Chapter 7

7K 190 51
                                        

Chapter 7
"Uniform"

It's like Carmi's about to die from laughing so hard. Hindi matigil tigil ang tawa niya. Kinuwento ko ang nangyari sa araw na 'to. Lahat 'yon, including the part Ham coldly shut me up. Sa simula ng kuwento ay nakisimpatya pa siya at tila galit na nga. Pero kalaunan, siyang siya na siya sa pagkapahiya ko.

"Carmi," awat ko sa kanya nang nainis na.

"A'right. I am sorry."

Humalukipkip ako at ngumuso.

"Ham's rude," komento niya.

Maybe not. Maybe he just doesn't want to be with people he doesn't really know. Ayaw akong kausap ni Ham... at baka ayaw niya ring makita ako? So maybe he isn't rude after all.

"Seriously, Polka..." She sighed. Tumino siya. "Maybe it's high time you move on. Sinubukan mo naman na."

Sinubukan ko na nga ba? Ang lahat lahat? Sapat na ba iyong nagpunta ako rito at pumasok sa eskuwelahan niya? I even got a bit of luck na sa kanila pa ako nakatira.

Oo, he knows I have feelings for him. And that's because I am very obvious. Pero paano kung mali ang pagkakaintindi niya sa pagkakagusto ko sa kanya? Pwede bang ma-misinterpret ang feelings? Pwede kayang may ibang kahulugan?

Alam niya... Pero hindi ko pa naipapakilala ang sarili ko sa kanya. Hindi ko pa nasasabi ang nararamdaman ko sa kanya.

Nahulog ako sa malalim na pag-iisip hanggang naghapunan na kami at natapos. Ilang beses kong sinulyapan si Ham. But when I realized that I am so obvious at mapapansin ni Tita Dennis at ng iba ay pinigilan ko na ang sarili. I sensed too na alam ni Ham. I might piss him off again.

Makakaya ko kayang umamin sa kanya? Kaya ko bang magtapat ng hindi mali mali ang mga sasabihin? Pero bago ang lahat, hahayaan man lang ba niya akong makapagsalita at makikinig siya?

Napaka palpak at walang direksyon naman kasi ng plano ko.

"Good morning po," bati ko nang dumulog sa hapag the following day.

"What happened to your face?" Bahagyang nagulat na tanong ni Tita Dennis.

Napahawak ako sa pisngi ko. Nag-iwas ako ng tingin at umupo na sa palagi kong pwesto.

"Natamaan po kasi ako ng bola kahapon."

"Oh, dear."

"Masakit ba?" She's concerned and bothered now. "Do we have to call a doctor to check on you?"

Umiling ako. "Hindi na po. Hindi naman masakit talaga. Medyo maga lang po."

"Natingnan ka man lang ba sa clinic ng school?"

"Opo, Tita."

We both turned our heads nang makarinig ng yabag. Kapapasok lang ni Ham sa entrada ng dining. Agad akong tumingin sa pinggan nang sandaling masalo ang titig niya.

"Son, natulog ka man lang ba?" Nabaling ang atensyon ni Tita sa anak.

"Yeah."

Puyat si Ham? Bakit kaya?

"Does your head hurt? Kulang ka sa tulog."

"I'm fine, Ma."

Napasulyap ako kay Ham sa pag-upo niya. Tumuwid ako ng upo. Naglagay na ako ng kanin at ulam sa pinggan ko.

Hindi ko alam paano titingin sa kanya ng hindi nahahalata at nahuhuli. I think he is too quick to sense my movements anytime.

"Son, natamaan daw ng bola si Polka," sabi ni Tita mayamaya pa.

As Cold as the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon