Chapter 2
"Interest"From the airport diretso na kami ng Solaire. Mommy stays there ngayon na nasa Manila siya. After she settles things for me, she will be going to Dubai. Ihahatid niya ako sa mga Montalba the day after tomorrow.
"My, nakapunta ka na ba sa bahay nila Tita Dennis?"
"No," aniya habang nasa harap ng kanyang laptop at abala sa trabaho.
"'Di po ba nakapunta ka na po sa ilang parties nila?"
"They don't hold big parties in their lot, Polka."
Ngumuso ako at tumango-tango. I immediately understood. They can easily throw big parties sa napakaraming hotels and other venues dito.
Habang naghihintay na matapos si Mommy sa trabaho niya, para makababa na rin for our dinner, nanuod na lang muna ako ng random na palabas sa TV. Pwede naman akong lumabas at mamasyal sa buong resort, pero hindi ko kasi kaya na ako lang mag-isa. I am very dependent. Kaya napakalaking hakbang talaga ang ginawa kong pagpunta rito.
After an hour, we went to their International buffet. Maraming pagkaing mapagpipilian. Iyon ang malaking advantage sa malalaking restaurants that's only present in big cities. Pero hindi naman ako heavy eater, unless kung gutom na gutom at pagod. Masaya lang talaga sa mata ang maraming nakikitang pagkain. I put seafood and beef dish on my plate just enough for me. Konting kanin lang din. Kumuha na rin ako ng desserts, mas marami pa nga sa ulam.
"Polka, that's too much sugar," saway ni Mommy nang makita ang kinuha kong desserts.
"Just this once po." I smiled sheepishly.
Marahan siyang umiling. She cuts her beef. Sumubo na rin ako. Tinikman ko ang pudding. Nakatatlong tikim din ako bago ang ulam na ang kinain.
"You have to be very mindful in everything you do, Polka. There's no Ate Gemma to remind you and cater to your needs twenty-four-seven. I am sure you have your agreement with your Lola as well."
"Ngayon lang po."
Her shoulder drops a bit.
"Your enrollment is done. You have to thank Dennis for that."
"Yes, My."
"Your eyeglasses. Where is it?"
"Dala ko naman po." I am not comfortable wearing it. Hindi pa rin ako nasasanay kahit matagal na akong pinagawan. Ginagamit ko lang kapag sobrang labo na talaga ng paningin ko. Tuwing exam lang yata ako nagsusuot no'n. I was also encouraged to use contact lens kung nasasagabalan ako sa salamin, pero ayoko rin no'n.
"I'll schedule you with a new ophthalmologist. If only we could just have your eyes lasered."
Hindi pa kasi pwede. Ilang taon pa ang hihintayin. At sa tingin ko rin hindi magtatagal I will be forced to wear my eyeglasses regularly.
Kinabukasan, nagpunta kami ng mall to buy the stuff I need for school. Bumili na rin ng mga bagong damit at sapatos dahil konti lang ang laman ng maliit na maletang dinala ko. Huli naming pinuntahan ang Power Mac to purchase my laptop.
Pagbalik sa hotel, pagod na pagod na ako dahil sa buong araw na pag-iikot. Nagkapaltos pa ako sa paa. I am drained. Nakatulog agad ako kaya wala nang oras na mag-isip pa nang tungkol sa mga Montalba.
BINABASA MO ANG
As Cold as the Night
Ficción GeneralHam Montalba has always been so high gaya ng buwan sa gabing madilim at malamig. Magandang pangarapin pero mahirap abutin. Polka is very much aware of that. Kaya gaano man katindi ang nararamdamang pagkagusto, tanggap niyang ang mapansin nito, and m...