Chapter 27
"Boyfriend"
Should I apologize for how I acted and what I said to Ham? Pero siya naman kasi, eh.It has bothered me a lot. Buong linggo ko iyong inisip. Minasama ko iyong ginawa niya, tinutulungan niya na nga ako palagi.
"Uy, tara! Nuod tayong practice nila Ham at Marthiela," aya ni Angel.
Napalabi na lang ako. Nando'n sila sa auditorium.
Eunnie turned to me with a questioning look. Kaya itinago ko ang simangot at umayos.
"Ang galing galing nila," tuloy sa pagkukuwento si Angel habang papunta na nga kami roon. Hindi naman talaga open ang rehearsals nila pero puwede namang sumilip basta huwag manggugulo.
Oo, ang galing nila. Si Ham ang tumutugtog si Marthiela naman ang kumakanta ng isang classic song. Maganda ang boses ni Marthiela. Magaling din siyang mag-perform.
Sa pinakatuktok kami. Sa gilid, sa bandang mga kurtina, nagkukumpulan kami at nakikinuod.
"Ba't kaya hindi i-pursige ni Ham ang pagiging musician. Tiyak na ang dali dali niyang sumikat."
"Hindi puwede. Real Estate at Construction ang negosyo nila. Alangan unahin niya pa 'yan."
"Sabagay. Hobby na lang talaga."
Hindi na ako nakisali sa usapan nila. Nakatuon lang ang mga mata ko kay Ham. How can he play something so good and heart warming sa kabila ng pagiging cold niya?
"'Di ba, nagmo-move ka na?" panunukso sa'kin ni Angel. "Hulog na hulog pa, eh."
"Ang ganda kasi ng performance nila," sabi ko.
"Asus! Asus! Selos ka?"
"Hindi."
"Naku! Paganyan-ganyan si Ham na tahimik pero babaero 'yan panigurado."
"Hindi naman natin alam 'yan." Kinagat ko ang labi. I don't understand why I feel like I have to defend him.
"H'wag kayong maingay mapagalitan pa tayo," ani Berly.
Naka-dalawang ulit pa sila bago natapos ang practice. Lumabas na kami. Uuwi na rin kami. Didiretso na ako ng parking lot.
"Dito na ako," sabi ko sa kanila bago lumiko.
Kumaway kaway sila sa'kin.
I sighed. Nakakainggit silang tingnang dalawa. Lahat siguro ng manunuod mapapahanga nilang dalawa.
Nagulat pa ako nang magkapanabay lang kaming lumapit sa sasakyan ni Ham. I went in first. Sumunod siya, sa kabila siya pumasok.
Nakaupo lang kaming dalawa at walang kibo. Gano'n sa mga nakalipas na araw. Lagi akong nauunahan ng pagdadalawang isip. Natatakot din ako na hindi niya tanggapin ang sorry ko.
Nahihirapan ako na ganito kami. It's like I miss him. Hindi ko alam paano 'yon gayong sabay kami madalas sa kotse o hapag at nasa iisang bahay.
Does he even think about it? O wala na sa kanya 'yon dahil madalas naman siyang malamig at walang pakialam sa mga bagay bagay? Do I even cross his mind?
Nang sumunod na araw, break time at nasa canteen kami. Mula sa masayang usapan habang kumakain at umiinom, sabay sabay kaming napahinto sa paglapit ni Marthiela.
"Polka, can we talk?" Marthiela said softly.
Nabitawan ko ang sipsip na straw. Napatitig ako sa kanya. Una at huling pag-uusap namin dito sa Morris ay noong simula pa lang ng klase. Nagkakasalubong kami minsan, tanging simpleng tango at maliit na ngiti lang ang batian.
BINABASA MO ANG
As Cold as the Night
Fiksi UmumHam Montalba has always been so high gaya ng buwan sa gabing madilim at malamig. Magandang pangarapin pero mahirap abutin. Polka is very much aware of that. Kaya gaano man katindi ang nararamdamang pagkagusto, tanggap niyang ang mapansin nito, and m...