Chapter 10

6.4K 206 78
                                    

Chapter 10
"Swim"

"How's your new school?" tanong ni Lola. Tumawag siya para mangamusta kaya hindi ako pwedeng magsabi ng hindi aayon sa kanya. She can still pull me out of the school at ibalik sa amin.

Dalawang linggo na ang nakakaraan nang magsimula ang pasukan. Mag-iisang buwan naman na akong nakatira sa mga Montalba. Ganoon kabilis ang pagpapalit ng araw at gabi. At sa mga araw na nagdaan, hindi ko naman masabi na ayos na ako at komportable talaga. Pero masaya naman ako... kahit paano.

"Maayos naman po."

"I hope you do better now in class. Improve your grades, Polka. Magka-college ka na."

Ngumuso ako. Hindi na lang sana ako magsasalita dahil ayaw kong mangako. Alam ko naman kasing hindi ko rin gagawin. Pero naghihintay si Lola.

"Opo."

"How are the Montalbas?"

"They're good po. They always make sure I am comfortable. Lalo na po si Tita Dennis, lagi niya po akong kinakamusta."

They're all good... maliban kay Ham. Sa tingin ko, wala pa akong nagagawang mali galit na siya sa akin. That's maybe because hindi niya ako gusto.

It still saddens me na ayaw niya sa'kin. Nakakalungkot na ang taong gustong gusto mo, eh ayaw sa'yo. Mababago ko pa kaya ang isip niya? May magagawa ba ako para mabago ang isip niya?

I don't know.

"Well, I made the right decision kahit paano."

I felt a great relief. Sa bawat tawag ni Lola, kasama na roon ang kaba na baka nagbago na ang isip niya at pauwiin na ako.

Makes me wonder, maiiba kaya ang mga pangyayari kung hindi ako sa mga Montalba nakatira? But I am pretty sure I can't get as close as this to Ham kung sa iba nga ako tumira. I am talking about the literal distance here. Kasi, kahit ang lapit lapit ko sa kanya malayo naman ang loob niya.

I sighed. Maybe, unknowingly, I got my hopes up so high. Nakalimutan ko that it's not every time you get lucky.

It's the weekend already. Sa lawak at laki ng mansyon ng mga Montalba, marami ka ng pwedeng puntahan at gawin. It's been a month pero hindi ko pa lahat napupuntahan dito. It's just so wide. Parang ang lugar na 'to inilagay na lahat lahat para wala ng hanapin pa or labasin pa.

Naglalakad na ako sa pasilyo nang matanaw si Ham sa unahan. May kasama siya. Napahinto ako. Hinintay ko sila hanggang makalapit.

Kumunot ang noo ng kaibigan ni Ham pagkatapos bumakas ang konting gulat. Nawala rin naman at nauwi sa ngisi.

Hilaw ang ngiti ko. Saka ko pa lang natanto na hindi na dapat ako huminto na parang sasalubungin pa sila ng pagbati. I don't even think Ham notices my presence every time. Pero pwede rin namang alam niya, iyon nga lang wala siyang pakialam.

"Oh, hindi ka man lang nagsasabi. Nagbabahay ka pala ng babae, Ham," ngisi ng kaibigan ni Ham. Halatang nanunuya.

Nagulat ako at mabilis na umiling. Inatake tuloy ako ng kaba. Kabado ako sa magiging reaksyon ni Ham.

"Stop grinning, Aris. You're looking more like a lapdog," Ham grinned, dodging his friend's banter. "Masyado mo ng isinasabuhay ang pagiging aso."

My eyes widened. Hindi ba magagalit ang kaibigan niya niyan? Does he really have a sharp tongue? Matalik naman silang magkaibigan 'di ba? Kaya ayos lang siguro.

"Shut the fuck up, fucker!"

His friend turned to me pagkatapos subukang suntukin si Ham pero nakaiwas naman. Siya rin iyong nakahuli sa aking nakikinig sa pag-uusap nila Ham at Marthiela noong nakaraan. May itsura at dating din siya. He is tall at halos parehas ang pangangatawan kay Ham. Mukha siyang suplado kapag seryoso ang tingin pero kung kumpara kay Ham mabait na siya.

As Cold as the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon