibang org marami na agad activities na naka line up. I don't really mind. Hindi rin kasi ako mahilig sa maraming ginagawa. I can't keep up.
"Thank you very much, Polka," sabi ni Fatima nang matapos na kami.
"You're welcome. Tawagin mo lang ulit ako kung kailangan mo ng tulong at kaya ko naman."
She gladly nodded. "Why don't we grab a snack or light dinner na lang kaya? Treat ko na bilang thank you."
Pwede naman...
Si Ham!
Naghanap ako ng orasan. Magtatatlong oras na pala ako rito. Hindi ko na namalayan ang oras. May pinag-uusapan din kasi kami.
"Kailangan ko na palang umalis. Fatima, sa susunod na lang, ha."
"Sigurado ka?"
"Oo."
We unplugged everything at pinatay na ang mga ilaw. Sinigurado naming wala ng nakasaksak bago lumabas ng office. Fatima locked the door.
"May sundo ka ba? I can give you a ride," alok niya.
"Meron, uhm, una na ako, Fatima."
"Oh, take care."
Kinawayan ko siya at malalaki na ang hakbang. Kalaunan, may kasama nang takbo ang ginagawa ko. Sa tagal ko baka umuwi na si Ham.
I was catching my breath nang makarating sa parking. My gaze roams around. Hinahanap ko ang kotse. Mawawalan na sana ako ng pag-asa, nang makita kong lumabas si Ham sa kabilang side. Nasa loob ng bulsa niya ang dalawa niyang kamay. Mataman siyang nakatitig sa'kin.
"Akala ko iniwan mo na ako," masaya kong sabi at agad na tumabi sa kanya.
"Si Chiz?"
"Nauna na."
"Oh? Ba't andito ka pa?"
He glared at me. Binuksan niya na ang pinto. Pumasok naman agad ako. I sat down and was smiling brightly habang hinihintay siya maupo na rin sa tabi ko.
"Si Manong?"
"He went to the comfort room."
I placed my bag on my lap. Nangingiti rin dahil hinintay niya ako kahit natagalan ako.
"What's on your face?"
My eyes turned to him dahil sa tanong niya. Bahagyang kumunot ang noo niya sa pagtitig sa akin. Napahawak tuloy ako sa mukha ko, sobrang na-conscious sa titig niya.
May inabot siya sa dashboard. Iyong kahon ng wet wipes. Nilapag niya sa espasyo sa pagitan namin.
"Wipe that off."
Mabilis kong binuhay ang cellphone para makita ang itsura sa camera. Hindi ko man lang natingnan ang ayos ko bago umalis sa office. Siguradong ang dungisdungis ko. Nadumihan pa ako.
BINABASA MO ANG
As Cold as the Night
Ficción GeneralHam Montalba has always been so high gaya ng buwan sa gabing madilim at malamig-magandang pangarapin pero mahirap abutin. Polka is very much aware of that. Kaya gaano man katindi ang nararamdamang pagkagusto, tanggap niyang ang mapansin nito, and mu...
