CHAPTER 11:

4.9K 101 1
                                    

Natawa naman ang dalaga sa naging reaksyon ni Enoch. Para itong bata sa ganung ayos.

"Oi maupo ka nga at nakakahiya, pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh.." saway ng dalaga.

Tiningnan lang siya ng binata at ngumiti ito ng napaka tamis, napa nganga naman ang dalaga sa ngiti na iyon.

"Kayong lahat na naririto nais kung ipaalam sa inyo na ang babaeng nasa harap ko ngayon ay nobya ko na af gustong kong malaman ninyo na mahal na mahal na mahal ko siya..." wika ni Enoch.

Napayuko naman ang dalaga sa sobrang hiya pero may parte sa kanyang puso na tuwang-tuwa ito.

"Sweetheart oky ka lang?" tanung ng binata na nag-aalala.
Itinaas niya ang mukha ni Maribel at nakita nito ang pamumula ng kasintahan, napa ngiti ang binata.

"I love you more when you're blushing sweetheart..." wika ng binata.
Dinampian niya ng halik sa labi ang dalaga at nagpalakpakan naman ang mga naroroon.

"Uwi na tayo..." yaya ni Maribel sa binata.

"As you wish sweetheart..." sagot ni Enoch.

Binayaran ng binata ang kanilang bill at lumabas sila na magkahawak kamay, hindi na rin komuntra pa ang dalaga.

"Sweetheart, pasyal muna tayo sa seaside..." saad ng lalaki.

"Sige..." usal ng dalaga.

Nakarating sila sa tabing dagat at naghanap ng mauupuan. Nakakita sila ng isang malapad na bato at doon ay magkatabing umupo.

"Alam mo sweetheart ang saya-saya ko ngayon..." turan ng binata.

"Bakit naman?" tanung ni Maribel.

"Kasi naririto ka ngayon sa tabi ko, alam mo sweetheart unang kita ko palang sayo na inlove agad ako..." pag-aamin ni Enoch.

Natameme si Maribel, hindi ito makapaniwala sa narinig niya. Napuna naman agad ito ng binata.

"Something wrong sweetheart?" wika nito.

"Ah-ha wala naman may naiisip lang ako..." tugon ng babae.

"Anu naman ang iniisip mo?" saad ng binata.

"Ah, ang trabaho ko syempre.." palusot ni Maribel.

"Huwag kang mag-alala sweetheart lagi na tayong magkakasama..." naka ngiting usal ni Enoch.

Napatitig ang dalaga sa kanya kaya nagkatitigan sila, unti-unting inilapit ni Enoch ang mukha sa dalaga at dinampian ito ng halik sa labi.

"Ilove you sweetheart..." bulong ng binata.

"Ilove you too..." sagot ng babae.

Agad naman siyang niyakap ni Enoch at gumanti rin ito. Tumagal rin ito ng ilang minuto.

'Ang sarap sa pakiramdam kapag may yumayakap sa iyo ng ganito.' sa isip ni Maribel.

Mariing pumikit ang dalaga at dinama ang init ng yakap sa kanya ng lalaki at narinig niya ang tibok ng puso nilang dalawa.

'Magkasabay ang pintig nito at naglilikha ng kakaibing musika..' sa isip ng babae habang naka pikit.

Naramdaman rin ni Enoch ang pintig ng puso nila at napa ngiti siya dahil halos magkapareho ito.

'Ibig sabihin iisa lang kami ng nararamdaman...' sa isip ng binata.
Hinigpitan pa niya ng yakap ang dalaga at gumanti rin ito sa kanya.

"I hope this will last forever sweetheart..." bulong niya sa tenga ng dalaga.
Naramdaman ng dalaga ay hininga ni Enoch sa kanyang tenga at nag dulot ito ng kakaibang kiliti sa kalamnan niya.

"Sweetheart teka lang, kanina ko pa napapansin hindi mo man lang ako tinatawag tulad sa honey, babe, baby, love..." wika ng binata.

Napatawa ang dalaga sa narinig niya, tumaas naman ang kilay ni Enoch dahil doon kaya mas humagikhik ang dalaga.

"Bakit?" usal ng binata.

"Wala lang kailangan ba talaga iyon?" tanung ng dalaga.

"Oo naman, iyon ang magiging tawagan natin at sweetheart ang itatawag ko sa iyo..." wika ng binata.

"Okay honey my love so sweet...." naka ngiting usal ng dalaga.

"Ang haba naman sweetheart, honey nalang..." reklamo ng lalaki.
Masaya pang nagkwentoha ang dalawa at gabi na sila ng maka-uwi. Inihatid siya ng binata sa bahay nila.

"Sweetheart wala bang goodnight kiss?" wika ng binata sabay nguso.

"Kailangan ba iyon? Pwede bang wala nalang!" wika ni Maribel at tumawa.
Nalungkot naman ang binata bago tumalikod at napansin ito ng dalaga.

"Honey..." malambing na tawag ng dalaga.

Pero hindi siya pinansin ni Enoch at nagtuloy-tuloy nalang ito sa paglakad hanggang sa sasakyan.

"Honey...." may diing tawag ng dalaga.

Humarap ang binata at agad na sinunggaban siya ng dalaga sa mga labi. Nagulat ang lalaki pero natuwa rin ito at agad na tinugon ang halik.

"Iyan goodnight kiss na kaya huwag ka ng magreklamo pa ha..." usal ng dalaga.

Kapwa habol-hininga sila ng maghiwalay ang mga labi. Napa ngiti naman si Enoch at humarap ulit sa kanya.

"Pwedeng isa pa?" hirit ng binata.

"Ito gusto mung halikan?" wika ng dalaga.

Itinaas niya ang kamao at napa kamot naman ng ulo ang binata. Hinarap siya nito at ngumiti bago pumasok ng sasakyan.

"Good night sweetheart see you tomorrow at the office..." usal ng binata.
Hatid-tanaw lang ang ginawa ng daLaga pagkatapos ay pumasok na ito sa loob at nagpahinga na rin.

"Sana wala na itong katapusan pa, at sana ikaw na ang hinahanap ko...." bulong ng dalaga at pumikit.

Narating ni Enoch ang bahay nila at masaya siyang pumasok sa kanyang silid. Humiga ito sa kama at pumikit ng may ngiti sa labi.

IKAW ANG LAHAT SA AKIN By: Sexy Lady (B4: REALITY's DESIRE) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon