CHAPTER 1:

13.1K 188 4
                                    

Masaya na ang dalaga para sa kanyang ate. Sa haba ng panahon na nawala ito sa Pilipinas, ngayon ay ikinasal na kay Erwin, ang mahal niya.

"Congrads ate, masaya ako para sa iyo at ngayon nasa tahimik na ang buhay mo..." wika ni Maribel.

"Salamat Bel, ikaw kailan mo ipapakilala ang boyfriend mo?" tanung ni Mary Rose.

"Ate talaga sino naman ipapakilala ko sa iyo eh wala pa nga akung nobyo..." sagot ng dalaga.

"Bilis-bilisan mo Bel, tandaan mo hindi kana bumabata, aba'y ilang taon kana." saad ng kanyang ate.

"Hayaan mo ate pag meron na ipapakilala ko agad sa iyo...." sagot ng babae.

Pagkatapos ng kasal ni Mary Rose, heto siya at nag-iisa sa unit, iniwan ito sa kanya ng kapatid.

"Saan kaya kita matatagpuan aking Mr. Right?" usal niya habang naka harap sa salamin.

Kakatapos niya lang mag shower kaya fresh na siya. Sinusuklay-suklay niya ang kanyang mahabang buhok.

"Kung natraffic ka lang sabihin mo at ako ang susundo sa iyo, hindi 'yung pinapahintay mo ako." dagdag pa niya.

Humiga na ito sa kama dahil bukas ay may trabaho pa siya. Secretarya ang dalaga sa isang malaking companya, ang Aguaras Textile.

"Good morning ma'am...." bati ng dalaga sa kanyang amo na babae.

"Good morning......" naka ngiting sagot ni Mrs. Aguaras.

Pumasok ang matanda sa opisina nito at inayos niya ang mga papeles na dapat dalhin sa ginang.

Nang maayos niya ito at agad siyang nagtungo sa pintuan at kumatok ng tatlong beses.

"Come in...." wika ng matanda.

"Ma'am ito na po ang mga papers na kailangan ninyong permahan..." wika ng dalaga.

"Thank you Miss Saban, can you please make some cup of brewed coffee for me?" saad ni Livia.

"Oky ma'am comming...." sagot ng dalaga at agad na lumabas.

Gumawa siya ng kape at nilagyan niya ito ng creamer tsaka bumalik sa loob ng opisina ng kanyang amo.

"Ahmmm, ma'am bakit parang stressed kayo?" tanung ni Maribel.

"Hay naku iha, hindi ko lang matagalan ang anak ko, lagi nalang sakit ng ulo ang binibigay niya sa akin..." usal ng matanda at humigop ng kape.

"Bakit po ma'am?" tanung ng babae.

"Hay! kagabi gumawa na naman ng gulo sa isang bar, ang daming binasag at hayun nag uwi na naman ng babae. Iwan ko ba sa bata na iyon kung kailan magtitino." paglalahad ng ginang.

"Ganun po ba, kawawa naman ho pala kayo kung ganun, problema na nga dito sa companya dagdagan pa ng anak ninyo." sagot ni maribel.

"Mula ng mamatay ang asawa ko naging bastardo na ang batang iyon palibhasa'y wala na ang ama niya na sisita sa kanya." dagdag pa ni Livia.

"Hayaan po ninyo ma'am malay ninyo balang araw magtino rin siya at magbabago." tugon rin ng dalaga.

"Hay! sana nga iha, magdilang anghel ka, pasensya na kung ikaw ang napagsasabihan ko ng problema ko ha." saad ng matanda.

"Naku wala po iyon ma'am, basta para sa inyo walang problema..." sagot ng dalaga.

Ganito sila minsan pag mag-usap na dalawa. Pinagkakatiwalaan kasi siya ng kanyang amo.

"Bel, halika at sabay na tayong mag lunch..." yaya ni Livia sa dalaga.

"Naku nakakahiya naman ma'am..." sagot ng babae.

"Huwag ka nang mahiya, isipin mo nalang na part rin ito ng trabaho mo, tsaka hindi na uso ang hiya-hiya na iyan kaya tara na sa canteen.." usal ng matanda.

"Oky po ma'am kung iyan ang gusto mo..." sagot ng dalaga at tumayo.

Hindi na siya humindi dahil alam niyang hindi siya titigilan ni Livia. Bumaba na silang dalawa upang makakain na.

"Kumain ka ng gusto mo iha at ako ang bahala." usal ng ginang.

"Naku ma'am hindi naman ako marami kung kumain eh..." sagot ni Maribel.

"Kaya pala ang payat-payat mung bata ka, oh hala halikana.. " wika ng matanda at nagtungo sa counter.

Maraming pagkaing inorder ang matanda at halos lumuwa naman ang mata ng dalaga sa dami.

"Ma'am ang dami naman yata, para naman may fiesta..." naka ngiting wika ni Maribel.

"Hindi naman iha syempre i-share din natin ito sa iba." saad ni Livia.

Tumawag ito ng iba pang tauhan na naroroon at masaya silang na nanghalian.

IKAW ANG LAHAT SA AKIN By: Sexy Lady (B4: REALITY's DESIRE) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon