Chapter 13

5.2K 202 17
                                    

Chapter 13
"Gusto"


May mali na yata sa'kin. Lahat ng nakakasalubong ko tinitingnan ko ang dibdib, ikinukumpara ko sa'kin. Ngumuso ako at itinaboy na ang iniisip na tungkol do'n.

Na-gi-guilty ako konti sa sinabi ko kay Ham. But when I thought na masyadong makapal ang confidence at napakataas ng self esteem ni Ham, ipinagkibit balikat ko na. Ang inaalala ko, eh, kung pa'no kapag napikon siya? Pwede niya akong isumbong at mapapauwi na nga ako sa'min. Pero nakakainis naman talaga siya!

Nagmukha lang akong katatawanan sa sinabi ko. As if he will believe it! Malamang na iniisip niyang nagpapapansin ako kaya ko sinabi 'yon.

Ugh! Bakit naman kasi gano'n siya pagkakagawa? He is not just a plain good looking! Hindi ko alam paano ipapaliwanag o ang tamang term, but his face is perfection! Tamang tama lahat ultimo pinakamaliit na detalye. Hindi ko nga lubusang maamin that he is way way good looking kesa sa mga hinahangaan kong celebrities.

Ham is the breathing proof na hindi patas ang mundo. How can he have it all? Pero kasi, anong aasahan mo, he comes from a well favored family. Si Tita Dennis at Mr. Montalba, lahat iisipin na itinakda sila ng langit para sa isa't isa. They're both exceptionally good looking. Nakakapagtaka naman kung hindi gano'n si Ham.

"Ano nga ulit 'yon?" sabi ko nang parang may sinasabi si Eunnie.

"I was saying that let's meet this Saturday. My treat."

"Ah, sige." Gusto ko ring lumabas. Dapat sigurong umiwas na muna ako kay Ham. Itago ko muna ang presensya ko sa kanya. Medyo mainit ako sa mga mata niya... Hmm... lagi naman pala.

Tahimik ang tatlo kayo tiningnan sila ni Eunnie para sa kanya kanyang sagot.

"Where do you usually go ba kapag namamasyal?"

"Sa Mall," ani KP.

"Sa Market Market, Vista Mall, MOA... Uhm, sa Grand Canal..."

Ngumiwi si Eunnie. Mukhang hindi niya gusto roon. Hindi ko rin gusto sa MOA dahil maraming tao at nakakapagod mag-ikot. Tapos sa Grand Canal naman boring. Ang mga mall ay halos pare parehas lang din naman. Nakakasawa at minsan pa nakaka-stress. Puwera na lang kung manunuod ng sine o may sadya talaga. Mas maganda pang pasyalan ang bahay nila Tita Dennis. But I can't tell them that.

"So what do you usually do there?"

Nagkamot ng batok niya si KP. Matagal bago nakasagot. Mukhang napapaisip pa. "Tumitingin-tingin..."

"Nagpi-picture," ani Angel.

"Hmm... We can watch a movie. May bago ba?" sabi ni Eunnie.

Iisa lang ang sagot nila.

"Hindi ako puwede. Sa susunod na lang."

"Ako rin. Sayang kasi kung a-absent ako."

"Hindi rin ako makakapunta."

Humalukipkip si Eunnie at ngumuso na lang. Then she turned to me. "Tayong dalawa na lang?"

"It's fine with me."

"Oh, sige. You better not take back your words."

Tumango ako. A little while, nagsitayo na kami para lumabas ng classroom.

We are walking sa hallway at makakasalubong namin sila Ham, Aris at Laviña! Sabay-sabay kaming tumabi at hindi pa nakontento huminto pa. It's like we all know we should not be walking along with them or even cross paths with the three of them. Bago lang ako, pero naiintindihan ko ang impluwensyang meron sila sa eskuwelahang ito, they hold the power. Walang muwang na lang ang hindi kuha iyon.

As Cold as the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon