Masaya ang dalaga ng gumising dahil nakausap niya ang binata kagabi. Excited itong magkita sila muli kaya naghanda na ito ng susuotin para oky na mamayang hapon pag dating niya.
"Aba parang blooming ka ngayon iha ah..." wika ng matanda.
"Bakit ho ma'am?" taning nito.
"Kasi na mumula iyang mga pisngi mo at ang kislap ng mga mata mo ay buhay na buhay..." sagot ng matanda.
"Ikaw nga po ma'am ganun rin eh..." usal ng dalaga na may ngiti.
"Ah ako ba, masaya lang ako at niyaya ako ng anak ko kagabi na mag date, tapos nag thank you rin siya at niyakap ako, ewan doon sa bata na iyon parang nakakapanibago pero patang na inlove yata siya a na meet nito na girl..." wika ng matanda.
"Hmmm mabuti kung ganun ma'am at wala ka ng aalalahanin pa...." usal ng dalaga.
Masayang nagtrabaho si Maribel hanggang sa dumating ang hapon at nauna siyang mag paalam sa matanda.
"Aalis na ako ma'am mag-iingat ho kayo...." turan ng dalaga.
Pagdating ng bahay ay agad siyang naligo at inayos ang sarili. Naglagay ng kaunting make-up, jeans at blouse na pula tsaka nilugay ang kanyang buhok.
"Oky na siguro ito..." usal nito sa harap ng salamin.
Naligo na rin ang binata at nagsuot ng pantalon tapos ay polo at naglagay ng gel sa buhok, sinuklay ito at ngumiti.
"Oky na ito...." saad niya at bumaba na rin.
Sa A.venue mall ang usapan nila na magkita. naunang dumating ang binata sa loob ng Texas restaurant at doon naupo. Pagdating ng dalaga at nagtungo n rin siya doon.
Parang nag slow motion ang binata ng makita ang magandang babae na papasok sa loob at kulay pula ang suot.
'Ang ganda niya...' sa isip ni Enoch.
Nakita ni Maribel ang binata kaya lumapit na siya dito. Tumayo naman si Enoch upang ipag hila ito ng upuan.
"Kamusta kana?" tanung ng binata sa kanya.
Pagkatapos nila mag-order ay agad na kumain sila. Tahimik lang ang mga ito kaya binasag ito ni Enoch.
"Oky lang naman, ikaw?" tanung ng dalaga.
"Anu pala ang complete name mo?" tanung ulit ng lalaki.
"Maribel Saban, bakit?" tanung rin ng dalaga.
"Wala lang naman gusto ko lang malaman..." tugon niya.
Pagkatapos nila kumain ang naglakad-lakad muna ang mga ito doon, ikot-ikot lang habang nagmamasid-masid.
"Pwede ba kitang ihatid mamaya sa inyo?" bulontaryo ng binata.
"Huwag na dala ko naman ang sasakyan ko eh..." sagit ng dalaga.
Lupay-pay ang balikat ni Enoch. Naupo sila sa bench na dalawa, pinagmasdan naman ng binata ang mukha nito.
"May dumi ba ako sa mukha?" tanung ni Maribel.
Naiilang kasi siya dahil doon at ayaw niya ang ganung klaseng mga titig dahil para itong nakakatunaw.
"Wala naman gusto lang kitang pagmasdan..." usal ng binata.
Gumagabi na kaya nagpasya nalang sila na umuwi. Naghiwalay sila ng parehong may mga ngiti sa labi.
NEXT TIME AGAIN, THANK YOU FOR HAVING A DINNER WITH YOU!!!
Text ng binata kay Maribel, kinilig naman ang dalaga dahil doon.
"Ibig sabihin may kasunod pa pala ang dinner na iyon..." sambit niya.
Lumipas ang mga araw at laging nagkikita ang dalawa sa labas, nagkapalagayan na rin ang mga ito ng loob.
"Salamat sa paghatid mo sa akin ha, ingat ka sa pag-uwi mo..." wika ng dalaga.
"Oo naman basta para sa iyo walang problema, ingat ka rin palagi ha..." wika ng binata.
Bago umalis ay humalik muna ito sa pisngi ng dalaga pagkatapos ay pinaandar na ang sasakyan. Hatid tanaw lang ang ginawa ng dalaga.
"Sana hindi na ito matapos pa..." usal nito at pumasok.
Nakatulog si Maribel na masaya, alam niyang mag puwang ang binata sa kanyang puso pero hindi pa siya pwedeng magtapat dito.
"Good evening mom..." magiliw na turan ng binata.
"Good evening son, how is your date?" tanung ni Livia.
"It's good mom at balak ko ng magtapat ng pag-ibig sa kanya." tugon ng lalaki.
"Well that's good iho but before that can you manage the company for a while?" turan ng matanda.
"Bakit mom?" tanung ni Enoch.
"May bussiness trip lang ako sa Singapore iho, 3 days rin iyon..." tugon ng kanyang ina.
"Oh, hmmm but i don't know if i can mom, look i have my own company also..." saad ng lalaki.
"Don't worry iho, nakausap ko na ang secretary ko at tutulungan ka niya..." wika ng ginang.
Napa-isip ang binata pero wala siyang choice kung hindi tanggapin ito upang walang poproblemahin ang kanyang ina.
"Oky mom, kailan ang alis ninyo?" tanung nk Enoch.
"Oohh, thank you son, sa makalawa na..." saad ng donya.
Ibinilin ng donya ang lahat kay Maribel pati ang anak nito sa dalaga dahil siya ang mag-aassist dito.
"Salamat iha ha ikaw na ang bahala sa kanya..." wika ni Livia.
"Oky ma'am walang problema, ingat ho kayo sa byahe..." tugon ng dalaga.
Nakaalis na ang matanda upang magtungo sa airport. Nahihiwagaan man si Maribel sa anak ng kanyang amo pero naka oo na ito.
"Sana hindi ako bigyan ng sakit na ulo ng lalaki na iyon..." usal niya.
Kinabukasan ay maagang pumasok si Enoch sa kompanya ng ina, nais niya na walang maka kita sa kanyang pagpasok.
"Hintayin ko nalang ang secretary ni mommy at doon daw lahat ng mga kailangan ko..." bulong nito.
Pumasok rin si Maribel, naroroon na rin ang ibang nagtatrabaho. Naupo siya sa mesa niya at naghintay na dumating ang anak daw ng kanyang amo.
Sumapit ang alas otso pero wala pang dumarating kaya nakaramdam ng inis ang dalaga.
"Nasaan na kaya ang lalAki na iyon, malilintikan talaga siya sa akin, hindi porke't anak siya ni ma'am ay papalampasin ko na ang ginawa niya." nang gagalaiti na wika ni Maribel.
Maya-maya ay tumunog ang intercom at pinapapasok siya sa opisina kasama ng mga kailangan na papeles.
BINABASA MO ANG
IKAW ANG LAHAT SA AKIN By: Sexy Lady (B4: REALITY's DESIRE) (complete)
RandomTeaser Maganda, mabait, matalino at masipag. Simple man tingnan pero my itinatagong ganda na hindi napapansin ng iba, iyan si Maribel. Masunuring anak kaya malapit ang loob nila sa isa't isa ng ate niyang si Mary Rose. Mayaman, mayabang, gwapo pero...