Chapter 9

5.1K 182 34
                                    

Chapter 9
"Confess"

I was biting my bottom lip as I tried very hard not to show a smile while staring at Ham's stolen photo. Huling kuha ko bago ako bumulusok sa tubig at naiwala itong cellphone ko.

He didn't delete it. Kahit isa, wala siyang binura sa mga kuha ko sa kanya.

My phone is in good condition. Gumagana itong mabuti. Wala namang depekto kahit konti sa functions nito. Maayos na nga ang screen nito na dati ay may iilang cracks sa screen dahil sa pagiging careless ko.

He didn't have to get it, pero binalikan niya pala? At inayos niya pa! Napasulyap ako sa itsura ko sa salamin. Hindi na nga naitago ang ngisi ko.

Siguro nahirapan siya. Malalim ang parteng 'yon at marami pang malalaki at matutulis na bato. Possible pang mapahamak siya. I was, for a while horrified, at the idea. Pero sigurado namang magaling lang talaga siyang lumangoy kaya niya binalikan at hinanap. Iyon ang pilit kong pangungumbinsi sa sarili ko, na ayos lang iyon.

Dahil sa pagsusoli niya sa cellphone ko, maganda ang disposition ko kinaumagahan. Masigla at nakangiti ko na siyang hinarap.

Nagkasabay kami sa mahabang pasilyo. Pinauna ko siyang maglakad habang ako nasa likuran niya, humahanga. Ang tikas ng galaw niya. Sa tangkad at tindig niya, nailalarawan ko na kung paano si Ham pagdating ng panahon. Haharap siya sa mga magagaling at tanyag na tao bilang isa sa pinaka mahusay na engineer at negosyante. Parang ang papa niya. His name will be remembered and recorded in history. Tiyak na lahat ng naisin at pangarapin niya makukuha ng walang kahirap hirap. He is gifted after all.

Tahimik ako ngumisi sa naiisip habang nakatalikod siya sa akin. Naiisip niya kaya kung gaano ka tindi ang epekto niya sa mga babae? At ano naman kaya ang palagay niya ro'n?

Mabilis ang pagtanggal ko nang ngiti sa pagtigil niya. He turned to me, eyes staring at me like its usual manner—walang pakealam.

"Where's the uniform I gave you?"

"Nasa bag ko."

He gave out his hand. Kinuha ko naman agad sa loob ng bag ko. Binigay ko sa kanya.

"Hindi pala ako nakapagsalamat. Thank you rito. At thank you rin dahil hinanap at inayos mo pa ang cellphone ko. Sobrang importante pa naman ng mga laman no'n. Kaya salamat talaga." I was so sincere and really, really grateful. Sana madama niya iyon. Kung may pwede lang sana akong ibigay sa kanya bilang token of appreciation. Pero nasa kanya naman na lahat.

"Like what? My photos?"

Namilog ang mga mata ko. Stoic pa rin naman ang itsura niya. Pero naroon ang konting sarcasm sa tono niya.

He continued walking. Ako, nahinto saglit. Did he go through my gallery? Lahat lahat ba nakita niya? Parang sasabog sa init ang pisngi ko nang matantong baka alam niya na buong laman ng cellphone ko.

"Here's your lunch, Polka." Tita handed me a cute lunch bag. "Dinamihan ko na in case you want to share with your new friends. I hope you enjoy it."

"Thank you, Tita." I was all smiles.

Sabay pa rin kaming hinatid ng parehong kotse. I let Ham get out of the car first. Ilang minuto pa bago ako sumunod. This is the least that I can do sa napakaraming bagay na ginawa niya para sa akin kahit ayaw niya sa akin.

As Cold as the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon