CHAPTER 21:

4.1K 75 0
                                    

Natapos nang lagyan ng lupa ang lahat ng paso. Napangiti ang binata dahil halos labinglima rin lahat ng iyon. Napa isip siya kung saan ito makakabili ng bulaklak.

"Sweetheart aalis muna ako ha, hahanap lang ako ng bulaklak." paalam ng binata.

"Sige mag-iingat ka honey pero kung gusto mong huwag na bumalik oky lang para hindi na tayo magkabati at hindi kana mahirapan." sagot ng dalaga.

"Babalik ako sweetheart promise." saad ng binata.

Lumabas na ito sa bahay ng dalaga at agad na sumakay sa kanyang kotse. Uuwi muna siya sa bahay nila at doon siya kukuha ng bulaklak.

"Sorry mom kailangan lang talaga para sa swetheart ko." usal ni Enoch.
Nang makarating ng bahay ay agad pumunta ang binata sa garden nila. Napangiti ito sa mga nakita niya doon.

"Tamang-tama, malapit na silang mamulaklak." sambit nito.

Agad niyany sinimulan ang mga gagawin. Kumuha ang binata ng tatlong pulang american roses at tatlo rin na puti tapos ay dalawa tulips na red at dalawa na violet. Kumuha rin siya ng sunflower na tatlo at tig isa na puti at dilaw na carnation.

"Sorry mommy..." bulong ni Enoch.

Agad niyang tinungo ang sasakyan at umalis upang makabalik agad sa dalaga. Dala ng pagod ay naka tulog si Maribel at hindi niya alam ang mga nangyayari.

"Yes, natapos ko na rin." wika ng binata na naka ngiti.

Pagdating niya ay agad nitong inilagay ang mga bulaklak sa mga paso para hindi mamatay tapos ay diniligan niya ito.

"Mamulaklak kayo agad ha para sa sweetheart ko." usal ni Enoch sa mga bulaklak.

Pumasok siya ng kabahayan at hinanap ang dalaga madatnan niya itong mahimbing na natutulog sa silid nito.

"You're so beautiful when sleeping sweetheart." usal ng binata.

Napangiti siya habang pinagmamasdan ang dalaga. Para itong anghel na natutulog, maya-maya ay kinumutan niya ito at dinampian ng halik sa noo.

"Sweetdreams sweetheart." bulong ng binata at lumabas na.

Tumawag siya sa isang restaurant para magpadeliever ng pagkain. Tapos ay hinintay niya ito, makalipas ang isang oras ay dumating ito. Agad namang binayaran ng lalaki ay inayos ito sa mesa.

"Napagod ako ah." usal ni Enoch.

Nang maayos niya ang pagkain ay nagtungo siya sa sofa upang mahiga muna saglit. Dala ng pagod ay naka tulog ito doon.

"Anung oras na?" bulalas ng dalaga.

Napabalikwas siya ng bangon dahil nakatulog na pala siya. Papungas-pungas ito na bumangon at lumabas.

"Bakit ang tahimik nasaan kaya ang lalaki na iyon?" usal ng dalaga.

Lumabas siya at nag tungo sa harap ng bahay. Napa ngiti siya sa nakita, may mga nakatanim na sa paso.

"Nasaan kaya ang lalaki na iyon?" nagtatakang tanung niya sa sarili.

Nagtungo sa kusina si Maribel upang uminom ng tubig. Nagulat siya sa nabungaran, ang daming pagkain sa taas ng mesa.

"Huh, para may fiesta ah." sambit ng dalaga.

Inayos niya ang mga ito at inilagay sa loob ng ref, pagkatapos ay uminom siya ng tubig at lumabas. Nahagip ng mata niya ay paa sa itaas ng sofa.

"Nanjan ka lang pala eh." usal ni Maribel.

Dahan-dahan siyang lumapit sa binata at bumungad ang maamong mukha nito, natutulog ito.

"Napagod siguro kaya naka tulog." bulong niya.

Tiningnan ng dalaga ang mukha ni Enoch. Ang makapal na kilay nito,ang mahabang pilik-mata, ang matangos na itong at pangahan na pisngi dagdag ang mapulang labi nito. Napalunok ang dalaga sa pagkatitig niya sa labi ng binata.

'Ang sarap halik-halikan ng labi na iyan.' laman ng kanyang isipan.

Naramdaman ng binata na parang may naka titig sa kanya kaya unti-unti siyang nagmulata. Bumungad ang mukha ng dalaga na naka titig sa kanyang mga labi kaya agad niya itong hinila at hinalikan.

"Honey talaga nanggugulat ka ha." reklamo ng dalaga.

Habol-hininga sila ng maghiwalay pero kapwa naka ngiti. Napa titig ang dalaga kay Enoch at siya mismo ang sumiil ng halik dito.

"Ang sarap naman sweetheart." may pilyong ngiti na wika ni Enoch.

Hinapit niya ang dalaga at niyakap ito ng mahigpit. Gumanti rin ang dalaga sa yakap nito.

"Ilove you sweetheart." bulong ng lalaki sa kanya.

"Ilove you too honey." usal ng dalaga.

Nang kumalas ay tumayo ang binata at tinungo ang kusina, sumunod naman ang dalaga sa kanya.

"Anung gagawin mo honey?" tanung ni Maribel.

"Kakain sweetheart nagugutom na ako." sagot ng binata.

Naghugas ito ng kamay at nagtungo sa ref tapos ay inilapag ang kga pagkain at kumuha ng dalawang plato.

"Kain na tayo sweetheart.." sambit ni Enoch.

Naupo nalang rin ang dalaga at tinanggap ang plato tapos ay naglagay ng pagkain. Sabay silang kumain na dalawa.

IKAW ANG LAHAT SA AKIN By: Sexy Lady (B4: REALITY's DESIRE) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon