Chapter 4
"Chance""Wala po ba akong maitutulong?" nalilito kong tanong habang pinagmamasdan sila Ham na mag-set up.
"Let the boys do the job, Polka," ani Tita Dennis.
The campsite's ambiance is quite familiar. It made me think of the hometown I just left. Napapalibutan ng mga puno ang lugar. Masusulyap din ang mga bundok sa unahan. Malayo pa mula rito. Kung pakikinggang mabuti, maririnig ang agos ng tubig. May ilog o batis daw dito sa malapit.
Tumingala ako. Maganda naman ang panahon. Hindi siguro uulan ngayon at sana pati bukas.
Nang matapos ayusin ang malaking tent, ang tutulugang mga tent naman ang pinagkaabalahan nila. Lumapit na ako.
"Iyong akin?" I asked. Si Chiz ang tinanong ko.
"Hawak ni Kuya."
Kaya lumipat ako sa tabi ni Ham. "Iyan daw 'yong akin," mahina kong sabi.
Binigay niya sa akin nang walang salita. Kumuha siya ng panibagong tent. Mukhang kanya-kanya sila ni Chiz. Si Mr. Montalba kasi ang nag-aayos ng sa kanila, si Pepper naman ang nag-aabot ng mga parts. Samantala, inaayos ni Tita Dennis ang mga lulutuin.
I opened the bag and brought out the parts, laying them down on the ground. Nalilito pa ako saan 'to ipupwesto. Hindi ko pa nasubukang mag-ayos ng tent ng ako lang. Taga nuod at taga abot lang din ako kapag may camping. Kaya naman siguro 'to.
Sa dami ng parts at hindi naman talaga alam paano sisimulan, nakatayo lang ako at hindi malaman ano ang dadamputin. Uunahin ko bang ibaon iyong mga pole? Pagtingin ko kina Ham, ang bilis nila. Patapos na sila. Hindi ko nasundan.
I stared at the unassembled tent, na parang may mahika ang mga mata kong buoin iyon sa pagtitig lang.
Huminga ako ng malalim. Makikiusap na lang sana ako kay Chiz na tulungan ako, pero nagulat na lang ako nang lumapit si Ham.
"Let me do it."
Napangiti ako pero nang malamig niya akong titigan kinagat ko na lang ang labi. Sinupil ko ang ngiti at tumikhim.
"Are you just gonna stand there?"
"S-Sorry. A-Ano bang dapat unahin?"
"Hand me that," tinuro niya iyong para sa ground.
Kinuha ko na. Inabot ko sa kanya ang dulo. Ni-lay namin sa ground. Tapos iyong pinaka katawan na ng tent. Seryoso siyang nag-aayos. He is quick. Iniisip ko na agad na ikukwento ko 'to kay Carmi pagbalik namin. Wala kasing data connection dito.
"The pole."
"Alin?"
Umigting ang panga niya. "Pole."
Dinampot ko lahat at binigyan siya ng isa. Tumayo ako sa tabi niya. Sumusunod ako sa paglipat niya ng angulo. Nilalahad niya lang ang palad niya. Binibigay ko naman agad.
Ganitong klaseng date kaya ang gusto ni Ham? Mukha kasing hindi siya mahilig sa mga mall o sa kahit saan na maraming tao.
Tinaasan niya ako ng kilay nang nasa tabi niya pa rin ako kahit tapos na niyang ikabit lahat ng pole. I smiled and ran to get the remaining parts.
Natapos na kami. Inilagay ko na sa loob ang bag ko.
"Um, t-thank you, Ham."
Tinapunan niya lang ako ng tingin at iniwan na. Kahit gano'n lang natuwa na ako.
Ilang sandali pa nga ay madilim na. Gabi na. It's fascinating how something shifts gradually. There's a transition. Mula sa pagiging matingkad na kahel ng kalangitan, namumuo ang abong kulay, at dahan-dahang nagiging itim iyon. Kumakalat hanggang sa tuluyang dumilim. You wouldn't even notice it changes smoothly. May eksplenasyon ang siyensya roon, we must have discussed it in class, pero hindi ko na tanda pa. Ang sigurado ko lang ay may kinalaman doon ang araw. Sa pagtaas at pagbaba nito, may hatid itong pagbabago sa kalangitang tinitingala natin.
BINABASA MO ANG
As Cold as the Night
Fiksi UmumHam Montalba has always been so high gaya ng buwan sa gabing madilim at malamig. Magandang pangarapin pero mahirap abutin. Polka is very much aware of that. Kaya gaano man katindi ang nararamdamang pagkagusto, tanggap niyang ang mapansin nito, and m...