Chapter 15

5.7K 209 54
                                    

Chapter 15
"Cookies"


"Si Ham po?" tanong ko nang may magkasalubong na katulong. Kauuwi ko lang galing sa lakad namin ni Eunnie. Tapos na akong mag-dinner kaya sa kwarto na ang diretso.

"Nasa music room po yata, Ma'am, kung wala sa kuwarto niya."

I nodded. "Thank you po."

Sa halip na tumuloy na sa kuwarto, nagtungo na muna ako sa music room. It's quite big. Naroon ang malaking piano at iilang instrumentong gamit nila. All three of Montalba siblings play an instrument. Si Ham ay nakatuon sa pagtugtog ng piano, but he can play other instruments as well. I know Chiz plays violin, pero siya ang hindi gaanong tumutugtog sa kanila. Madalas na pampalipas oras lang siguro. And I have seen a few times Pepper play cielo sa tuwing may klase siya.

Hindi naman naka-lock ang pinto. I slowly pushed the door a little, tama lang sa'kin, so I can get inside without getting Ham's attention. Nakatalikod naman siya. I stand far from him. Kasalukuyan siyang tumutugtog.

Nakakamangha siyang panuorin kasabay ng pakikinig sa tinutugtog niya. Napaka kalmado ng tunog... parang siya. Pero malungkot ang tiyempo.

Kung gugustuhin niya siguro puwede siyang sumikat bilang magaling na pianist. Humilig ako sa katabi kong pader. Kaya kung manuod at makinig sa kanya rito buong araw.

I stand up straight nang huminto siya. Nakalingon na siya sa'kin kaya huli na para makapagtago. Wala rin naman akong mapagtataguan.

"You're becoming too comfortable just roaming around here," aniya.

"Sorry."

The side of his lip tugged a bit. "Do you mean it?"

Kumunot ang noo ko. I gave him a questioning look.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Tuluyan niyang tinalikuran ang piano. He crossed his arms on his chest and glued his stare at me. Hindi na naman ako makatingin sa kanya ng diretso.

"It's so easy for you to say sorry. You utter it like a slip of the tongue."

Kinukwestyon niya ang pag-so-sorry ko? May mali ba? I can't understand him.

"H-hindi kita maintindihan."

He smirked then shook his head. Tumayo na siya. Mula sa pagkakahalikipkip, he slid his hands on each side of his shorts.

"Don't just say a word out of habit. It becomes cheap and meaningless," he said coldheartedly. Nagsimula na siyang maglakad mukhang lalabas na siya.

Kaya gumalaw na rin ako. Hinintay ko siyang makalapit sa may pintuan.

"I won't be surprised if I see you in my room one of these days." He turned his head a bit towards me pagkahinto niya.

Namilog ang mga mata ko. "A-ano namang gagawin ko sa kuwarto mo?"

Nagkibit siya ng balikat.

"H-hindi ko nga alam sa'n ang kuwarto mo." Inunahan ko na siyang lumabas ng music room.

"Do you want me to take you to my room then?"

As Cold as the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon