Chapter 39

11.5K 294 62
                                        

Chapter 39
"Her"

I miss going to school. Ano ano na kaya ang ginagawa nila? Palagi naman nagmi-message sa'kin sila Eunnie, Angel, Berly at KP, and I am happy and thankful that they didn't forget me. Naiinggit ako sa mga ginagawa nila. I should have been there. I should have been with them. Malungkot din ako sa realisasyon na mapag-iiwanan ako.

"Dy?"

Nag-angat ng tingin si Daddy sa akin mula sa binabasang papeles. "Yes, darling?"

"Can I go to Manila? Kahit ilang araw lang po."

Naibaba niya ang binabasa at itinuon na sa'kin ang buong atensyon. Kumunot pa bahagya ang noo niya.

"Pupuntahan mo si Ham?" suspetya niya.

Oo, pero sila Eunnie ang uunahin ko. "I wanna see my friends there, Dy. I feel sad just staying here and do nothing all day."

"Well..." Nag-iisip siya.

"Two days and two nights? Please, Daddy?"

I heard him sigh.

I'm fine now. At hindi naman ako magtatagal doon. Gusto ko lang silang makita at makasama kahit saglit.

"Will you be fine?"

"Opo," masaya kong sagot.

He sighed again before nodding.

"Thank you, Dad!" I hugged him and could not contain my happiness.

So I packed up a few of my clothes pagkatapos makapagpaalam kay Lola at Mommy. Pumayag naman sila. Maybe they understand that I'm lonely here while waiting to go back to school. Lilipad ako ng Friday ng hapon. Uuwi naman ako ng Linggo ng tanghali. That should be fine. It's already good enough for me.

As much as my excitement is over the moon, hindi ko muna sinabi sa kanila. Saka na kapag nakalapag na ako ng Manila. Tutuparin ko lang iyong pangako ko sa kanila. Mag-o-Okada kami. Hindi pa raw nakakapasok do'n sila Angel, KP at Berly. Siyempre, sasama na rin si Eunnie. Dapat kasi no'ng summer break pero hindi natuloy.

"Susunduin kita. You can't travel alone," ani Ham nang sabihin ko ang pagpunta ko ng Manila. Naka-video call kami. May ginagawa pa nga siya. Nahagip ko kasi iyong ginuguhit niya sa malaking papel.

"Friday ang alis ko, may pasok ka pa no'n, besides ang bilis lang naman ng flight. Wala pang dalawang oras. Kaya 'wag na. Ihahatid naman ako ni Ate Gemma hanggang airport."

Kitang kita ang pagkunot ng noo niya. Mukhang nag-iisip pa siya.

"Sunduin mo na lang ako ng NAIA?" I batted my lashes and grinned cheekily.

"Alright," pagpayag niya.

"Thank you."

Nagkasya naman sa travel bag pack ang mga gamit na dadalhin ko. Umalis kami ng Valencia after ng lunch. Pagdating sa Laguindingan naghintay muna ako ng mga nasa kalahating oras. Bago mag-alas tres y trenta lumipad na ang eroplano. So we reached Manila around 5:00 in the afternoon.

I was smiling widely, hindi ko matandaan na ganito ako ka-excited na dumating ng Manila. Triple yata no'ng pagdating ko rito para pumasok ng Morris.

Agad na kinuha ni Ham ang nakasukbit na bag sa likod ko. Siya na ang nagdala while he led me to his car.

"Matagal ka bang naghintay sa'kin?" Huling message ko kasi sa kanya no'ng nasa loob na ako ng plane. Paalis na raw siya. Mukhang hindi niya tinapos ang klase niya sa hapon.

He shook his head. "Just right on time."

Nagkabit ako ng seatbelt habang inilalagay niya ang bag ko sa likod saka siya umupo sa driver's seat.

As Cold as the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon