Inaalay ko ang istoryang ito, siyempre higit sa lahat kay God, ang siyang tanging nakaiintindi sa akin. Para din ito sa lahat ng mga naging bayani ng ating bayan mula pa kina Lapu-lapu, sa mga Illustrado, sa mga miyembro ng Katipunan, hanggang sa 45 SAF na nagsakripisyo para sa bayan. Para din ito sa lahat ng mga manggagawa lalo sa mga unsung heroes tulad ng mga nars, sundalo, pulis, at mga guro na labis kong hinahangaan.
Gayundin inaalay ko ito sa mga taong nagsasakripisyo para sa kapakanan ng iba halimbawa nalang ay ang mga dakilang magulang at sa mga nagkakawanggawa para sa mga kapuspalad. Siyempre para rin ito sa lahat ng mga estudyanteng nagsisikap sa pag-aaral upang maging mabuting mamamayan at sa inyong mga wattpad readers and writers na tumatangkilik sa ganda ng pagsusulat.
Sana mapasaya kayo ng istoryang ito. Hindi lang ito puro katatakutan parang mas marami pa nga ang katatawanan at aksyon. Siyempre hindi rin dito mawawala ang kilig factor. Ipupublish ko muna ang Book 1. Tapos ko na rin ang Book 2 ineedit ko nalang at sinisigurado ang mga facts.
Pasensya na medyo baguhan palang ako sa adobe photoshop kaya medyo weird lang yung book cover.

BINABASA MO ANG
LAHI 101: Ang Baliw na Aswang sa Kapitbahay
VampirosMerong mga Aswang They exist but they don't live May mga masasama, mayroon ding mga mabubuti, may mga maaksyon, may mga madrama, may mga nakakatakot, may mga nalilito, may mga baliw, may mga nakakatawa, at may mga umiibig.