Chapter 25
"Call""Why are you wearing a hat?" nagtatakang tanong ni Eunnie pagkaupo ko sa seat ko.
Nagsuot ako ng baseball cap para hindi mahalata ang maikli kong bangs. Iyon lang ang meron ako. Binaba ko ng husto ang visor. Nahihiya akong pagtinginan ng mga nakakasalubong.
"Polka, hindi mo pa 'yan tatanggalin?" ani Angel na nilingon ako mula sa upuan niya.
"Maya na kapag nagsimula na ang klase."
"What's wrong with you?" natatawang sabi ni Eunnie.
"Mainit kasi kanina pagbaba ng sasakyan." Napahawak ako sa batok ko.
I settled in my seat. Tumayo si Angel. Bago ko pa masalag ang kamay niya natanggal niya na ang cap ko. Napangiwi na lang ako.
"Oh, kaninong character mo naman ginaya ang bangs na 'yan?" Tumatakas ang tawa sa boses niya.
Pinagtinginan nila ako.
"That's kinda too short," komento ni Eunnie. "It looks fine on you, tho."
"Dumikit kasi 'yong hiningi kong slime sa'yo, Angel."
"Hala, kasalanan ko pa," pabirong sabi ni Angel.
Umiling ako.
"May solution naman to remove slime. You didn't have to cut your hair."
"Nag-panic kasi ako. Ang hirap alisin at nawalan na ako ng pasensya kaya ginupit ko na. Hindi ko nga lang napantay agad kaya umikli pa."
I tried clipping my bangs pero magulo kasing tingnan. Hindi bale, tutubo rin naman 'to. Meron din namang nagpapasadya ng ganitong bangs.
Normal na araw pa rin sa klase, parang kalma bago ang nalalapit na finals kung saan pasahan na ng mga requirements at pag-take ng exams.
Sinubukan kong iwasan si Millard nang uwian na, pero nakita niya pa rin ako. Naabutan niya ako. Pakalat kalat talaga siya sa campus.
Tumitig siya sa akin... sa noo ko. Nasa bag ko na 'yong baseball cap. Hindi ko na sinuot. Sinita kasi ako ng nakakitang faculty na suot suot ko 'yon.
His lips twitched. Kita ang pagpipigil niya ng ngisi. He cleared his throat and then licked his lower lip.
"Hindi bagay?" Inunahan ko na siya. Ngumuso ako. "H'wag mo na punahin."
He shook his head. Ngumiti siya. "Cute mo pa rin, eh."
"Pampalubag loob!"
"What? Ba't hindi ka niniwala?"
"Diyan ka na nga."
Binilisan ko na ang lakad. Nakikita ko na ang sasakyan sa parking spot nito.
"Bye, cute," pahabol niya.
I pulled the door open and hopped in. Binati ko si Manong. Umupo ako at inayos ang bag sa tabi.
"Hihintayin po ba natin si Ham?" tanong ko nang hindi pa kami umaandar.
"Oo."
I relaxed and scrolled videos on my phone while waiting for Ham. I plugged my powerbank dahil malapit ng ma-drain ang battery ng phone ko. Hindi na ako nagsuot ng earphones. Tama lang naman ang volume para kung sakali hindi maingayan si Manong.
Napatingin ako sa side nang bumukas ang pinto. Pumasok si Ham. Sinulyapan ko lang siya at balik na ulit sa pinapanuod. Nangingiti pa ako dahil sa bagong kalat na photos ni Diamond. Binalik niya na sa itim ang buhok niya.
Sumenyas si Manong. Si Ham ang sumagot. The car moved. Hininaan ko naman ang volume dahil nandito na ang hari ng katahimikan.
The video automatically paused sa pagpasok ng video call request ni Millard. Bakit tumatawag 'to? Hindi ko na sana papansinin, baka napindot lang, pero may message siya.
BINABASA MO ANG
As Cold as the Night
Aktuelle LiteraturHam Montalba has always been so high gaya ng buwan sa gabing madilim at malamig. Magandang pangarapin pero mahirap abutin. Polka is very much aware of that. Kaya gaano man katindi ang nararamdamang pagkagusto, tanggap niyang ang mapansin nito, and m...