CHAPTER 7:

5K 108 1
                                    

Lumipas ang tatlong araw na pananatili ni Enoch doon sa resort ay umuwi na ito. Nalungkot ang binata ng malaman na umalis kinahapunan ang dalaga sa cottage nila.

"I need to find you soon..." usal niya.

Ang tindi ng tama nito sa babae kung ka't ganun nalang ka tindi ang pag nanais niya na makita ito muli.

"I will do anything just to find you, kujg kailangan kung bayaran at hanapin ang pinaka magaling na detective gagawin ko..." saad ng binata habang nagmamaneho.

Narating niya ang manila at dumerecho siya sa bahay nila. Nadatnan nito ang mga katulong na naglilinis.

"Magandang tanghali po sir.." bati ng isa.

Tumango lang ang binata at dumerecho sa kanyang silid. Gusto muna niyang magpahinga ago simulan ang nais gawin.

"Magandang gabi ma'am, naririto na ho si sir Enoch..." wika ng katulung kay Livia.

"Nasaan siya?" tanung ng matanda.

"Nasa silid ho niya ma'am at mula kanina ay hindi pa lumalabas." tugon nito.

Pumanhik ang donya at tinungo ang silid ng anak, pinihit niya ito at nakita niyang tulug na tulog ang binata.

"I'm happy that you come home anak..." usal ng matanda.

Sa totoo namiss niya ng sobra ang binata, lalo pa't ito nalang ang nag-iisang kasama niya sa buhay. May sariling negosyo rin ang anak niya pero laging wala ito sa opisina.

"Hmmmm, napasarap yata ang tulog ko ah..." bulong ni Enoch.

Bumangon ito at nagtungo sa banyo upang maligo pagkatapos ay bumaba siya upang kumain dahil gutom na siya.

"Good evening iho..." bati ng kanyang ina.

Naka upo na ito sa harap ng mesa at kumakain kasabay ng mga katulong. Lumapit siya at humalik sa pisngi ng matanda.

"Have a seat iho, at sumabay kana rin para masaya..." utos ng matanda.

Tumayo ang isang katulongat ikinuha siya ng plato. Tapos ay nagsalin na ang binata ng pagkain at tahimik itong sumubo.

"Ang tahimik mo naman yata iho, may problema ba?" tanung ng kanyang ina.

"Wala mom, may iniisip lang ho ako.." magalang na tugon nito.

Hindi na siya kinulit ng matanda, kumain nalang ang mga ito ng tahimik hanggang sa makatapos. Pumanhik siya ulit ng tapos na itong kumain.

"Good night mom..." paalam niya sa ina.

"Wala ka bang lakad iho?" tanung ni Livia sa anak.

"Wala mom, inaantok na ako kaya mauuna na ako sa inyo sa taas..." tugon niya at umalis na.

Nagtaka naman ang matanda pero natuwa siya sa pagbabago ng anak, bigla itong naging matured sa paningin niya.

"Anung nangyari doon?" Himala yata at sana magtuloy-tuloy na..." bulong ng ginang.

Nang maka akyat ay agad tinawagan ni Enoch ang magaling na detective na binigay ng kanyang kaibigan. Nag-usap sila at agad nitong ibinigay ang mga impormasyon na alam niya.

"I want quick result as soon as possible oky..." tugon ng binata bago ibinaba ang telepono.

Sumandal siya sa upuan at pumikit sabay ng isang matamis na ngiti. Excited siyang makita muli ang dalaga.

"Good morning ma'am..." bati ni Maribel sa ginang.

"Good morning iha..." tugon nito.

"Aba parang blooming ka ngayon ma'am ah..." saad ng dalaga at ngumiti.

"Bring me some cup of coffee to my office please..." usal ni Livia.

"Oky ma'am..." tugon ng dalaga.

Tumayo ito upang gumawa ng kape para sa matanda at gumawa rin siya ng para sa kanya at pumasok ito doon.

"Here is your coffee ma'am...." naka ngiting saad ni Maribel.

"Have a seat iha..." tugon ng matanda.

Naupo ang dalaga, sabay silang sumimsim ng kape. Tapos ay ngumiti ulit ang matanda pagkalapag ng baso.

"Ang saya ko lang iha dahil parang may nagbago sa anak ko..." usal ng matanda.

"Mabuti naman kung ganun ma'am, para hindi na kayo mamroblema..." sagot ng dalaga.

"Sana nga iha magtuloy-tuloy na ito para wala na akung sakit sa ulo.." tugon ng matanda.

Bumalik na sa trabaho ang dalaga, masaya siya at nakita nito sa unang pagkakataon na ngumiti ang matanda.

"Ma'am hindi pa ba kayo uuwi?" tanung ng dalaga.

"Mamaya iha, hihintayin ko muna ang anak ko at susunduin niya ako ngayon...." tugon ng matanda.

"Oh sige po, mauuna na ako sa inyo.." paalam ng dalaga.

Lumabas na ito at tinungo ang elevator. Nakarating na si Enoch sa baba at tinungo nito ang elevator para maka akyat.

"Ang tagal naman.." usal ni Maribel.

Nakasakay agad si Enoch sa elevator. Si Maribel ay naghihintay parin, paakyat ang isa at pababa ang isa. Naunang bumukas ang isa at agad na pumasok ang dalaga doon na siyang bukas naman ng isa.

Pasara na ang pinasukang elevator ng dalaga na siyang paglabas ni Enoch doon.

"Mom, naririto na ako..." tawag ng binata sa labas.

Nang marinig ito ng ginang ay agad siyang lumabas doon. Sinalubong siya ng kanyang anak.

"Hi mom, kamusta?" tanung ni Enoch.

Hinalikan niya sa pisngi ang matanda at yumakap ito tsaka inalaayan ng binata palabas.

"Salamat sa pagsundo anak, masaya ako at sa unang pagkakataon ay sinundo mo ako.." masayang saad ng matanda.

"Mom naman, sige from now on susunduin na kita palagi..." tugon ng binata.

"Talaga anak?" paniniguro ng ginang.

"Oo mom, tara alis na tayo pero bago umuwi kakain tayo sa labas treat ko.." tugon ng binata.

Sumakay na sila ng kotse at nagtungo sa isang kilalang restaurant. Doon ay masayang kumain ang mag-ina. Tuwang-tuwa naman ang ginang dahil doon.

"Salamat anak at pinasaya mo ako ngayon..." usal ng matanda.

"Basta para sa inyo mom.." naka ngiting saad ng binata.

Masayang umuwi ang dalawa, hindi matanggal-tanggal ang ngiti ng ginang.

"Aba, ang gaanng aura mo ma'am ah..." pag pupuna ng dalaga.

Pakanta-kanta kasi ang ginang at kay lapad ng mga ngiti. Maaga rin itong pumasok ng traaho ngayon at mas nauna pa sa kanya.

"Masaya lang ako iha, at naninibago sa aking unico iho..." tugon ng ginang.

"Bakit ho ma'am?" tanung ng dalaga.

Kwenento ni Livia ang mga nangyari kagabi at talagang natuwa ang dalaga

IKAW ANG LAHAT SA AKIN By: Sexy Lady (B4: REALITY's DESIRE) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon