CHAPTER 20:

4.3K 86 1
                                    

Nagising ng maaga ang dalaga at bumangon ito upang bumaba. Naka suot lang siya ng manipis na blouse at maigsi na short.
"Good morning sweetheart...." bati ni Enoch.

Napatigil sa paglalakad ang dalaga at napalingon, nanlaki ang mata niya ng makita ang binata na kampanteng naka upo sa sofa.

"Ha-honey....." sambit ng dalaga.

Napalunok naman ang binata sa nakita niya, ang ganda ng dalaga sa suot nito. At kitang-kita ang kabuoan nito. Napalunok ang lalaki dahil doon.

"Ang aga mo naman yata honey...." usal ni Maribel.

Dahan-dahan siyang lumapit sa harap ng binata at hindi alintana ang kasuotan. Parang na istatwa ang binata dahil kahit ulo niya ay hindi naka galaw.

"Namissed kita honey ko...." wika ng babae na sinamahan pa ng paglapit ng mukha.

Walang kakurap-kurap ang lalaki sa mukha ng dalaga lalo na sa mga labi nito at sa balintataw niya na suot ng babae.

"Swe-sweet-ha-heart...." nauutal na wika ni Enoch.

Dinampian ni Maribel ng halik ang binata, bigla namang uminit si Enoch dahil doon pero inilayo agad ng dalaga ang labi na hinabot ng lalaki pero hindi nagtagumpay pagkat hinarang ng dalaga ang daliri niya.
"Halika dito....." usal ng babae.

Hinawakan niya ang binata sa kwelyo at hinila, naging sunod-sunuran naman ang lalaki. Napunta sila sa harapan at doon ay may naka handa na lupa at mga paso.

"Anung gagawin natin dito?" tanung ng binata.

Nagtataka kasi siya bakit iyon ang mga naroroon. Kaya napa kamot siya ng ulo at napa titig sa dalaga.

"Diba gusto mung patawarin kita kaya iyan ang gagawin mo....." usal ng babae.

"Anu ang gagawin ko sa mga iyan?" takang tanung ng lalaki.

"Ang mga paso na iyan lagyan mo ng lupa at taniman ng bulaklak, bahala ka kung saan ka kukuha ng bulaklak basta gusto ko after one week ay magkaroon ng buhay na bulaklak dito sa harap ng bahay. Buhay na nakatamin talaga at hindi nalalanta ha at dapat may bulaklak, tapos sa loob ng isang linggo dapat ikaw ang magluluto ng breakfast ko perk hindi ka pwede matulog dito...." usal ng dalaga.

"Anu, iyon ang gagawin ko?" usal ng binata.

Nanlalaki ang mata at butas ng ilong niya hindi nito akalain na iyon ang ipapagawa ng kasintahan, magiging hardinero at cook siya sa loob ng isang linggo.

"Pero sweetheart hindi ko alam paano magluto at wala akung alam sa bulaklak...." reklamo ni Enoch.

"So ibig sabihin ayaw mo?" wika ng dalaga na naka pamewang.

"Hindi sa ganun sweetheart kasi...." saad ng lalaki.

"Wala ng kasi-kasi, kung ayaw mo makakaalis kana..." sambit ni Maribel.
Tatalikod na sana siya pero biglang hinila ng binata ang kanyang kamay at niyakap.

"Para sa iyo sweetheart handa akung gawin ang lahat....." bulong ng lalaki.

Parang kinilig ang babae sa narinig niya pero hindi siya nagpahalata. Kung pwede lang tumalon ang puso niya siguro nagtatalon na ito.

"Anu pa hinihintay mo simulan mo na..." utos ng dalaga.

Kumalas sa pagkakayakap ang lalaki at tinungo ang mga paso. Tumalikod na rin ang dalaga at tinungo ang banyo upang maligo. Pagkatapos niya maligo ay tinungo nito ang kusina upang magluto.

'Magagawa kaya niya ang pinapagawa ko?" sa isip ng babae.

Nagluto siya ng itlog at tapa tapos ay nagsaing siya at nag ayos ng mesa para makakain na sila ng binata.

"Pwede na siguro ito...." bulong niya.

Nang maayos ay tinungo nito ang pintuan upang puntahan ang binata. Naabutan niyang abala ito sa pag lalagay ng lupa sa mga paso. Wala na rin itong pang itaas na damit.

'Ang kisig ng katawan niya....' usal ng isipan ni Maribel.

Napalunok siya dahil kitang-kita niya ang abs ng binata at dagdag pa ang mga pawis na namumuo rito.

"Oh sweetheart nanjan ka pala..." usal ng binata.

Lumapit ito sa dalaga na naka ngiti at kumindat pa kaya halos matunaw ang puso niya sa kilig.

"Ha-halika mag agahan ka muna..." pagyaya ng dalaga.

Alam ni Enoch na naakit niya ang dalaga dahil sa galaw ng mga mata nito na naiilang.

"Sige sweetheart susunod ako kukunin ko lang ng damit ko...." sagot ng binata.

Tumalikod iti at tinungo ang upuan kung saan naka lapag ang kanyang damit at kinuha. Nauna naman ang dalaga sa pagpasok kaya naghanda agad siya ng kape.

"Uhmm ang bango naman nakakagutom..." sambit ng binata.

Naupo ito sa harap ng mesa at puro lupa pa ang mga kamay kaya napa ngiti ang dalaga.

"Hindi ka manlang ba maghuhugas muna ng iyong kamay?" tanung ni Maribel.

Napatitig ang binata sa sariling kamay at napangiti sabay titig sa dalaga na naka tingin sa kanya.

"Sorry sweetheart gutom na ako eh.." sagot ni Enoch.

Tumayo siya at tinungo ay lababo upang maghugas, inilapag naman ni Maribel ang dalawang mug. Pagkatapos ay sabay silang kumain na dalawa.

"aaaahhhh ang sarap...." usal ng lalaki.

"Nagutom ka anu!" saad ng babae.

"Oo eh...." naka ngiti na sagot ng lalaki.

"Hindi halata naubos mo ang niluto ko.." pang-aasar ng dalaga.

Tumayo si Enoch at humakbang na ito palabas ng magsalita ang dalaga.

"Saan ka pupunta?" tanung nito.

"Sa ginagawa ko, tatapusin ko agad para makasama na ulit kita...." wika ni Enoch at ngumiti ng matamis.

Lumabas ito at naglinis ang dalaga sa kusina maging ang buong bahay, tapos ay kumuha siya ng pamunas upang puntahan ang binata dahil alam niya na pawis na ito.

Nagulat ang binata ng may dumampi sa likod niya at napa ngiti naman iti ng makita ang dalaga sa ising sulok ng kanyang mata na pinupunasan siya.

"Salamat sweetheart..." saad nito.

Hindi sumagot ang dalaga at ng matapos ay tumalikod ulit ito upang pumasok sa loob.

IKAW ANG LAHAT SA AKIN By: Sexy Lady (B4: REALITY's DESIRE) (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon